Chapter 4 (WOTP) Confrontation

85.4K 1.4K 91
                                    

Charles' POV

Time: 8:00AM

Nandito kami sa Kings and Queens room sa LOG. Isang araw pa lang ang nakaraan matapos ang laban ng mga anak namin kina Chael at Luke. Hinihintay namin nila Krissa at Kath si Daniel. Napatingin kami sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Daniel. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Charles, nowhere to be found si Black Angel and White Prince," sabi ni Daniel. Sabay sabay na napabuntong hininga kami nila Krissa at Kath.

"Walang may alam kung nasaan sila ngayon. Dahil nga sa naka-maskara sila nung laban, Walang nakaka-alam kung ano itsura nila," sabi ulit ni Daniel. Umupo ulit ako sa sofa at hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.

"Then I guess we must find them personally. Let's go." sabi ko sa kanila. Wala na kaming ibang choice. Hindi naman namin pwede ilabas ang totoong pagkatao nilang dalawa. Hindi nila pwedeng malaman na sila si Sky King at Thief Prince dati. Oo, Wala na si Sky King at Thief Prince. Nagquit na sila bilang gangsters. Pero bumalik sila sa ibang gangster name at yun ang Black Angel at White Prince.

Tumayo na ako at lumabas doon sa room na yon. Sumunod naman sa akin ung tatlo at saka kami umalis sa LOG at dumiretso sa bahay. Naabutan namin doon ang Fighting Maids na naglilinis at nag-aayos ng bahay. Bawat sulok ng bahay ay may naglilinis. Tama lang talaga na kinuha ko sila. Nung pagkapasok namin sa loob ng main door ng bahay. Tumigil sila sa ginagawa nila at luminya ng magkahati sa kaliwa at sa kanan.

"Good Morning, Our Kings and Queens!" bati nila sa amin at nagbow. Napangiti kaming apat sa kanila.

"Fighting maids, Nandyan ba ang Princesses?" tanong ni Krissa sa kanila.

"Yes, Our Queen. Nasa room po nila." sabi ni Maid #1.

"Okay. Kumain na ba sila?" tanong ulit ni Krissa.

"Hindi pa po, Our Queen." sagot ulit ni Maid #1.

"Pakitawag naman sila. Sabay sabay na kami kumain. Salamat!" utos ni Krissa sa kanya. Nagbow si Maid #1 at umakyat ng 2nd floor. Pumasok na kami sa dining room at naabutan namin doon ang ibang maids na inaayos na ang kakainan namin. Naririnig din namin ang malakas na sigaw ni Maid #1 at kasabay nun ang pagbukas ng pinto ng padabog at ang naiinis na sigaw ni Annie. Hayyy.

"Fine! Bababa na kami!" malakas na sigaw ni Annie at narinig na lang namin ang yabag nilang dalawa pababa sa hagdanan. Kunot noo silang dumating sa dining room. Tumigil muna ang maids na nag-aayos at nagbow at binati ang dalawa pero umupo na lang ang dalawa naming anak. Hayy nako. Sana bumalik na sila sa dati.

Naka-upo ako sa pinakadulo sa gitna. Sa kaliwa ko naman nakapwesto si Krissa at Kath. Sa kanan ko naman si Daniel at ang Princesses. Tahimik lang kami habang nilalagay ng ibang maids ang pagkain sa table namin. Nang matapos na ang paglalagay ng pagkain ng maids, kukuha na sana ang Princesses pero pinigilan ko sila.

"Magdasal muna tayo." malumanay kong sabi sa kanila. Tinignan nila akong dalawa ng nagtataka.

"Dad. We don't usually pray before meals--" pinutol ko na ang anak ko.

"Then starting this day, We will do it." sabi ko at wala na silang nagawa. Oo, Dati hindi kami nagdadasal bago kumain dahil lagi silang excited kumain kaya hindi na namin sila mapigilan. Pero iba na ngayon. Iba na talaga. Pagkatapos magdasal ay kumain na kami. Sobrang tahimik namin. Gustong gusto ko kausapin ang dalawang princesses tungkol sa laban pero hindi ko alam kung bakit may pumipigil sa akin. Siguro papatawag ko na lang sila mamaya sa secret hideout room.

Nauna ang Princesses na matapos sa pagkain. Sabay sila tumayo.

"Dad, Mom. We'll go ahead." sabi ni Thalia sa amin. Patalikod na sila nang magsalita si Daniel.

SOG Book 2: Wrath of the PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon