Nang una kitang nakita, ako'y napanganga
Sa kagwapuhang kailan man hindi ko inakalang mayroon pa
At nang magsalita ka'y, mundo ay nilisan ko na
Dahil sa boses mong dinaig pa si Paolo Onesa
Ako'y natauhan nang ikaw ay tumawa
Hindi ko pala namalayang ako'y nagpapantasya na
Sa sobrang kahihiyan, ako'y napatakbo na lang
Ngunit napahinto rin nang maalalang umuulan
Nakahinto pa rin dahil iniisip ang gagawin
Babalik pa ba gayung basa na rin
Ngunit ako'y nagulat nang ulan ay tumigil
Samantalang sa paligid, ang ulan ay walang pigil
Napatingin sa itaas at doon nakita
Ang payong na pula na hawak kanina
Doon ay naalala na nabitawan ko pala
Dahil sa kagwapuhan mong nakakalaglag-panga
Ako'y napatingin sa taong may hawak
Ng payong na pula na kaunting ihip lang ay maaari ng mawasak
Ikaw ay nakita, nakangiti na abot tenga
Samantalang ako'y naestatwa dahil sa ngipin mong nakakasilaw pa
Ako'y napasampal sa sariling mukha
At ikaw ay nagulat sa aking ginawa
Baka kasi panaginip lang itong nakikita
Ngunit ako'y nasaktan, ako'y totoong gising nga
Ikaw ay lalong napangiti dahil sa aking ginawa
Bakas din sa mukha ang iyong pagkamangha
Masisisi mo ba ako gayong ikaw ang nasa harap ko
Na sa kagwapuhan pa lang ay lamang na kay Mario
Ikaw ay nagpakilala at ako'y nagulat pa
Dahil kapangalan mo ang tatay kong namayapa na
Ako'y magsasalita na sana nang biglang may bumusina
At sabay tayong natawa nang mapansing tayo'y nasa kalsada pala
Sa parkeng pinanggalingan, doon ay nagpunta
At sa ilalim ng payong na pula, pormal na nagpakilala
Habang nagsasalita, sarili'y 'di maiwasan
Ang masdan ang mukha mong sobra ang kagwapuhan
Ako'y napatingin sa mapang-akit mong mga mata
Hindi ko mawari ngunit parang nakita ko na
Kailan at saan, bakit hindi ko maalala
Marahil ay guni-guni lang kaya isinantabi muna
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, ay doon na nagsimula
Ang sunud-sunod nating pagkikita na hindi ko inakala
Ito ba'y pagkakataon lang o sadyang nakatadhana
Ang mapalapit sa isa't isa na saksi ang payong na pula
Dumaan ang dalawang buwan, ikaw ay nanligaw
Sinagot naman agad paglipas ng pitong araw
Sa ilalim ng payong na pula, matamis kong 'oo' ay iyong nakuha
At iyon ang simula ng mala-'Romeo at Juliet' nating istorya
Sa parkeng pinagsimulan, doon laging nagkikita
Bitbit lagi ang payong na pula na saksi sa ating istorya
Walang kapantay ang saya sa tuwing ikaw ay kasama
Walang iwanan, 'yan ang sumpaan sa isa't isa
Ngunit ang ating relasyon ay sinubok ng pagkakataon
Tayo'y sinupresa ng isang malaking rebelasyon
Kaya pala parang pamilyar ang iyong mga mata
Ito pala'y minana mo sa tatay kong namayapa na
Masakit isipin, ano ang ating gagawin
Bawal na pag-ibig, 'yan pala ang mayroon sa atin
Ikaw ay aking kapatid kahit ayaw kong tanggapin
Kaya ang relasyong mayroon tayo ay kailangan ng putulin
Sa parkeng pinupuntahan, doon din naghiwalay
Ayaw man ng puso ko, ito'y aking sinuway
Dahil parehong dugo ang sa katawan natin ay nananalantay
Kaya itong pag-iibigan natin ay kailangan ng ibaon sa hukay
Sa aking pagtalikod, ikaw ay nagmakaawa
Sabi mo'y ipagpatuloy natin wala man ang kanilang suporta
Ngunit ako'y hindi pumayag sapagkat tadhana na ang humusga
Na tayong dalawa ay hindi para sa isa't isa
Ako'y napadpad sa libingan ni ama
At doon pinagmasdan ang pangalan niyang nasa lapida
Ako'y naiyak, ang iniirog ko'y kapatid ko pala
Ngunit wala akong magagawa sapagkat ito'y nakatadhana
Sa payong na pula nagsimula ang lahat
Ang pagmamahalan nating wagas at tapat
Kaya itong payong na pula ay aking ibabaon na
Kasabay ang mga pangyayaring ngayon ay alaala na
♕