U3 - 4
Akirah's POV
" sumunod kayo sakin. " sabi nung babae.
" bakit naman?" - sabi ni Arrissah.
" sumunod na nga lang sabi kayo eh. " sabi nung babae. Estudyante rin sya dito, naka-uniform ng Freedom U, eh.
" tinatamad kaming maglakad. " sagot ni Alliyah.
" Tsk! Naman eh! Pinapatawag kayo sa guidance. " sabi nung babae.
" WALA PA NAMAN KAMING GINAGAWANG KALOKOHAN AH?" sabi ko. Talaga naman kasi eh!
" Ewan ko rin eh, punta nalang tayo." Sabi nya.
[ GUIDANCE OFFICE ]
" Miss Montelava, Miss Moiano at Miss Mizura! Sawang sawa na akong makita pa kayo dito sa office! Di ba kayo napapagod sa ginagawa nyo?" Sabi ni Ms. Jen, guidance councillor.
" Sawang sawa na pala kayo eh, bat nyo pa kasi kami pinapatawag? Tss." walang ganang sagot ni Alliyah.
" Aba naman talaga!"
Naghikab nalang ako. Sermon na naman. What the heck.
" Nakarating samin ang ginawa nyong kalokohan sa mall. " sabi ni Ms. Jen
" Ay nakarating sa inyo Ms? Via LBC ba yun o via Email?" Pilosopo kong sabi.
" Baka naglakad? BWAHAHAHA" dugtong ni Arrissah.
" SHUT UP BOTH OF YOU! CAN YOU PLEASE, HAVE SOME RESPECT?! IS THAT REALLY HARD TO DO?"
Natahimik naman kami. Para matapos na at baka ma-late pa kami sa klase ni Sir Marlon. Oo, si Sir Marlon lang ang papasukan namin, MATH subject dude! MATH.
" Gaya ng sinabi ko, nakarating samin yun. At talagang muntik na kayong mapa-prisinto ah?! Hindi ba talaga kayo nag-iisip? At dinamay niyo pa talaga si Sir Marlon? Aba naman! Talagang kahiya-hiya yon! Umayos nga kayong tatlo. Sana hindi na 'to mauuulit. Pag nagkataon, ipapaabot ko na 'to sa admins at sa principal."
"K.dot" sabi naming tatlo at lumabas na ng office.
" Badtrip naman! Umagang-umaga, sermon ang abot natin. Letse talaga." Sabi ni Alliyah.
" Sus naman! Di pa tayo nasanay? U3 tayo eh. Malamang sa malamang, ganun talaga." Sagot ko nalang.
" Buti nalang talaga sa Friday ngayon! Yes naman !! Ano? Saan tayo bukas?" Sabat ni Arrissah.
"Kung saan maraming magagawang kalokohan." I said with matching wink pa ;)
" WAAAAAAA!! SHETEE! BUKAS NA ANG CONCERT NG INFINITE AT CNBLUE! SHET TALAGA! NAEEXCITE ANG GANDA KO!! BUTI NALANG AT NAKABILI NA TAYO NG TICKETS, ANG BILIS MA-SOLD OUT EH. 1 WEEK LANG, UBOS NA!! YESS! INFINITE!! CNBLUE!!" Sigaw nung isang babae na nakasalubong namin dito sa school ground. Tatlo sila.
"ANO DAW?? BUKAS NA YON?"
Nakapukaw ako ng atensyon ng ibang estudyanteng naglalakad din sa ground. Oo na, ako na nakalunok ng megaphone. XD
"Bukas ang alin daw?" bulong-bulungan ng mga nasa tabi-tabi.
" SHEEET! TARA PUNTAHAN NATIN YUNG TATLONG BABAENG YUN!" Sigaw din ni Alliyah.
" WALA NA! NAKAPASOK NA NG ROOM! TARA TARA!" sigaw din ni Arrissah
Oo na ulit, kami na ang tropang nakalunok ng megaphone.
" Sino yung tatlong babae na nag-uusap tungkol sa CnBlue and Infinite concert, kanina sa ground? Sagot agad!" Sabi ni Alliyah. Warfreak talaga .___. Kitang may teacher na nagdi-discuss eh.
BINABASA MO ANG
The Unknownymous Three
RomanceAng storya ng tatlong babae na gagawa ng kagagahan kapalit ng kanilang kasiyahan. Paano kaya kung sa paggawa ng kagagahan na iyon ay mahanap nila ang kanilang prince charming? FREEDOM , HAPPINESS AND LOVE. ♥