Behind the Scene

71 5 3
                                    

From:Oliver King
Sorry dahil sakin nadamay ang kapatid mo. Nakikiramay ako. Condolence.

Isang malakas na tawa ang madidinig ko kay Claire.

"Anyare?"tanong ko habang hinuhubad ang dress na pinasuot niya sakin.

"Kasi talagang naniwala si Oliver na patay ka na. Like duh! Mukha bang hahayaan ko na mamatay ang kapatid ko."sabi niya sabay tawa ulit.

"Panong hindi maniniwala eh lupit mo maka scripted eh. Mamaya pati yang nasa usb scripted din."sabi ko pero napailing siya.

"Nope. Serious matter yun at pati yung pagsunod sa kanila nun tauhan ng lolo nya totoo yun pero yung pagpapaputok ay isang prank lang."dagdag nya.

"Pero curious lang ako Claire. Bakit mo sinabi na mabubuksan lang ni Oliver ang nakalagay sa usb kapag kinasal siya?"tanong ko.

Lumapit siya sakin na parang gulat na gulat at hindi makapaniwala.

"Ano?"tanong ko na naiinis sa paglapit niya.

"Seriously Harry hindi mo alam na ikaw ang ikakasal kay Oliver?"tanong niya sakin.

"Ha? Ikakasal ako kay.. Oliver? Pero imposible yung kasi-"

Napatingin ako sa kanya at ngumiti siya ng nakakaloko.

"WHAT! Kaya mo hinayaan na ako ang maglagay ng password dun dahil ako ang magiging future bride ni Oliver? Ibig sabihin yung pamilya niya ang-"

"BIGTI NA KAPATID!"sigaw ni ate at ramdan ko na ako si Jose Rizal at handa na kong patayin sa bagong bayan.

"Hahahahahahaha!"tawa niya ng malakas.

"Bakit hindi mo agad sinabi sakin ATE?!"sigaw ko at diniin ko talaga yung ate kasi nama  ayaw nyang tinatawag siyang ate.

Kaya heto at nabatukan nya ko.

"How dare you to call me ate?! Duh nauna lang ako lumabas at pareho tayo ng birthday at minutes lang ang pagitan natin! Kaya dont ever call me ate! Walang bastusan!" Sigaw ni ate at nakapamewang siya sa akin.

"Kasalanan mo yan dahil hindi mo sinabi na alam mo kung sino ang papakasalan ko."sabi ko sa kanya sabay bato nun bra na binigay nya sakin.

"Ang sama mo Harry! At saka lately ko lang naconfirm na pamilya nga niya ang pumili sayo na maging bride ni Oliver King. Isa pa yummy naman siya kaya botong boto ako sa kanya para sayo!"sabi ni Claire na naka thumbs up pa.

Napa face palm naman ako lalo na at naiimagine ko na ang kakahinatnan ng lahat kapag nalaman nila na ang akala nilang babae ay lalaki pala.

"Hayss...bakit ba kailangan maging ganito ka komplikado ang lahat" bulong ko sa sarili ko.

Tinitigan naman ako ni Claire at ang lapad ng ngiti.

"You know Harry nun nagpanggap ka na sales staff nakita ko na grabe maglaway yung kaibigan ni Ollie at saka mukha ka talagang babae. Kaya wag kang mag alala. Kaya mo yan!"dagdag pa ni Claire at sabay yakap sakin.

Kung naguguluhan kayo. Mahaba kasi talaga ang buhok ko. Mostly nakasuot ako ng wig na panlalaki lalo na kapag nasa harap ako ng maraming tao pero kapag kami lang nila mommy at Claire hinahayaan nila ko na ilugay ang buhok ko. Slender din ang body ko at yung mga buhok sa binti hindi makapal. Kaya madalas akong napagkakamalan na babae na flat chested.

Flashback

Unit9879

"Harry bilisan muna!"utos ni Claire habang inaayos ko pa ang wig ko. Medyo maluwag kasi.

groom to be or bride to be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon