Prologue

1.7K 42 4
                                    

SHE:

Akala ko nakakatakot ang magkaroon ng hindi pangkaraniwang kakayahanan, iyon ay ang makakita ng kaluluwa o spirit. Hindi pala. Katulad ng ibang bagay na nangyayari sa buhay, makakasanayan na rin iyon at magagawang balewalain na parang hindi nakikita.

Buong buhay ko, binalewala ko ang mga kaluluwang nakakasalubong ko, mga nanghihingi ng tulong, mga nagpapapansin.

Pero hindi ko pala talaga sila kayang balewalain kung ang pinakamamahal ko na ay isa sa mga iyon. Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa kanya. Hindi ko alam kung babalewalain ko siya.

Pero bakit noong nawala siya ay hinanap ko siya?

I miss him... so bad.

HE:

Ilang taon, ilang taon akong nabuhay nang wala siya. Sinubukan kong sumunod sa kanya, pero bakit pakiramdam ko ay pinipigilan niya ako? Ayaw niya ba akong makasama? Ayaw na niya ba sa akin?

Pero hindi, hindi pwedeng ayaw na niya akong makasama. Maaring andito lang siya sa tabi ko. Maari binabantayan niya ako nang hindi ko nalalaman.

Kung magagawa ko lang sanang makakita ng mga namatay na tao, kung bukas lang sana ang third eye ko, makikita ko sana siya.

Sana nakikita ko siya... kahit sana sa pamamagitan lang ng ibang tao.

I miss her so bad.

---

MICHIIMICHIE

Book II ng WALANG FOREVER.

Prologue lang muna. Salamat.

Chasing ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon