Katatakutan o ilusyon?

54.2K 944 327
                                    

A/N: Kekeke!!! Halloween Special! CHOS!

******

High school ako noon n’ung managinip ako ng kakaiba. Nasa isang kwarto lang ako at ang buong paligid ay kulay tsokolate. Makipot lang ang kwarto at talaga namang parang nakakasakal ang kasikipan nito. Naalala ko pa nga ang buong detalye ng panaginip kong iyon. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko noong maglakad ako. Wala akong makitang mga gamit basta isa lamang itong silid na ang kulay ng bawat sulok ay tsokolate. Naalala ko pa ang mga ulong bigla nalang lumalabas sa mga pader. Mga ulong nakakatakot. Mga hindi ko kayang ipaliwanag. Marami sila at maski sa paanan ko ay nakikita ko sila. Naalala ko pang kahit saan ako tumingin ay nakikita ko sila. Laking pasasalamat ko nalang noong ako ay nagising.

‘Buti nalamang at panaginip lang iyon.’ Isip-isip ko.

Ilang araw pa ang nakakalipas at lagi ko itong napapanaginipan. Lagi akong nagigising ng madaling araw dahil sa panaginip kong iyon. Hindi siya nagbabago pero buti nalamang isang gabi ay nawala nalang ito.

Third year high school pa rin kami noon at nasa silid-aralan lang kami. As usual maingay nanaman ang klase namin. TLE pa nga ang subject namin noon at hindi nananaman kami nakikinig ng seatmate ko. Kinukwentuhan ko pa siya noon ng tungkol sa manga na nabasa ko. Kinikilig kaming pareho pero nagpasya nalang kaming makinig noong marinig naming magkakaroon ng quiz pagkatapos ng discussion. Ako bilang isang mabuting estudyante ay nakinig nalang at hindi na ulit nilingon ang seatmate ko nang bigla nalang akong may marinig na kakaiba. Hindi ko maintindihan. Lumingin ako sa katabi ko at tinanong siya kung may sinabi ba siya saakin. Kaya lang sumagot siya ng ‘wala naman akong sinasabi. Tumahimik na nga e.’ Pero sa totoo lang sa room naming iyon ang sinasabi ng guard na may nagmumultong lalaki. At oo isang lalaki nga iyong narinig ko. But then, I brushed my thought away. Siguro guni-guni ko lang iyon kaya hindi ko nalang ito inintindi.

Kinaumagahan ay pumasok nanaman ako. This time napaaga ang schoolbus ko. Ang kaservice ko ay iba ang classroom kaya naman hindi kami magkasama. Pagpasok ko sa klase namin ay isa palang ang nandoon. Hindi naman pala ako sobrang aga dahil may nauna pa saakin. “Oi ang aga mo ngayon ah! Himala.” Loko ko sakanya. Yung bading kong kaklase iyon. Nakakapagtaka nga lang dahil hindi niya ako pinansin basta tiningnan lang niya ako kaya ngumiti nalang ako at nagpaalam sakanya na pupunta ako sa CR. Pagbalik ko ay nandoon na ang iba kong mga kaklase. Afterlunch noong hinanap ko yung bading kong kaklase dahil may itatanong sana ako sakanya kaya lang nagtataka ako dahil hindi ko siya makita kaya naman tinanong ko na sa isa ko pang kaklase “Luh! Ang adik mo halatang hindi ka nakikinig nanaman. Hindi kaya siya pumasok. Absent siya girl.”

E sino pala yung nakita ko kung hindi siya pumasok? Edi ibig sabihin ako pala talaga ang pinakamaagang pumasok? Multo ba iyon o umuwi siya? Kaya lang kapag pumasok na sa school ay hindi na pwedeng lumabas.

Hindi ako naniniwala sa mga multo dahil hindi ko naman sila nakikita. Hindi ako natatakot dahil hindi naman ako nakakaramdam. Pero totoo nga ba ang mga multo?

Third year pa rin ako noon nang makaramdam ako ng kakaiba sa bahay namin. Natulog ako ng maaga noon dahil sa sobrang pagod. Mahimbing na nga akong natutulog nang biglang may kumatok sa pintuan ko. Tatlong mababagal na katok ang nakapagpabangon saakin mula sa kama ko. Mag-aalas tres na iyon nang madaling araw. Sa isip-isip ko baka may kailangan ang kapatid ko. Sem break kasi nila kaya nasa bahay siya. Binuksan ko ang pintuan ko pero wala namang tao. Pinagtitripan yata ako ng kapatid ko. Palibhasa ako walang sem break! Siya meron. Isinara ko ang pintuan ko at muling humiga sa kama. Makukuha ko na sana ang inaasam kong tulog nang bigla nanamang may kumatok ng tatlong beses sa pintuan ko. Tiningnan ko ang orasan dahil nakagawian ko na iyon. Tatlong minuto na pala ang lumilipas mula noong binuksan ko ang pintuan ng unang beses. Muli akong bumangon para buksan ang pintuan ko pero wala nanaman akong nakita. Ni hindi ko nga narinig ang pag-alis ng kuya ko. Sa inis ko muli ko nanaman itong isinara at matutulog na. Siguro naman madadala na siya sa pagdadabog ko pero nagtaka ako ng bigla nanaan itong kumatok. Habit kong tingnan ang oras kapag may kumakatok at napansin kong tatlong minuto nanaman ang lumipas mula noong huli itong kumatok. Oo, out of curiosity ay muli ko nanaman itong binuksan at katulad ng dalawang beses kong pagbukas ng pinto ay wala nanaman akong nakita. This time iniwan kong bukas ang pintuan ko at nagtaklob ng kumot para matulog na. Kung inaasar man ako ng kapatid ko edi mission accomplished siya! Naasar talaga ako dahil puyat nanaman ako sa klase ko!

Katatakutan o ilusyon?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon