CHAPTER 3

13 1 0
                                    

Dedicate to: Mary Andrei Manuzon

HAIKE'S POV.

Iba talaga kapag maganda, ang daming haters, nung nagpost ako sa facebook ko nang pictures ko na nakapeace sign biglang ang dami ko agad bushers.

By the way nandito ako ngayon sa Cafeteria. 8:30 am na nung tumingin ako sa wall clock. Grabeh! Yung panget na pokpok namin kaseng teacher na walang ginawa kundi mag assume na maganda, ang sarap ipalamon sa buwaya. Akala mo naman kagandahan kung makapag assume wagas. Hellowww.. Nandito kaya ako para ipaalam sa bruha naming teacher na wag nang mag ilusyon.

'Dahil naimbento lang ang salitang maganda nung ipinanganak ako,"


Anyway. Gusto ko pala munang magpakilala. If do you remember, naipakilala naman na kami noon ni Gwapong Author pero mali mali yung detalye niya. GrAbeh! Hurt hurt hurts! Pati ba si Author hater din namin? Huhuhu


I'm Haike Justine Faranza, 15 years old. Fourth year high school. Mayaman, matalino, at syempre wag niyong kakalimutan ang physical descriptions ko. Syempre maganda, sexy, malakas ang appeal... Ohhh wag nang kumontra.

Campus nerd ako dahil hindi lang ako maganda, syempre matalino ako. Etong suot ko ngayon, sa lolo to nang lolo nang lolo nang mama ko.

Simula nung naging aware ako sa pagiging maganda ko, syempre hindi na ako nag suot nang sossy na damit. Alam kong mas simple, mas maganda. Kaso yung mga chaka ko lang na classmate ang hindi makadeserve nang kagandahan ko. Pambihira talaga sila. Palibhasa wala silang ganda kaya sila nagkakaganyan eh.

'At naimbento lang ang salitang assuming nung nag ilusyon sila' Ilusyunada! Loser! Char.


"Oshhh! Yuck! Amoy singit nang unggoy na nababad sa suka!" Narinig kong sabi nang lalaking kadadaan lang sa harap ko.
Wala naman akong naaamoy ah.

"Amps! Amoy inidoro" sabi naman nang babaeng kadadaan lang din sa harap ko.
Pagkatapos sabay pa silang lumabas ng lalaki dito sa Cafeteria.

Maya maya may dumadaan nanaman sa harap ko.

"Uhhh-- Ang baho dito. Amoy nabubulok na dagang nababad sa inidoro" sabi pa nang isang kadadaan lang din sa harap ko tapos lumabas din siya.

Bakit ganoon? Tuwing dadaan sila sa harap ko bigla silang magrereact?

Alam kong hindi ako yung pinatatamaan nila kase hindi ako mabahong dagang unggoy nanangamoy singit na nababad sa suka at amoy inidoro. Hellerrr... Tao kaya ako.

Oh glad! Pagsinasabi ko yan hinihingal na ako. Parang nauubos ko na ang masasakit na salita na inilalaan sa mga ingitera kong classmate.

Pagkatapos nang 2 hours naghihintay ko para sa next subject, dumeretso na agad ako sa room. Gago kase yung Miss Gaiza na yun eh. Sarap bambuhin nang kawayan. Wag lang magtagpo ang landas namin kung gusto pa niyang tirikan nang araw. Grrrr! Nang gigil ako,sa kaniya! Chapter 1 pa yun pero hindi pa ako nakakamove on. Ganoon talaga kapag maganda, hindi sumusuko.


Pagkatapos nang klase namin. Dumiretso na ako umuwi. Wala naman kase akong kabarkada dito eh. Sabi ko nga, kapag maganda maraming haters, kapag bida laging inaapi. Hays! Si Author naman kase. Nag lagay pa nang mga walang kwentang jejemon at jologs na character dito. Awang awa nga ako sa kanila kase feeling ko lahat nang mata sa akin nakatingin. Sa ganda ko ba naman...

Pagdating ko sa bahay namin, binungangaan nanaman ako ni Inay. Hindi daw ako nag buhos nang bowl sa CR nung dumumi ako. Para daw nabubulok na patay na daga yung inidoro. Eh sa tamad nga ako?

Sabi pa ni Inay "Bwisit ka talaga Faranza! Amoy nabubulok kang inidoro! Tignan mo nga yang suot mo! May tagos ka pa!"

Hindi ko nalang pinansin yung panggegera sa akin ni Inay. Insecure lang yan dahil mas may beauty ako kaysa sa kaniya. Hay Naku!

Dumeretso na ako sa taas. Hehe joke lang. Wala kaming second floor. Grabe nag iilusyon pa ako. Atleast okay lang mag ilusyon dahil maganda ako.

Kahit wala kaming pera Maganda ako.

Kahit wala kaming second floor Maganda ako.

Kahit mabaho ang inidoro namin Maganda ako.

Eh ikaw...

Maganda ka ba??

Po?

To Be Continued

Love SeparationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon