Cathy's POV
"Teka, ikaw si Apple diba? so kakambal mo si Cherry , pero ba't parang di naman."
Nahinto nalang ako sa pagtawa dahil sa sinabi ni Light. Kung kanina ay panay ako sa katatawa ay hindi na ngayon, ang kapal niya para sabihin kay Apple yun.
Syempre hindi ako papayag na sabihin nya yun sa bestie ko...
Bdw.. ako pala si Catherine Mendoza but just call me Cathy..
Kilala ko kasi yang bestie kong si Apple...
Kapag kino-compare mo siya sa kakambal nyang si Cherry ay nawawalan ng confidence yan sa sarili nya. Kaya nga ay palagi ko siyang sinasabihan na maganda siya..
Maganda naman talaga si Apple e, kaso nga lang ay di marunong manamit.. tsaka ang kapal ng bangs , may sout syang malaking eyeglasses at higit sa lahat mahilig syang magsuot ng ternong colors....in other words,,, ay hindi siya fashionista ,,,, hindi ata nya alam ang word na fashion...
"SUMUSOBRA KANA HA! PAPATAYIN TALAGA KITA!"
OMO! si Apple ba talaga 'tong nakikita ko ngayon? Parang nagkatotoo yata ang sinabi ni Light na naging dinosaur si Apple!
Pa'no ba kasi eh, nahihirapan na ngayong huminga itong si Light,, sinasakal kasi siya ngayon ni Apple!
Shocks naman ang mga classmates ko kaya ay wala man lang umawat kay bestie...
"HAyop ka bakulaw ka!" parang di natalaga 'to pwede eh, niyuyogyog na kasi ni Apple si Light habang sinasakal ,, napahawak naman si Light dun sa kamay ni APple .. Pa'no ba kasi eh naging violet na yung color ng mukha ni Light ,, parang mamamatay na ata..
"Bestie tama na!" Hinila ko yung kamay ni Apple at salamat at nabitawan nya rin si Light
napa-ubo at napahawak tuloy si Light dun sa leeg nya..kawawa naman ..
FYI po, inawat ko po si Apple hindi dahil baka mapatay nya si Light kundi dahil baka makapatay yung bestfriend ko .. kawawa naman yung bestfriend ko pa'no kung makasuhan sya ng murder? at tsaka ang pangit namang basahin sa dyaryo kung ang headline ay ganito:
LIGHT CHRIS SANCHEZ PATAY!
MATAPOS SAKALIN NG BABAENG
SINABIHAN NYA NG PANGIT!
oh! diba ang pangit!
"Huwag na huwag mo akong hamonin bakulaw ka!"
Napaupo naman si Apple sa desk niyanahila ko kasi siya papalayo kay Light kasi baka matuloy pang maging murderer tong bestie ko..
"Alam mo Apple,, hindi ka lang pala masungit at pangit! Halimaw karin pala!"
Aba at nagawa pang lumaban nitong si Light matapos gawin yun ni Apple sa kanya.
"Huwag mo akong tawaging halimaw! Bakulaw ka!"
"Huwag mo rin akong tawaging bakulaw! Halimaw ka!"
"Bakulaw!"
"Halimaw!"
"bakulaw!"
"Halimaw!
Sige na ipagpatuloy nyo na yan bukas Apple at Light.. Kailan kaya magtatapos yang pagsisigawan nyo nuh? Gusto niyo ba talagang malamn pa to ni Mrs. Gomez?
Speaking of the devil! Oh no! andito na siya!
"Kayong dalawa!"
Sabay naman silang dalawa na napalingon kay Mrs. Gomez.
"Sumama kayo sa'kin sa Discipline Committee!"
Yaqn na talaga sinasabi ko eh, tingnan nyo tuloy. Kawawa naman ang bestie ko.
Apple's POV
"Nawala lang ako ng saglit, pagbalik ko nagpapatayan na kayo!"
'Bakit kapa kasi umalis?'
"Anong sinabi mo Valdez?"
Narinig pala yun ni madam? Napalakas yata ang pagkakasabi ko sa isip ko.
"Wala po."
'Pawala-wala eh meron naman, ayaw lang talagang aminin'
Ano? ano? Akala siguro ng bakulaw na'to na di ko siya narinig!
"As your adviser and head of the Discipline Committee eh simple lang ang ipaparusa ko sa inyo."
"Ano naman po yun madam?" tanong naman ni bakulaw.
Hindi naman sumagot si Mrs. Gomez, kundi ay nginitian nya lang kami yun bang evil smile. Ano naman kaya ang punishment na ibibigay sa'min ni Mrs. Gomez, sanja hindi mahirap yung sa'kin bahala na't mahirap yung kay bakulaw.
BINABASA MO ANG
The nerd become a princess
Teen FictionNabuntis ang kakambal ni Apple na si Cherry na isang napaka sikat na model.. at upang matulungan ang kapatid sa pagpapanatili ng career nito .. ay magpapanggap si Appple bilang si Cherry... ngunit paano kung ang lihim na pagpapanggap ng nerd n...