ARGGGHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!
Nangiyakngniyak na ako sa inis pa'no ba naman kasi eh kanina ko pa pinupunasan gamit ng mop yung sahig ng CR kaso itong mga babae na'to e panay sa kalalabas pasok. Nananadya ba nag mga to?
Ito kasi yung punishment ko ang maglinis ng Cr ng girls, while kay Light naman ay yung CR ng mga boys..aAt napansin ko kanina na tapos na siya habang ako ay paulit-ulit sa trabaho ko.
Pagod na pagod na ako, bago ko palang kasi malinis yung mga cubicle e ang problema ko lang e itong sahig, kulang nalang ay inudnod ko dito yung mga mukha ng mga babaeng yan eh!
"Hoy! Kayong tatlong maarte at makakapal ang makeup!"
Napatingin naman sakin yung tatlong babae sa salamin ang sama sama ng tingin nila sakin ah!
"Hindi pa ba kayo napapagod sa kalalabas pasok dito sa loob ng CR ha! Kasi ako napapagod na ako sa katititngin dyan sa mga itsura nyo!"
Nilingon naman ako nung tatlo.
"Oh my God girl diba sya yung babaeng mamamatay tao?"
Ano, ano daw? Ako? Mamamatay tao? Gosh lang ha!
"Yeah sya nga yun! Nakakatakot siya.."
Sabi naman nung isa na nasa kanan nung bababe na may bangs, yung may bangs na maiksi ang hair ay siya yung nasa gitna at siya din yung may sabi na mamamatay tao ako.
Yung nasa kaliwa naman ay kulot at panghanggang braso ang buhok. at yung nasa kanan ay mahaba at straight at yung buhok niya wala siyang bangs siya yung may sabi na nakakatakot daw ako. Matakot ka talaga dahil baka ikaw ng isunod ko dun kay Light Chris Sanchez.
"Yeah nakakatakot nga siya. Itsura pa ga lang nya e takot na ako eh!" sabi naman nung nasa kaliwa .
Sasabunutan ko na sana eh kaso ano na lang ang sasabihin ng mga tao, na isa akong war freak? Ayokong masira ang image ng kakambal ko nuh! Kahit na opposite an opposite kami ay marami ring may alam na kakambal ko siya nuh! Kahit di kapani-paniwala.
"Alam niyo habang nagpipigil pa ko, magsialisan nga kayo dahil baka makaladkad ko pa kayo palabas!"
BINABASA MO ANG
The nerd become a princess
Teen FictionNabuntis ang kakambal ni Apple na si Cherry na isang napaka sikat na model.. at upang matulungan ang kapatid sa pagpapanatili ng career nito .. ay magpapanggap si Appple bilang si Cherry... ngunit paano kung ang lihim na pagpapanggap ng nerd n...