CHAPTER TWO

0 0 1
                                    

Brixx's Pov:

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang unibersidad.
Nagmamadali ako at baka mahuli pa ako sa klase.

Nag aaral ako sa isang pribadong unibersidad.

Yun ay dahil isa akong scholar dun.
Malaking tulong para sakin yun.

Nasa ikalawang baitang na ako ng kolehiyo sa edad na labing walong taong gulang.

"Yo! Brexx. What took you so long?"

Tanong sakin ni Thea.
Matalik at nag iisa kong kaibigan.

"Sabi ko naman kasi sayo mauna kana pumasok sa room"

"Sabi ko din naman sayo na sabay na tayo hehe" sagot nya

Si Thea ay mayaman kagaya ng iba pang mag aaral dito sa unibersidad.
Isa sa may malaking shares sa unibersidad na ito ang pamilya nya at may sarili din silang kompanya.

Di ko nga alam kung bakit kinaibigan nya ako kahit alam nyang isang kahig isang tuka lang ako. Isang scholar lang naman ako sa unibersidad na ito. Pero bagama't ganun pa man ay masaya nadin ako dahil naging kaibigan ko sya. Bukod sa mabait na ay maaasahan at matulungin pa.

----

*cafeteria*

"Brixx here's my invitation card for you" sabi nya at inabot sakin ang invitation card

"Be sure na pupunta ka okay?" Saad nya at tumango nalang ako

" You are invited in 18th birthday of Althea Key Hamagoru on December 2, 2016 at exactly 8pm to 11pm in the evening"

Binasa ko ang invitation card.
Sa susunod na sabado na pala.
Pero sa totoo lang nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako o hindi.

Bukod sa may pinapart time job ako twing gabi eh di ako sigurado kung papayagan ba ako ng amo at tita ko para dumalo sa mala bonggang selebrasyon. Sana lang payagan ako *sigh*

"Oh what's with that face? Haha brixx naman aatend ka lang ng party eh ang lalim na agad ng iniisip mo. Saad pa nya.

Sabagay minsan lang naman kasi sa buhay to. Nung nag debut nga ako eh pagod,puyat lang ang handa ko. Hayst.

-----

7:00pm

Pagkatapos ng dismisal ay diretso na agad ako dito sa restaurant. Di ako pumunta dito para kumain andito ako kundi para magtrabaho. 7:00pm to 12:00am ang pasok ko dito.

May pumasok namang isang binatang lalaki at umupo kaya tinungo ko ito upang bigyan ng menu.

"Good evening sir, here's our menu." Sabi ko naman at ningitian ang guest.

"What is your specialty here?" Tanong naman nya.

"Our specialty here is lasagna alla bolognese sir" sagot ko naman.

"Okay gimme some" saad nya

Pagkatapos kunin ang order nya ay sinunod ko na ito sa kanyang table.

Papalapit na ako sa table nya pero sa di ko alam na dahilan ay bigla nalang ako natalapid.
Inaharang ng lalaki ang isang paa nya na naging dahilan upang matapon ang pagkain papunta sa kanya.

"Oww sh*t" galit na sabi nya

Kung normal syang tao ay di nya gagawin ang isang bagay na ikakagalit nya pero sya din naman ang may kakagawan.

"Sorry sir, sorry" natatarantang sabi ko.

"Where's your manager?!!" Bakas sa mukha nya ang galit

Lumapit naman si mam Victoria na galit din.

"We're so sorry sir for what happened but i'll make sure that our employer will regret this" sabi naman ni mam victoria sa lalaking may kulang sa pag iisip. Letse! Mawawalan pa ata ako ng trabaho.

"Diba sabi ko sayo brixx na pakisamahan ng maayos ang mga guest at ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang tatanga tanga!" Bulyaw na sabi ni mam victoria.

"Alam ko naman po yun. Pero kung sisisihin nyo ko sa isang pangyayari na di naman sinasadya eh di naman maganda yun tsaka kasalanan naman nya yun eh" pagtatanggol ko naman agad sa sarili ko.

"Mhegad brixx! Sumasakit ulo ko sayo. Lumayas ka na dahil sisante kana!" Sabi nya

Inalis ko na agad ang apron ko at umalis agad sa restaurant na yun.

'Nakakasama ng loob.'

----

A/N:

Ayo! Haha vote and comment naman kayo :)
Labya :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LIFE AFTER DEATHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon