Chapter 3

32 5 1
                                    

"Dude, pakiss."

"Pakyu."

"Shit, dude. Ang kinis ng legs mo."

"Pakyu."

"Tngina talaga, dude. Ang laki ng boobs mo."

Hinagis ko ang hawak kong remote sa kanya.

Kingina! Kanina pa ako inaasar nitong gagong 'to!

Humalakhak siya.

"Seryoso dude. Ang sexy mo."

"Isa nalang, Ramirez at itong lamesa na ang ihahagis ko sa iyo."

Mas lalong lumakas ang tawa niya.

"Pero seryoso talaga dude--"

Binato ko siya ng unan.

"May sasabihin lang ako!"

Kanina pa talaga ako naiinis dito! Nagsisi tuloy akong sa kanya ako humingi ng tulong. Eh parang mamanyakin lang ako ng manyak na ito!

Pakshet! Kadiri!

"Ano?!" Singhal ko.

"May suot kang bang panty ngayon-- Aray!"

Tinadyakan ko ang gago.

Pero shit! Wala nga pala akong suot sa ibaba. Nakapolo shirt pa rin ako hanggang ngayon.

Nakakatakot magbihis at makikita ko ang bago kong katawan.

Tngina, nakakakilabot talaga.

"Parang kasi nakita ko kanina ang pwet mo, pare--" Tinadyakan ko siyang muli.

"Parang nagtatanong lang!"

"Tngina! Paano ako magkakaroon ng panty eh lalake ako't wala akong damit pambabae dito!"

Naninibago pa rin talaga ako sa boses ko. Babaeng babae kaya minsan kahit ako ay napapangiwi tuwing nagmumura at boses babae ang naririnig ko. Psh!

Pero ang sexy ng boses babae ko.

"Dude, kelangan mong magshopping." Humalakhak siya.

"Tama. At sasamahan mo ako."

Nag-order kami ng pagkain at nag-usap tungkol sa nangyari kagabi.

"Baka naman dude, nirape mo itong babae kaya galit sa iyo?"

Binato ko siya ng tissue. "Gago ka ba? Bakit ko naman gagahasain iyon? Hindi pa ako nasisiraan ng bait para manggahasa ng yagit." Binatukan ko siya. "At isa oa, mukha bang kailangan kong manggahasa? Eh babae na nga ang lumalapit sa akin psh."

Isang malaking question mark pa rin kung bakit ako ang napiling kulamin ng yagit na iyon.

Sa pagkakaalala ko ay kagabi pa lang kami unang nagkita. At matapos ko siyang tulungan ay kukulamin niya ako?! Kakaiba rin iyon magpasalamat kingina!

"Tsk tsk. Baka naman may utang ka sa kanya?"

"Mukha ba akong nangungutang? Alam mo, wala kang kwentang kausap!" Tinulak ko siya. "Hindi ko alam kung bakit ikaw ang tinawagan ko, tss."

Nakakagago kausap 'tong si Ramirez.

"Sapakin kaya kita dude. Tandaan mo, lalake ako, babae ka lang." At muli na naman siyang humalakhak.

Kingina!

"Mabuti pa ay mamili nalang tayo ng maisusuot ko. Nakng, nakaabsent pa tuloy ako. Tsk!"

Pero buti nalang at mukhang wala naman kaming quiz ngayon. Sana nga, wala.

Isa pang problema ko.. Paano ako papasok na nito?!

When Shit HappensWhere stories live. Discover now