"Dude! Gising na!"
Nakarinig ako kalabog mula sa labas ng kwarto ko.
Ugh.
"Dude kong sexy, gising na!"
Gago talaga. Umagang umaga pinapainit ang ulo ko.
Kunot-noong bumangon ako.
Dumiretso ako sa CR at muntik na akong mapamura ng may nakita akong babae.
Matagal bago rumehistro sa akin na repleksyon ko pala iyon.
Shit.
Hinding hindi talaga ako nito masasanay.
Habang nagto-toothbrush ay napapaisip ako kung kanino kaya ang katawang ito.
Or ito ang girl version ko?
Lintik! Kung ano ano nang pinagiisip ko.
Mabilis ang ginawa kong pagligo. Punyeta talaga. Kung pwede lang hindi maligo, hindi talaga ako maliligo!
Ang kaso ay papasok ako ngayon. Hindi ito hadlang para hindi ako pumasok.
Nakng. Pero iba na ang identity ko. Tss! Paano na ako nito gagraduate bilang si Zaijer Axe Farolan?!
Kingina talaga ng yagit na iyon!
Ngayon lang ako nagsisi na may tinulungan. Nakakashit.
Simpleng t-shirt, jeans at sneakers ang suot ko. Nahirapan akong magsuklay ng shit na buhok na ito.
Kingina! Ba't kasi ang taas!
Lumabas ako ng kwarto at naabutan kong kumakain ang gago habang nanonood ng TV.
Linagpasan ko siya at dumiretso ako sa kusina upang uminom ng kape.
Toasted bread and black coffee. That's my usual breakfast.
Pumasok si Jae sa kusina. "Natapos ko na ang papeles mo."
"Thanks dude." Tanging sagot ko.
Nang may bigla akong naalala. "What about my name? What did you put on my papers?"
Pinaningkitan ko siya ng mata.
Ngumisi ang gago. "Zaina Alexa Ferdosa."
Napakunot ang noo ko.
"What? Ang ganda no? You're welcome dude, you're welcome."
Parang.. Ugh, nevermind.
"Okay lang." I shrugged.
"Naenroll na rin kita. Kaya bilisan na natin at kukunin mo pa ang schedule mo." Sabi niya at naunang lumabas.
I gulped the remaining coffee and followed him after grabbing my bagpack.
"Dapat shoulder bag ka na, dude."
Sinapak ko siya kaya napahalakhak siya.
Kanya-kanya kami ng sakay sa kotse namin. Ilang minuto at nakapark na kami sa parking lot ng Midtown High.
Napalingon ang mga studyante nang bumaba ako sa sasakyan.
Shit. Alam nilang kotse ko ito bilang si Zaijer.
Isinawalang bahala ko na lamang iyon at nagsimulang maglakad.
Biglang may umakbay sa akin. "Dude. Sa papeles mo nga pala ay nilagay kong orphan ka na. At working student."
I shrugged.
Pansin kong napapalingon na ang iba sa amin. Kingina. Alam ko ang mga tingin na 'yan.
YOU ARE READING
When Shit Happens
FantasyZaijer Axe Farolan The notorious fvckboy, all time playboy, womanizer and heart breaker. But what if one day he wakes up in a body of a girl? Well, that's when shit happens.