Chapter 5

26 4 5
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas at sa dalawang araw na iyon ay hindi pa rin ako nasasanay.

Shet lang. Hindi dapat ako masanay!

Walang forever! Kaya ay babalik ako sa dati.

Mas lumaki ang question mark sa ulo ko. Hindi ko lubos maisip kung bakit ako? Bakit hindi nalang yung iba? Or mas maganda kung si Jae nalang!

Kingina talaga!

At sa dalawang araw na iyon ay mas lalo akong inis na inis sa teammates ko.

Pag ako talaga nakabalik sa dati kong anyo. Pagtatakbuhin ko sila ng 100 laps walang pahinga't tubig!

Lalo na iyong si Jaedon! Lintik lang ang walang ganti!

Sobrang nandidiri ako tuwing kikindatan ako ng mga gagong iyon.

Lalo na tuwing dumadamoves sila sa akin. Kingina lang!

Tulad ngayon...

"Hi Zaina. Lunch?" Tanong ni Delgado.

Pinigilan ko ang sapakin siya sa mukha.

"Woooh! Breezy moves ka na naman Delgado!"

"Binasted ka na nga ni baby Zaina eh!"

Mga gago!

Nanatili akong walang reaksyon. Nyetang kalbo iyon at ang tagal dumating!

"Dude-- este Zaina." Natatawang bati ni Jae the gago.

"Sige lang, Ramirez. Sulitin mo pangaasar mo." Banta ko.

Nakita kong napalunok siya. Yan! Matakot ka Ramirez!

Kelangan ko ng mahanap ang yagit na iyon!

Pero ang tanong.. Saan?!

"Psst. Dude," Siniko ako ni Jae.

"Oh?"

"Sungit. Meron ka?"

Sinapak ko siya. Pnyeta! Anong meron?!

Pero mukhang wala naman..

Shit! Kailan ba nagkakaroon nun?!

Ayoko nun! Base sa mga chikababes ko dati, masakit daw. Shets, gano kasakit?!

"Woooh! Sinapak ka, Ramirez? Pangit mo daw kasi."

Hindi ko na sila pinansin dahil namomroblema ako kung, pano kung magkaron ako nun?

Tngina talaga maging babae!

Natapos ang umagang klase pati lunch na lutang ako.

Ganito ba basta babae? Ang daming problema! Ang daming iniisip!

Malilintikan talaga sa akin ang mangkukulam na yagit na iyon!

"PE natin ngayon. May PE uniform kana dude?" Sumabay sa akin si Ramirez sa paglalakad.

"Meron na. Nasa locker."

"Sabay na tayo magbihis."

Sinamaan ko siya ng tingin.

He raised his hands. "No malice, dude." Sabi niya ng may pilyong ngiti.

"Ptngina mo. Tigilan mo ko."

Tumawa siya.

Psh.

Kinuha na namin ang aming PE uniforms sa locker. Bago na din ang locker ko. Miss ko na ang locker kong puno ng love letter pati chocolates.

Naglakad kami patungo sa CR. Nang papasok na ako sa CR ay napansin kong nagtinginan ang ibang studyante sa akin. Ano na naman?

"Sasabay ka sa 'kin magbihis dude?" Bulong ni Jae.

When Shit HappensWhere stories live. Discover now