Chapter 16

17 3 4
                                    

—I Quit!—

Thea's Pov.

Napag isipan ko na talagang magquit sa lecheng dare game na yan! Haaaay hindi ko na talaga kaya!

Nandito na ako sa room pero wala pa sina Thiaf at Janelle. Ay? Ang mga bruhang yun? Excited pa naman akong magquit.

"Hahahahaha yiiiiiieeee."

At ayan na nga ang dalawa. Naghaharutan ahahaha.

"Uy Thea. Nakasalubong namin si Nors kanina palang. Yiiiie ahahaha." Thiaf na sinusundot sundot yung bewang ko.

"Yah! Pinasasabi niya nga sayo na miss ka na daw niya eh. Yiiiieee keneleg ang bilbil hahaha." Janelle

"Girls! May gusto pala akong sabihin sa inyo. Importante. " I deeply breathe.

"Yan na nga ang sinasabi ko eh! Kayo na ni Nors noh?" Janelle na nakapamewang.

"Grabe Thea! Dare lang yun eh pero sineryoso mo. Iba na ito! Yung scrub na yun ay magiging boyfriend mo? I can't breathe hahahaha. Pero sige support nalang me." Thiaf na nagpipigil ng tawa.

"Haaay! Naman oh? Ang kikitid naman ng mga utak niyo. Ako? Papatol sa mukhang scrub na yon? Never!" Ako

Kairita tong dalawa na ito ha?

"Ay? Ahahahaha serey nemen." Janelle na nagpeace sign..

"Ahahaha sayang! Akala ko pa naman ano na." Thiaf

Wow!

"Actually, ang gusto kong sabihin ay......gusto ko nang magquit sa dare. Hindi ko na kasi kaya eh. Nasususka na ako sa mukha ni Nors at sa kaconyohan ko. Marami na rin nagsasabi sa akin na ang arte at OA ko daw. Sige tinatanggap ko na weak ako at nahirapan sa lecheng dare na yan. Edi kayo na! Tatanggapin ko ang parusa sa pagquit sa dare." Ako

Nagtinginan lamang ang dalawa at....

"HAHAHAHAHAHA GRABE!" Jannelle

"HAHAHAHAHAHAHAHA........ako din pala magqu-quit." Kung makatawa si Thiaf parang mamamatay na, yun pala magququit rin pala. Iba rin.

"Wow. Kung makatawa parang wala nang bukas sa lakas. Yun pala magqu-quit hahahaha gaga!" Ako

"Wow kung makagaga ha? Hindi ako gaga lady lang ako. K R. I. P joke. Actually, sinadya ko yun para intense." Thiaf

"Saan banda ang intense dun? Abir?" Ako

"Sa mukha mo. Tingnan mo pinapawisan yung ilong mo ahahaha." Thiaf

Wow insulto ha?

"Edi shing!" Ako

"Tama na nga kayo. Bakit ka rin magqu-quit Thiaf?" Janelle

"Duhhh kasi naiirita na ako sa mukha ni Jack tapos naaawa na akong magsungit kay Carla. Hindi naman kasi ako ganyan kasama. Napakabuti ko kaya." Thiaf

"Ehem! Ehem! Ano? Tara na Janelle, alis na tayo. Joke! Hahahaha. Sige support." Ako

"Ikaw? Naiirita sa mukha ni Jack? Sus! Kung ako lang siguro nasa posisyon mo,  siguro H E A V E N!" Janelle

"Hala! Landi nito oh." Ako

"No problem Jannelle. You can have him anytime and anywhere." Thiaf

"Chos! Joke lang yun no? I have someone already hehe." Jannelle

"Alam na this!" Ako at Thiaf

"Uy uy! Before ko makalimutan ang parusa niyo, sasabihin ko na. Ang parusa niyo ay ipagpatuloy ang dare." Janelle

The Love Adventure Where stories live. Discover now