Chapter 4

30 4 6
                                    

—Talent Day—

Thiaf's Pov.

*Sa bahay

"Huy Illi! Anak! Bumili ka muna nang toyo at suka sa tindahan. Naubusan na kasi tayo eh. Hindi pa kasi ako nakapagrocery." Mama

"Ah okay! Pera po?" Ako

"Heto oh." Mama

Grabe ha?! Ako nalang lagi inuutusan sa bahay no? Tssss. Habang yung kapatid ko'ng lalaki, chilling lang! Naglalaro lang! Walang nagawa kahit bumili ng toyo at suka! Ako na talaga ang dakilang ate! Mabuhay at tularan ako!! Pero dapat fair!

Hay! Nandito na ako sa tindahan. Bumili na syempre ng toyo at suka. Matapos kung bumili, uuwi syempre. Papunta nako ng bahay nang may kumalabit sa akin.

"Huy! Nanggugulat ka naman eh! Akala ko naman multo!" Ako na hawak hawak ang dibdib ko sa sobrang gulat.

"Hehe sorry. I just want to tell you na talent day pala tomorrow. And I want to ask you na anong talent na gagawin mo?" Janelle

Ahhh. Talent day? Oo nga no? November na nga pala. Every November kasi ay may talent day. Kung gaano kagaling ang performance mo, gaano rin kalaki ang grades mo for third grading.

"Ahhh. Ah eh, ano.....hmmmm. Magdudrums nalang siguro? Ah oo! Magdudrums ako hehe. Kumpleto naman yung instruments nila eh." Ako

"Hahaha! Ikaw? Magdudrums? Impossible! Hahaha" Janelle

"Yeah. Hahaha. Just watch me tomorrow." Ako

"Wokeh. Pero ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko eh. Si Thea kaya, anong gagawin?" Janelle

"Hindi ko alam. Pero mag ano ka nalang. Mag piano ka nalang. Di ba you know how to play it? Yan nalang!" Ako

"Naisip ko rin yan eh! Kaya sinabi mo....yan nalang! Magpipiano nalang ako! Sige. Salamat! Bye na hinahanap na siguro ako eh hahaha." Janelle

"Wait! Sinong nagsabi sayo na talent day tomorrow?" Ako

"Ahh! Si Pearl. Sige na byeee!" Janelle

Nagwave na, ako tapos umuwi na sa bahay.

Ako, Janelle at Thea ay nasa iisang village. Ako nasa lot 77, Si Janelle nasa lot 72 at si Thea nasa lot 75.

Nandito na ako sa bahay...

"Oh! Bakit natagalan ka?" Mama na naglulto ng dinner namin. Adobo yata yung niluto niya. Hihi favorite ko.

"Ah! Nagkita kasi kami ni Janelle tapos sinabi niya sa akin na talent day daw bukas." Ako na inilagay ang toyo at suka sa lamesa.

"Ahhh. Tapos anong talent gagawin mo?" Mama

"Magdudrums po ma." Ako

"Marunong ka pala?" Mama na nagulat. Chos mama.

"Opo. Nagpaparactice kasi ako sa simbahan. Kaya po ako natuto." Ako

"Uy! Grabe yung anak ko oh! Marunong pala madrums?" Papa na lumapit sa amin. Nakichismis rin. Lels

"Oo nga! Ang galing mo ate!" Brenan na lumapit rin. Ay! Nakichismis rin?

"Shatap Brenan!" Ako

"Sino nagturo sa iyo magdrums?" Mama

"Wala po ma." Ako

"Mana ka talaga sa akin anak." Mama

"Anong mana sayo? Mana sa akin! Di ba anak?" Papa

"Hindi no! Mana talaga sa akin!" Brenan

"Tumahimik ka nga Brenan. Hahahaha. Syempre mana ako kay...... lola! Jokeee. Syempre! Mana talaga ako sa inyong dalawa." Ako

The Love Adventure Where stories live. Discover now