Chapter 7

27 4 0
                                    

—Dare!—

Thiaf's Pov.

"Huy! Dare tayo! Walang magawa eh." Janelle

"Dare? Sige sige! Game ako diyan!" Thea

Lunch break na namin. Dito kami sa likod ng campus kumain. For the first time in our lives, nagbaon kami ng pagkain. May maliit na park naman dito. May mga upuan rin. Pero kami lang ang tao dito.

*poke poke

"Ano ba!" Ako

"Dare tayooo!" Thea at Janelle

"Anong dare bang sinasabi niyo?" Ako

"Laro tayo ng dare." Thea

"Yes! Idare ka namin ng kung ano tapos idare mo rin kami." Janelle

"Ayoko! Baka kung ano yung ipagawa niyo sakin." Ako

"Ang KJ mo naman!" Janelle

"Oo nga! Sige naaaa! Ngayon laaaang!" Thea

"Kayo nalang. Basta a.yo.ko! Period no erase. KJ na kung KJ." Ako

"Naman oh! Sige na! May kapalit naman eh. Sige na. Sige na!" Thea at Janelle. Sabay hila hila sakin. Si Thea sa right na kamay at si Janelle naman sa left.

"Aray! Bitiwan niyo nga ako. A-araaay!" Ako

"Hindi ka namin bibitiwan kapag hindi ka papayag." Patuloy parin sila sa paghila hila sakin.

"Oo naaaa! Kulit naman oh." Ako. Saka naman nila ako binitawan. Ang laki pa ng mga ngiti. Tsss.

"Grabe kayo makahila ha! Mukha na akong rubberbond nito." Sabay stretch yung kamay ko.

"Sus! Ganyan lang pala gawin para pumayag ka eh." Thea

"Binawi ko na. Hindi nako-Araaay!" Binato nila ako ng sapatos huhu.

"Ang brutal niyooo!! Huhuhu ang sakiiit." hinaplos haplos ko yung ulo ko. Head shot kasi. May sungay na tuloy ako tsss.

"Hahaha payag na kasiii!" Thea

"Ang hirap namang may kaibigang KJ eh. Tsk tsk." Janelle

"Oo na! Baka hindi nako aabutan ng bukas eh. Marami pa naman akong kakaining bigas tssss." Kumain nalang ako.

"Yehhheyy!"

Tsss. Mga isip bata.

"Ako unang magdadare!" Thea

"Ako ang mauuna ako nakaisip eh!" Janelle

"Bato bato pick nalang kayo para walang gulo." Ako

Nagbato bato pick rin naman yung dalawa.

"Yes! Ako nanalo hihihi." Thea

"Tsk. Oo na! Sige na. Bilisan mo." Janelle

"Ang dare ko sayo Janelle ay.....maghanap ka ng kachat na lalaki tapos after 1 month imemeet mo siya. Yiiiiie." Thea

"Sisiw hahaha." Janelle

"Ikaw naman Thiaf! Humanap ka ng best friend na lalaki. Tapos after 1 month sasabihin mo sa kaniya na 'I'm inlove with my best friend'. Yiiiiie hahahaha. Ang ganda ng mga dare ko oh." Thea

"Ang dali naman." Ako

"Sige ako naman." Janelle na nag iisip na mas magandang dare. "Thea! Kilala mo naman yung Nors sa tropang kulets diba? Yung grupo na bago palang sumikat ang aangas na agad?" Tumango naman agad si Thea.

"Make him fall inlove with you. Ahahaha. Ganti ganti lang. Dapat 1 month, inlove na siya sayo." Janelle.

"Walang problema!" Thea

"Ikaw naman Thiaf! Iconfront mo nga si Carla na wag nang lapit ng lapit sa atin. Tarayan mo siya. Within a month rin. Ikaw na bahala diyan hahahaha." Janelle

"Yan lang pala eh. Ako naman. Actually, madali lang ang mga dare ko compare sa mga dare niyo. Kaya wag kayong mag alala. Thea! Magsalita ka lagi ng conyo within a month. Sa school lang naman. Dapat lahat ng tao coconyohan mo. Kung hindi? Konsensiya mo na yun!" Ako

"It's so madali naman. Hahaha." Thea

"Hahaha. Janelle! Dare ko sayo ay, mag pilosopa ka sa lahat ng tao. Pwera nalang sa amin ni Thea at sa mga magulang natin. Within a month rin ito. So let's start it now?" Ako

"Sige ba! So let's mark this day. It's November 12. Matatapos rin itong dare sa December 12." Janelle

"Kung hindi magawa ang dare, may malaki at mahirap na parusa ang nag aabang." Thea

"So the dare begins!" Ako

Author's Pov.

Pagkatapos magsabihan ng dare ang tatlong magkakaibigan, patuloy na silang kumain.

Hindi nila pinadama sa bawat isa ang tensyon. Dahil ang hihirap ng mga dare na pinapagawa nila. Nagkukunwari lang silang tatlo na kayang kaya nila ang mga pinapagawa ng bawat isa.

'Grabe! Anong una kong gagawin nito? Ang hirap naman! Sabi ko ngang hindi ako sasali eh! Nakakainis! Ano ba naman tong pinasok ko!' sabi ni Thiaf sa isip niya.

'Ano ba naman yan! Ang hirap! Naku naku. Bakit ko pa kasi naisipan ang dare game eh! Yan tuloy hirap na hirap ako.' sabi ni Janelle sa isip niya.

'Hala! Nakakatense naman tong dare nila! Bakit nga naman ako pumayag no? Ako lang pala nagpapahirap sa sarili ko eh!' sabi ni Thea sa isip niya.

The Love Adventure Where stories live. Discover now