I
Angel's Rose Academy
Philippines
November 30
[Third Person's Point of View]
Angel's Rose Academy, isang prestihiyosong paaralan na itinayo ilang dekada na ang nakararaan ng mga mayayamang tao sa buong Pilipinas upang lubos na mabantayan ang kanilang mga magiging anak na babae. Dito nila pinag-aaral ang kanilang mga anak upang maging karapat-dapat sa kanilang mga magiging asawa at mga anak.
Noong una ay maliit pa lamang ito at nakatuon ang akademya para sa pagpapalaki ng isang mabuting may-bahay. Subalit sa pagbabago ng panahon, ito'y lumaki at naging lugar kung saan hinuhubog na ang mga estudyanteng babae upang maging tagapag-mana na rin ng kanilang mga ari-arian. At bukod doon ay hinuhubog din nila ang kanilang mga estudyante na maging magaling sa lahat ng larangan na kanilang kakayanin, katulad ng sports at mga kompetisyon.
Dahil sa marami pang pagbabago, nakapaglabas sila ng mga kababaihang maipagmamalaki ng lubos. Nakagawa ng pangalan ang akademya sa buong mundo dahil sa di matatawarang kakayahan sa paghubog ng maayos ng mga anak-mayamang kababaihan.
Kaya naman sa paglipas ng panahon, lubos na pinangalagaan ng paaralan ang kanyang pangalan, at para masiguro ang mataas na tingin sa kaniya ng mga makapangyarihang tao, binuo nila ang isang natatanging klase na binubuo ng 10 sa pinakamagagaling na estudtyante mula sa huling dalawang taon ng pag-aaral, ang Rose Class.
Ang klaseng ito ay nahahati sa dalawa, ang upper half at ang lower half.
Silang sampu ang nagdadala ng pangalan ng Angel's Rose Academy, at ang lima sa kanila ay makikilala nyo na.
*smirk*
Twin's Room
Gilroid's Residence
November 30. 6:38 am
[Mini's Point of View]
"Mini"
ayan na... hahalikan na ako ng Prince ko!
Hindi ko na kaya!
napapikit na talaga ako sa kilig!!
AAAAAAAAAAHHHHHYIIIIIIEEEEEHH!!!
Sa sobrang kilig ko sa gagawin nyang paghalik, naitulak ko sya at bigla akong tumaliko-
*BOOOOOGSH*
"A-araaaay!"
Lechugas naman oh!!
Ang sakit ng pwet ko
~o~
Panaginip lang pala
TT^TT
"Hay nako, ano na naman ba kasi yang napanaginipan mo, at may nalalaman ka pang panguso-nguso dyan" tanong sa akin ng napakagaling kong kapatid/kakambal.
"Aish!" ang sagot ko naman sa kanya.
"Hmmh, nice dream." sarcastic nyang tugon, marahas ko syang nilingon at nakita kong nag-aayos na sya ng sarili nya sa harap ng salamin.
"Nga pala, bilisan mo na dyan, at baka ma-late pa tayo" ang sabi nya habang tinatapos ang pagsusuklay sa buhok nya.
...
Huh?
Ano daw?
Mag-ayos?
Bakit?
![](https://img.wattpad.com/cover/8370252-288-k1602.jpg)
BINABASA MO ANG
Underground Royalties
RomanceShe's just a girl, running for her life for a reason she, herself, doesn't know. What kind of life did she live? What kind of life is she living? What kind of life will she live? [Sorry everyone!! I changed it again... -.-] ~pain_pleasure