Yadda yadda yadda..
Oo, March na. Ni hindi ko na tanda kung kailan ko ginawa yung last chapter. Hahaha... Ayos lang, wala namang nagrereklamo.. :p
IV
Outside *toot* Hospital
December 31, 7:59 pm
Fam's Point of View
Miserable. Iyan na ang bago kong pangalan. Lumabas na ako ng ospital. Binayadan ko na ang mga dapat bayadan. Naubos ang laman ng account ko.
Sa isang iglap, naging isa akong pulubi.
OO! PULUBI!
Wala na! Wala na talaga! Nawawala ang wallet ko, ang pera ko sa bangko ay naibayad ko na sa hospital bill ng lahat nung mga naospital. Sira ang bahay ko at hindi pwedeng tirahan. Hindi ko ito maipapaayos dahil wala akong pera, wala naman akong lakas para ayusin iyon. At isa pa, may lakas man ako, kulang naman ako sa kagamitan. Pagod na pagod ako at gutom na gutom. Pero wala akong kahit ano para matugunan ang mga pangangailangan ko na iyon. Yung cellphone ko, lowbat na. Yung charger ko ay nawawala. Si Spence ay di ko ma-contact at di din niya ko hinahanap. Ayos lang yang mga yan. May mas malala akong naranasan. Pero ang pinakanagpa-miserable ng buhay ko ay yung...
MADATNAN KONG NAWAWALA ANG LALAKI NA IYON!! ABA!! GRABE SYA AH!! AYOS SIYA!! LIBRE NA NGA ANG HOSPITALIZATION NIYA!! HINDI KO NA NGA SIYA IPINAKULONG PATI YUNG IBA AT BUKOD DOON AY NAKARANAS SIYA NG ISANG PRIVATE SUITE SAMANTALANG HINDI KO SIYA KAANO ANO!! TAPOS GANUN? GANUN NA LANG YUN?
Haaay, kalma lang Fam. Buhay ka pa. Mahahanap mo din siya, at kapag nangyari iyun
-____-+++
lagot siya sa akin!! BWAHAHAHAHAHAHA
(Mental laugh)
~kruuu
Napatigil ang wild imagination ko sa paggana dahil sa pagkontra ng nagwawala kong dragon sa tiyan.
Oo, baby, alam ko. Kailangan mo ng makakain, pero baby, walang wala ako, kaya pwede ba magtiis ka muna?
Okay, now I'm mentally talking to my tummy. Tsk tsk. Ang hirap pag gutom, nadadagdagan ang kabaliwan ko, 10x!!!
Naglalakad ako ngayon palayo mula sa ospital. Okay, ang main goal ko ay marating ang mansyon!!
*puk*
I slapped my head
"Ouch!!" reklamo ko.
Oo nga pala, bukod sa hindi ko alam kung nasaan iyun ay baka hindi din safe.
Eh kung ganun ano na?
Unti-unting namuo ang luha mula sa mga mata ko. Nagbabadya na ding tumulo ang sipon ko.
Naglalakad ako na parang isang zombie, nakarating ako sa isang malapit na park mula sa ospital.
Pagkatigil sa tapat ng ilaw ng isang poste ay parang isang spot light itong inilawan ang buong mundo ko.
"Bwahahahahaha!!"
"Kawawa naman siya!!"
"Oo nga!"
"Wala na nga siyang mga magulang, tapos ganyan pa ang kamalasan niya!"
"Oo nga! Bwahahahahahaha!!"
"Bagay lang iyan sa kanya!"
"Oo nga! Isang basura!!"
"Tama na! Tumigil na kayo!" sigaw ko.

BINABASA MO ANG
Underground Royalties
RomanceShe's just a girl, running for her life for a reason she, herself, doesn't know. What kind of life did she live? What kind of life is she living? What kind of life will she live? [Sorry everyone!! I changed it again... -.-] ~pain_pleasure