3rd Floor Lobby
5th Building, Faculty Building
Angel's Rose Academy
November 30, 8:31 am
[Fam's Point of View]
Hay, heto na naman, panibagong buhay na naman ang haharapin ko.
Panibagong pagkukunwari...
pagtatago..
Aish!
bakit ko ba iniisip ito?
Fam!!! FOCUS!!
In this place, in this time, you are Sarah. Be Sarah!
Sino ba si Sarah na gagampanan ko ngayon?
Name: Sarah Reyes
Age: 14 y/o
Gender: Female
Civil Status: Single
Social Level: Upperclass
Known as: Typical nerd with the messy hair, thick glasses, clumsy, silent/shy basta ganun
pero hindi naman iyun ang totoong ako eh..
Ang totoo nyan.. ako talaga si...
"Miss Sarah Reyes, please proceed to the Director's Office" ang tawag sa akin noong receptionist ng Faculty Building from the speakers. Huwaw.. Kelangan talagang announced? Eyah..
Tumayo na ako at pumunta doon sa tapat ng table nung secretary ng Director.
"This way mam" ang sabi nya sabay tayo at inalalayan na akong papunta sa harap ng pinto nung Director.
I saw a golden name plate beside the door, it says.. Mrs. Evangeline Vinne tapos Directress yung nakalagay sa ibaba nung pangalan. Ay, babae pala sya. Akala ko naman lalaki.
Kumatok yung secretary para sa akin..
"Come in" narinig kong tugon ni Mrs. Vinne through intercom.
Binuksan na nung secretary ang pinto at pumasok na ako.
Humakbang ako ng tatlong step papasok, at narinig kong sinara na lang nung secretary yung pinto..
Uhmm.. pwede po bang mag-back out? hehehe.. *gulp* joke lang po..
"You must be Sarah Reyes. Please, hava a seat," alok nya.
Sinunod ko naman ang gusto nya at naupo na ako sa sofa na parang hindi pa nauupuan at parang galing pa sa palasyo ng isang kaharian sa sobrang ganda!
*u*
"My name is Mrs. Evangeline Vinne, the directress of Angel's Rose Academy, I hope you will enjoy your short visit here" ang dire-diretso nyang sabi habang inabot nya ang kamay nya na tinugon ko ng pakikipagkamay.
"Yes, and it is my pleasure to transfer here" ang sabi ko naman.
"Well, this is a very special request from your butler, but I will attend to your needs as best as I can." ang sabi nya.
Butler Spencer, ang personal Butler ko na kasama ko na buong buhay ko. Sya lang ang nakakakilala sa akin ng lubos at nag-iisang tao na pinagkakatiwalaan ko. Hindi sya kahit kailan nagsinungaling sa akin at palagi nyang nagagampanan ng maayos ang tungkulin nya at nahihigitan pa niya. Siya na ang pamilya ko, mas pamilya pa ang turing ko sa kanya kaysa sa second family ko.
Tsk. Tsk..
Ano pa ba ang i-eexpect ko? Syempre naasikaso na nya ang lahat. Wala na akong kailangang intindihin pa.

BINABASA MO ANG
Underground Royalties
RomansaShe's just a girl, running for her life for a reason she, herself, doesn't know. What kind of life did she live? What kind of life is she living? What kind of life will she live? [Sorry everyone!! I changed it again... -.-] ~pain_pleasure