"Anong nangyari?"
'Yun lang 'yong tanong ko sabay patak ng mga luhang pinilit kong pigilan.
Masakit. Pero kailangan kong maramdaman para matuto ako.
Halos isang taon at apat na buwan na simula ng iwan niya ako. Iniwan niya ako ng may kalakip na tanong: Anong nangyari? Bakit ganun? Bakit mo ako pinagtabuyan?
Pinahid ko ang mga luhang kanina pa pumapatak mula sa aking mga mata. Pinilit kong pigilan ang bugso ng aking damdamin pero ayaw pa ring magpapigil kaya hinayaan ko nalang.
Tandang-tanda ko pa ang una nating pagkikita ...
2nd year highschool.
Nagmamadali akong bumaba sa hagdan papuntang canteen. Galing akong computer laboratory nun. May ipinagawa kasi sa akin ang computer teacher namin para sa welcome program para sa freshmen. Patapos na ang recess time kaya nagmamadali ako't baka hindi ko na maabutan ang barkada ko sa canteen. Lagi pa naman kaming magkasabay mag-recess.
"Andyan na ang reyna." sarkastikong bati ni Rey sa akin nang papalapit ako sa table nila.
"Nasaan na ang parte ko?" I asked ignoring Rey's remarked.
"Heto na, binibini. Ba't antagal mo kasing bumaba? Maubusan ka sana nina Pter at Elga. Matatakaw pa naman sa carbonara ang kambal na 'yun." saad naman ni Celine, pinaka-close ko.
Nagdala si Celine ng carbonara na itinabi niya para sa amin. Birthday kasi ng kuya niya kagabi at may maliit na salu-salo raw sa kanila na eksklusibo lang para sa girlfriend ng kuya niya at sa buong mag-anak.
BINABASA MO ANG
ANONG NANGYARI? (One-shot Story)
Storie breviA girl who's left with question: "Anong nangyari?"