Magui's POV
Same Day.
12:30 pm
Nagd-drawing kami ng isang group activity sa Environmental Science.
Dito kami sa labas ng Room gumagawa, so sa corridor.
Si Jannah at Shaira ang nag ddrawing.
Kami ni Mich at Kyla, walang ginagawa hahaha.
Nanggugulo lang.
Unfortunately di kami magkakagroup ni Franch
Andun sila sa loob.
Nasa tapat kami ng bintana ng room. dun sa loob sila ken, nasa tapat din sila nung bintana kung san kami nakapwesto.
May nakita akong tutubi. wowwwww.
Huhulihin ko sana kaso pumasok sa bintana. Nakatingala ako.
"Ay Tutubi!" gulat kong sigaw kasi nasa harap ko na pala siya
Lumapit sa kanya yung tutubi tapos hinuli niya.
edi kaw na!
"Oh!" sabay bigay nya sakin.
Kinuha ko naman. Naa-amaze ako hahaha.
By now siguro mukha akong bata.
Bumalik ako sa pwesto ko hawak ang tutubi.
"I LOVE YOU MAGUI!" mahina kong rinig.
guni guni ko lang siguro yun.
Nagkibit balikat na lang ako.
Pinakawalan ko na. Yipiee.
Buhbyee!
Pinatawag na kami, punta daw kami sa Computer lab.
Gagawa kami ng calendar sa publisher.
Pag-akyat namin, agawan sa upuan. shet.
Nawalan ako ng upuan ajuju.
katabi ko si Hannah at Elaine.
Pumunta muna ako sa upuan ni Ari.
"Ari, may upuan ka?"
"Di ba obvious? naka upo ako oh. "
inirapan ko na lang
pupunta naman ako kay Franch
"Mags, may upuan ka?"
Patuloy pa din ako papunta kila franch
"Uy MAGUI! TINATANONG KA NI KENNETH KUNG MAY UPUAN KA!" sigaw ni Ari
napatigil naman ako.
lumingon ako sa gawi ni Ari, na may nangaasar na tingin. nasa likod nya lang pala si Ken.
"Ah, wala hehe" sabi ko
"oh ito upuan" sabi ni ken.
Pumunta sya dun sa tapat ng desktop ko tapos nilagay yung upuan sa tapat.
nays. gentleman. lalo tuloy akong nainlab hahaha.
Bumalik na siya sa pwesto nya dahil dumating na si ma'am.
Nag explain si mam kung anong gagawin.
habang nag eexplain lumilingon ako sa likod. nakatayo lang siya. shet.
"MA'AM AYAW PO MABUKSAN YUNG DESKTOP NAMIN!" sigaw ni christian paul.
Ayaw nga gumana nung desktop namin.
"sige, wag muna kayo gumawa, tulungan nyo na lang muna yung mga kaklase nyo"
Yess.
Pumunta ako kila sherlee sa dulo.
Makikipag chikahan hahaha."Uy Mags, alam mo ba? kanina nung pag talikod mo nung nakuha mo yung tutubi, biglang sumigaw si ken ng "I love you mags shet. kinikilig ako!"
"Buset weh?"
"oo nga!"
Halos gumulong na ko sa sahig sa kilig hahahaha.
"Kahit itanong mo pa kay Ferry at Stephen. Nasa tabi lang ako nung group nila eh."
Omggggg.
"weh? grabe ka mags!"
nagulat naman ako, biglang sulpot ni Ari sa likod ko. hahaha.
"sheet! tanong mo nga kay ken kung totoo yun" utos ko kay Ari
"ayaw ba naman maniwala eh" sabi ni sherlee
sinunod naman ni Ari.
pagbalik.
"Ewan daw"
"tae yun, oo o hindi lang isasagot eh ajuju" sabi ko
"Basta totoo yun" sabi ni sherlee
****
uwian na!"bye Aru, bye france, bye Kyla, bye Gi!" sigaw ko
"Byeeee! " sigaw nila.
sila nga kasi magkakapitbahay. tsk
"uy Mags, bye!" sabay halik ni ken sa noo ko.
"tae ka!" sabay taas ng hintuturo ko. mabait nga kasi ako.
"hihi labyu!" sigaw nya
buset siya. kinikilig ako! sht.
bye universe, planets, Earth, philippines.
***
Napaka angas.
