Magui's POV
Sabado, na ng hapon ng ako ay magising.
Bumaba na ako at nadatnan ang nakahaing mga pagkain.
Nagmadali akong kumain, wala si mama at papa at prinz. Namasyal. Di ako sinasama, napakadaya.
Lagi na lang akong iniiwan, sanay na naman ako.
Mema.
Naligo na ako at nagbihis ng white V-neck shirt at shorts. Naglinis ako ng higaan at ng buong bahay. Minsan lang 'to. Ginanahan ako eh.
***
Natapos ko na LAHAT ng gawaing bahay. Halos kumintab na ang sahig at dingding namin. hahaha. Parang gusto kong magbasag ng nga gamit at linisin ulit. Umupo na lamang ako sa sofa at nag-twitter.
"@Xynahh: Bored" sabay ng aking pag-tweet ang pag pop ng username ni beb sa twitter.
"@Pransya: Kennethhh! <3"
Parang humina ang tibok ng puso ko ng makita ang tweet niya.
Ng maalala ko ang nangyari kagabi, yung mainit niyang hininga malait sa aking pisngi.
Di ako makali, iniisip ko yung kagabi, ewan ko ba parang may mali.
Ugh! Kinakabahan ako, dahil di ko alam.
I quoted her tweet.
"@Xynahh: Ayieeee <3"
Gusto ko ng umamin kay France, kaso baka magalit siya.
Haayy, bahala na! Binuksan ko ang aking cellphone at dumiretso sa messenger.
I chatted her. Hindi pa siya online, pero ichachat ko pa din siya.
"France may aaminin ako"
11:06am deliveredLumabas muna ako para bumili ng mauulam sa may lugawan na may tinda din na pananghalian. Naglakad lamang ako. Habang naglalakad ay may nakita akong isang pamilyar na lalaki, nakatalikod siya at nakaakbay sa isang babae.
Kenneth?
Umiling ako. Binalewala ko na lang kung ano ang nakita ko. Baka nababaliw lang ako.
Pagkadating ko sa lugawan ay bumili ako ng Giniling atsaka nanghingi nang sabaw. Bumili na din ako ng coke mismo.
Paglabas ko ng lugawan ay nakita ko na naman ang pamilyar na lalaki, na ngayo'y wala ng kaakbay na babae. Alam kong siya ito dahil katulad kanina yung lalaki ay nakasuot ng White Shirt at Tokong.
Lumingon siya sa gawi ko at siya'y kumaway. At nagpatuloy sa paglalakad
Si Kenneth nga!
Naghuramentado ang aking puso. Sa aking tiyan ay may mga tumatakbong kabayo. Sa mga oras na ito ay buo na ang araw ko. Naramdaman ko ang init sa aking pisngi.
Nakangiti ako habang ako'y naglalakad pauwi. Inihanda ko na ang mga kailangan ko sa mesa. Atsaka kumain.
Maya-maya'y tumunog ang notification ko sa phone.
Nag-pop ang kaniyang mukha sa screen. Si France.
"Sorry late reply, nagdate kami eh! Btw, Ano?" Kaniyang reply
Napatigil ako sa pagkain. Nag-date, sila? Siya ba yung kanina? Pinabayaan ko na lang.
Eto na!. woohh! nakokonsensya ako eh, parang niloloko ko kasi siya, sila."Baka magalit ka eh" Nagaalangan pa ako kung sasabihin ko
"Hindi yan!" reply niya
Sa huli din naman ay malalaman niya. Kaya, sasabihin ko na.
"May gusto ako kay ken" Medyo may pag-aalinlangan ko pang sagot
"K, sayo na lang"
"Weh? galit ka eh"
" Di" tipid niyang reply
"ang ikli ng reply mo"
"Tapusin na lang natin tong fiendship natin" Akala ko ba ok lang? Gulo din nito eh?
"OYY POTA. DONT ME!"
"SERYOSO AKO" H'wag ako beb
"AYOKO NGA. LALAYUAN KO NA LANG SI KEN"
"HINDI NA, SAYO NA"
"SORRY CHES!"
"YOU DONT NEED TO BE SORRY"
"LAYUAN NA LANG NATIN SIYA"
seen 12:09pm
Ugh! bahala na sa monday! Tinapos ko na ang aking kinakain at hinugasan na ito.
Naglakad ako pabalikbalik. Shems. Di ko kaya 'to! Galit siya! Galit nga ba? Pero yun ang ramdam ko! Ughhh! Ayoko ng ganito. Maiiyak ako. Bwisit! Aayusin ko 'to. Kasalanan ko kasi! Bakit kasi nagkagusto ako dun? Ugh!
***
Kung kailan niya mare-realize, kung kailan wala na. :(
