Neon

63 4 1
                                    

Magui's POV

Umuulan. Ang hirap sumakay. Natapos ang gabi. Matapos naming makita si France na umiiyak ay hindi na namin siya nakitang muli.

Siguro ay nakauwi na yun. Nag aalala ako para sakanya. Ano kayang nangyari sa kaniya? Bakit? Bakit siya nagkaganon?

Bakit siya umiyak?!

May tumigil na tricycle sa harap ko at umuwi na ako

Pagkauwi ay hindi pa din mawala sa isip ko ang umiiyak na France. Gusto ko man matulog ay hindi ko magawa.

Ano kaya problema nun? Nagkahiwalay tuloy kami ni Ken

Sumama siya kanina kila Alvin parang problemang magjowa.

May masama akong kutob. ugh

Sana hindi.

For me to find out, pupunta ako sa kanila. Nai text ko ang Queensterns at sinabing may problema.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay. Nagpaalam na din naman ako kung saan ako pupunta. Sumakay ng tricycle at pumunta sa mansion nila France.

Kumatok ako. Si manang Sheng ang niluwa ng gate.

"Kayo po pala Ma'am! Pasok po" sabi niya sabay binuksan ng tuluyan ang gate

"Salamat po." matamis kong sabi

Dumiretso ako sa kwarto niya. May naririnig pa akong hagulgol.

Walang pagdadalawang isip akong pumasok.

Nakita ko siya sa gilid ng kaniyang kama. Nakaupo't nakayuko, nakayakap sa kaniyang tuhod.

"Beb!" Sabi ko sabay takbo sa kaniya at niyakap siya

"Why are you here?" tanong niya matapos niyang i-angat ang kaniyang ulo

"Nakita kasi kitang umiiyak kagabi. Gusto kong malaman ang problema mo" sabi ko

"Okay lang ako" sabi niya na medyo garalgal na ang boses

"Wag ako beb! Umiiyak tapos ok?! Don't me talaga" sabay irap sa kaniya

"Ganto kasi---" Naputol ang kaniyang sasabihin ng may yumakap sa kaniya

Gi, Kyla, Ari.

"ANYARE?"-Kyla

"BAKIT?!"-Gi

"SI ALVIN BA?!"-Ari

"Hush!" pagtahimik ko sa kanila

"Oy beb, ano ba talaga ang nangyari? Why did you cry last night?" I asked

"Sasagutin ko naman e!"

"Kasi, Na...Na...ki..." Hindi pa din niya natatapos yung sasabihin niya, humagulgol ulit siya.

"ANO?! SABIHIN MO!" sigaw ni Kyla

"Nakipag-break na ko sakanya"

Oh my. What the fck.

"WHY?!" sabay sabay naming tanong sa kaniya

"Shh!" suway ng kapitbahay nila na sa tingin ko ay masarap pa ang tulog

FranceVin Ship is sinking. Hindi! Hindi maaari!

Di pwede to.

"Kasi parang nawawala na yung pagmamahal ko sa kanya."

"what the hell." bulong ko

"3 years na kayo, pero ganon?" may inis sa boses na sabi ni Gi

"Baka di lang talaga sila ang destined" sabi ni Ari

"Sabi ko nga sa kanya eh, Kung kami, kami talaga" France

"Bakit ba kasi nawawala yan? Baka may iba kang nakita" Kyla

Namula naman si Franch

"fck, sabi na eh!" Sigaw ko

"BAWAL MAG MURA DITO, PUNYETA!" Sabi ni Chie na dumaan lang sa kwarto ni France

Baliw.

"Eh sinong bago?" Tanong ni Ari

"Uhmmm.... Si ano hehe" Nagdadalawang isip pa siya bago sabihin. "si Kenn" nahihiya nya pang sinabi na ngayon ay tumahan na

"Ahh, si Kenn" patango tango kong sabi

"ANO?! SI KEN?!" sabay pa kami ni Kyla. Hindi rin siguro siya makapaniwala.

"Shhh!" Sita na naman ng kapitbahay nila

Wtf. Punyeta. pakker. No. this can't be.

"Oo, si ken, may problema ba dun?"

Oo, meron. huhu.

masakit.

BAKIT SA DINAMI DAMI SI KEN PA?!

"wala" sagot ko

"Bakit siya?" tanong ni Kyla

"Kasi ang sweet niya sakin eh." Kinikilig niyang sambit

"Baka paasa." Sabi ni Ari

Paasa?

Ganun ba siya?

"Hindi din siguro. Sabi niya mahal niya ako eh" Namumula na siya ng sinasabi niya yan

Wasak. Tusok. Pinong Pino. Basag. Masakit.

Natusok ako ng madaming tinik.
Pipiliin ko na lang manahimik.

"Baka nagsisinungaling" sabi ni Gi

Umiwas ng tingin si France "Baka nga"

"Inaantok na 'ko France!" Sabi ni Kyla

"Ako din" sabi ko

"Dito na kayo sa tabi ko" tinapik niya ang malaking espasyo sa kaniyang kama.

Humiga naman kami sa tabi niya

Gi-Ari-France-Me-Kyla

Nakatulog kami ng magkakayakap

***

False Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon