CHAPTER THREE

3.6K 26 50
                                    

Nadia's POV

Nakita ni Nadia si Miles sa may dulo ng veranda sa likod. Suot ang jacket nito'y nakasandal ang binata sa poste at nakatingin sa karagatan na tila ba binibilang nito ang mga alon na humahampas sa dalampasigan. Sa kanang kamay nito ay ang kopita ng alak.

Nadia shivered. Kung dahil sa lamig ng gabi o dahil kinakabahan siya sa muli nilang pagkikita ng kababata. Hindi niya matiyak kung dapat niyang ikagalak ang ipinagtapat ng mama nito sa kanya kanina. O ikalungkot dahil nasaktan ito at sumama sa ibang lalaki, tatlong linggo bago ang takdang kasal ng dalawa.

Hindi niya gustong maramdaman agad ni Miles ang presensya niya. She almost tiptoed as she approached him. Pagkatapos ay huminto may ilang hakbang mula rito at tinitigan ang binatang halos nakatalikod na.

Nadia almost didn't recognize him. He was taller and bigger. Gusto niyang isiping hinahahatid ng hangin sa kanya ang anumang nararamdaman ni Miles sa sandaling iyon. And she would have waited to spend a few more time watching his profile nang maramdaman nito ang presensya niya. Lumingon ang binata.

Miles eyes met hers. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay. 

Nadia was speechless for a moment. Her heart pounded violently habang nakatitig sa binata na ang mga mata'y kababanaag ng sopresa habang humahangod sa kabuuan niya. 

"Nadia..." the-all-so-familiar deep and masculine voice broke the silence.

She smiled. Puno ang dibdib niya ng matinding kaba at kasabikan. "The one and only." Sinamahan niya iyon ng maikling curtsy.  

May kung ilang sandaling bumaba-tumaas ang tingin ni Miles sa kanya bago ito nagsalitang muli. 

"You're-you're different."

Umangat ang kilay ng dalaga. Ang ngiti'y nakaplaster na sa mga labi. Ito parin ang dating Miles na nakatangi sa puso niya. Four years older but handsomer. At mamang-mama na ang hitsura. Subalit wala ang kislap sa mga matang inaasahan niyang makita. At kung ilang araw na ang whiskers nito'y hindi niya matiyak.

"Sa paanong paraan? C'mon, tell me. I'm dying to hear it," she joked.

Unti-unti,  gumuhit ang ang ngiti sa mga labi ni Miles. Her heart missed a beat. Kay tagal niyang pinanabikan ang  ngiting iyon. And realize in that instant how lethal that smile could do to her heart.

"You're fishing a compliment, sweetheart..." he grinned.

Sweetheart.

Inilapag ni Miles ang goblet sa ibabaw ng barandilya. At kasabay ng paghakbang nito sa kanya ay humakbang din si Nadia patungo rito. Then she almost ran and threw herself into his open arms. 

Umalingawngaw sa dilim ang halakhak nilang pareho.

Lumuwag ang pagkakayap sa kanya ni Miles makalipas ang ilang sandali. Inilayo nang bahagya sa katawan nito. Then his eyes moved up and down and up again as he surveyed her. Pagkuwa'y umangat ang kamay nito at hinawakan siya sa baba at itinaas ang mukha niya.

"Nasaan ang kawayang-tsinang dalagita na nagpaalam sakin four years ago?" he said huskily.

She threw her head back and laughed. "That kawayang-tsina happened to grow up."

"Beautifully," Miles supplied. Inabot ang dalaga at muling niyakap nang buong-higpit. "Oh, I missed you so, sweetheart."

"Me, too, Miles. Me too." Gumanti siya ng yakap. Kasinghigpit ng yakap ni Miles sa kanya. Isinubsob ang mukha sa dibdib ng binata. Sinikap pigilin ang pag-alpas ng mga luha.

Ilang sandali ang nakalipas bago kumawala si Nadia mula sa mga bisig nito. Tumingala rito.

"I-I am sorry."

Instantly, the smile was gone. "For what?" he asked sharply.

Sandaling natigilan si Nadia sa biglang pagdilim ng mukha nito. "S-sa..... sa nangyari sa inyo ni.... ni Arlyn."

Naningkit ang mga mata ni Miles. Tumiim ang mga bagang.

"At naikuwento na agad sa iyo ng mama ang tungkol sa pagtalikod ni Arlyn sa aming kasal, huh?" he said acidly. "What else did my mother tell you?"

"N-nothing more..." kinakabahang sagot niya. Hindi niya inaasahang magagalit ito sa pagkabanggit niya sa nangyari sa kanila ni Arlyn.

"Really?" he sneered. "And you are sorry for me. Well, I don't need your pity., sweetheart." Sinabi nito ang endearment sa patuyang paraan. "Kaya kung sinabi man sayo ng mama na kausapin mo ako... aliwin upang malimutan ko ang kahihiyang ibinigay ni Arlyn sa akin, then forget it!"

"Miles, please. W-walang ibig sabihin ang Tita Zeny. Kinamusta kita at natural lang na sabihin niya sa akin iyon. At hindi ako naaawa sayo!" Bahagyang tumaas ang tinig niya roon. "Do not mistook concern for pity, Miles."

"Keep your concern to yourself, Nadia. I don't need it."

"H-hindi mo maiaalis sa akin... sa amin ang mag-alala, Miles, kahit pa hindi mo kailangan iyon," banayad niyang sabi. "Besides, you are my friend and--"

"Welcome back, Nadia," wika nito sa walang emosyong tinig. Pagkuwa'y humakbang sa veranda at patalong bumaba sa lupa. "Pakisabi sa papa't mama na nauna nako. Ipagpaalam mo na rin ako sa mga magulang mo."

Naiwang sinusundan ng tingin ng dalaga ang kababata hanggang sa mawala ito sa dilim. Tumingala siya sa kalangitan. Pinuno ng hangin ang dibdib. Pinanabikan niya ang pagkikita nilang ito ni Miles. Subalit taliwas sa gusto niyang mangyari ang kinahinatnan ng pag-uusap nila.

Mula sa veranda'y naririnig niya ang usapan at tawanan sa loob ng kabahayan. Subalit minabuti niyang huwag nang bumalik pa sa loob. Lumapit siya sa barandilya at tinanaw ang dagat. Inaaninag mula sa kislap ng tubig ang nakaraan... 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Cheating HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon