Pusong Lumuluha

36 0 0
                                    

Alam na alam ko ang pakiramdam ng maiwan
Alam na alam ko ang pakiramdam ng masaktan
Ang maloko ng isang taong minahal mo ng todo
Naiintindihan ko ang bawat iyak
Iyak ng nagpapahiwatig ng pusong nabiyak
Yung binigay mo lahat
Oras at panahon pero nauwi sa salat
Inibig mo ng buo
Pero sakit ang natamo
Sinakripisyo mo lahat
Pati pera at pangarap
Pinaglaban sa magulang
Kahit na ako'y pinagtabuyan
Kaya ngayon naiintindihan ko
Yung mga nasaktan ng ganito
Mga taong naguguluhan
Mga taong naghahanap ng kasagutan
Sa isang tanong na nabuo nang tayo'y iwan
"Oh aking mahal saan ako nagkulang para ako'y iyong iwan?"

"POEMS..."Where stories live. Discover now