Faith, Hope and Love

66 2 2
                                    

 Faith, Hope, and Love  



   Faith, Hope, and Love...


Ito ang tatlong bagay na itinuro sakin ni Mama habang lumalaki ako; ang manampalataya sa Panginoon, palaguin ang pag-ibig at pag-asa. Na dapat sa kabila ng mga pagsubok ay patuloy kaming tumawag at manalangin sa Ama upang patuloy kaming maging malakas.


Labing-anim na taong gulang ako nang dumating ang malaking pagsubok sa pamilya namin, na-diagnose ako sa sakit na Acute Lymphocytic Leukemia. Ito raw ang uri ng leukemia kung saan maraming immature white blood cells ang makikita sa dugo at bone marrow at magagamot lamang kung magpapa-chemotherapy ako. Sabi din ng doktor, kadalasan daw na umaabot lang hanggang sa tatlong buwan ang buhay ng may ganitong sakit kung hindi magagamot. Sa isip ko, bakit ako pa ang nagkaroon? Hindi ba ko naging masunurin para ibigay ang sakit na iyon?


"Huwag kang manghina, anak. Hindi dahil sa nagkasakit ka ibig sabihin ay pinarurusahan ka na. Naging mabait kang anak, Bianca. Sinusubok ka lang ng Panginoon kung hanggang saan ang pananampalataya mo," minsang ipinayo sa akin ni Mama. Alam ko na nasasaktan siya sa tuwing sasalang ako sa chemotherapy session, pero sabi niya mas maigi na raw ang ganoon kaysa wala siyang gawin.

Isang taon ang nakalipas, pabalik-balik kami ng ospital para magpa-chemo ngunit, wala namang ipinagbabago. Patuloy ang pagakakaroon ko ng mga pasa sa buong katawan at maging ang pagbaba ng aking timbang ay di rin napigilan nito at ng iba pang mga gamot.


"Wala na yata talagang pag-asa 'Ma," ani ko habang nakahiga.

Sa pangatlong pagkakataon ngayong taon, muli akong na-confine dahil sa patuloy na pagdami ng immature white blood cells na lalong nakakasama sakin.

"Anak, 'wag mong sabihin 'yan. Gagawin natin ang lahat para gumaling ka," aniya habang marahang hinahaplos ang buhok ko.

Pumusisyon ako patalikod sa kanya. Tinignan ko ang papalubog na araw. Bakit kaya sa tuwing sisikat ang araw, darating ang punto na lulubog rin ito? Indikasyon ba 'yon na lahat ay may katapusan? Maging ang buhay?

"Bianca, anak..." tawag niya.

"Matutulog po muna ako," sagot ko habang nakatalikod.

"Bianca..."

"'Ma, Magpapahinga po muna ako. Maigi siguro kung umuwi muna din kayo para makapagpahinga po kayo," suhestyon ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagbitaw niya sa aking balikat at unti-unting paglayo niya na sinundan ng pagsara ng pinto ng aking kwarto.



Kinagabihan na nang magising ako. Wala pa rin si Mama. Malamang nagtampo siya sa inasal ko kanina. Dahil pwede naman akong kumilos, nagpasya akong pumunta ng rooftop. Sabi ni Nurse Jupiter, masarap daw tambayan iyon dahil sa sariwang hangin at matatanaw pa ang buong Maynila.

Habang paakyat, nakarinig ako ng musika na sa tingin ko ay mula sa gitara. Nang makarating ako, nakita ko ang isang lalake na nakaputi at nakatalikod sa aking direksyon. Dahan-dahan akong lumakad papalapit upang umupo sa kabilang bench pero tila yata malakas ang pakiramdam niya kaya binati niya ako.

"Hello," aniya at bahagyang iniangat pa ang kamay. Ngumiti lang ako bilang sagot.

"Bago ka lang ba dito?" tanong niya.

Short Story CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon