Chpater 2: Reminiscing the Past ~

67 2 0
                                    

-NESZA'S POV-

Break Time na.

Naglalakad kaming tatlo nila Charm at Mina papunta sa Canteen.

"Uy Girl, nabalitaan ko yung ginawa mo kay Alden ah! (*Clap *Clap! ) Ikaw na talaga Girl! Ikaw na ang bagong Reyna ng mga masusungit!"-Charm.

"Eh kasi naman, akala mo kung sinong gwapo, hindi porket member siya ng The Cools, akala niya kung sino siya!"

"Pero Nesza, hindi mo ba alam na dahil sayo, hindi na ako makakapunta sa Party ni Jian mamaya!"-Mina.

"At bakit naman mo naman nasabi yan Mina? aber?"-Charm.

"Eh kasi, for sure, namukhaan ako ni Alden, baka kung ano pa ang gawin nun sakin e!"-Mina.

"Oh sige, para ipakita sa kanila na hindi ako natatakot sa kanila, sasama ako sa party na yan! Ipapamukha ko sa Alden na yan na Baduy talaga siya!"

*Clap *Clap

"Yan ang gusto ko sayo Girl, Fierce! Go ako jan!"-Charm.

Malapit na kami sa Canteen, nang masalubong namin si Miguel, kaya napahinto kami.

"Hi Nesza!"

"Ha-Hi Migs!"

"I heard what you've done, and I can say na nag-bago ka na talaga! Hindi na ikaw yung Nesza na kilala ko dati!"

"Lahat naman tayo nagbabago e, lalo na pag nasasaktan!"

Pinipigil kong tumulo yung mga luha ko.

Natahimik silang lahat.

"Ah, Sige Nesza! I'll go ahead! See you around! Take Care ha!"

"Sige! Ikaw din!"

"Bye!"

"Bye!"

Sabay naglakad paalis si Miggy.

Pumasok na kami sa Canteen, at umupo.

"Girls, anong order niyo?"-Charm.

"Ako Lasagna!"-Mina.

"Ikaw Nesza?"-Charm.

Sh*t! Hindi ko na kaya 'to. Tutulo na yung luha ko!

Tumayo na ako.

"Girl, san ka pupunta?"-Mina.

Nakatalikod ako sa kanila,

"A-ah, ano, magsi-CR lang ako! Kayo na ang bahalang mag-order sakin!"

Sabay takbo papunta sa CR, at nagkulong ako sa isang cubicle.

Doon ako humagulgol at umiyak ng walang ginagawang ingay.

Naalala ko na naman ang panlolokong ginawa sakin ni Miguel.

*FLASHBACK..

Since 1st Year High School, mag-best friend na kami ni Miggy, hanggang sa mag-4th Year na kami. Sabay kaming nag-Entrance Exam non sa UP.

Saturday Night,

Naglalaro kami ng Badminton sa Court.

Tinawag ako ni Ate Cheena, sabay may iniabot na letter saming dalawa ni Miggy.

"Best, from UP!"-Miggy.

"Oo nga Best! Kinakabahan ako!"

"Alam na ha! On three, One...Two...Three!"-Miggy.

Sabay naming binuksan yung letter.

"Beeeeeeeeeeeeeeeeest! Pasado ako!"

"Ako din!"-Miggy.

Sa sobrang saya ko, nayakap ko si Besty. Grabe! Ang saya saya ko! Nakapasa kami sa UP!!!!!!!!!

Sabay kaming nag-enroll at same schedule kami ni Miggy, same course din kasi kami, Tourism Management.

1st Day of School..

Sabay kaming pumasok ni Miggy, pero napaaga kami, kasi 9 pa yung pasok namin, e 8:00 nasa school na kami.

Kaya tumambay muna kami sa Quadrangle.

Biglang hinawakan ni Miggy yung kamay ko at naglakad kami.

"San tayo pupunta?"

"Basta!"

Hanggang sa makarating na kami sa gitna ng Quadrangle.

Dahan-dahan na lumuhod si Miggy at naglabas ng singsing.

"Nesza, will you be my Girlfriend?"

Naiiyak akong sumagot.

"Yes Miggy! Yes!"

Sabay isinuot niya sakin ang singsing at niyakap niya ako.

Nagsisipalakpakan ang mga estudyante na nakapaligid samin.

Grabe! Best Day of My LIFE! I fell in IN LOVE with my Best Friend! <3

*AFTER 1 YEAR.

1st Anniversary namin ni Miggy, hinahanap ko siya sa Locker Room ng mga Badminton Players.

Nagulat ako sa nakita ko, dahil nakikipaghalikan siya sa isa sa mga ka-Teammate niya.

Matapos ang araw na yon ay isinumpa ko na silang dalawa.

*END OF FLASHBACK..

Hanggang ngayon, masakit pa rin.

-ALDEN'S POV-

Maaga akong umuwi, kasi wala namang practice, at tsaka para makapag-ready na para mamaya, para sa party ni Jian.

Naghahanap ako ng damit sa cabinet ko, nang makita ko yung notebook ni Andeng, kung saab nakasulat yung mga pangarap namin noong bata pa kami. Natupad ko lahat yun, lalo na yung makapasok sa UP at maging Badminton Player.

Si Andeng ang Childhood Crush ko, siya yung pinakauna kong crush.

Simula 4 Years Old, friends na kami. Kaso nga lang, nung 10 Years old kami, umalis siya at pumunta sa America dahil nagkasakit yung Lola niya, at simula non, hindi na ulit kami nagkita!

Kamusta na kaya si Andeng? It's been 9 Years nung huli ko siyang nakita, sana, Okay lang siya!

I Miss You Andeng! -___-

---------> NEXT CHAPTER <3

Follow me.

IG: @denissecioso

Twittah: Nisseislove <3

The U.P Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon