May pananabik na isinarado ni Eunice ang kanilang bagahe dahil sa mismong araw na iyon ay pupunta sila sa probinsya ng kan'yang mister na si Gio."Hon, okay na ba ang lahat?" tanong ng asawa ni Eunice buhat sa kan'yang likuran.
Napangiti s'ya at may pananabik na tumugon. "Yes hon! We are ready to go."
Tatlong taon na silang mag-asawa ngunit ni minsan ay hindi pa s'ya nakararating sa bayan kung saan ito lumaki dahil lagi silang abala sa kanilang trabaho. Kaya ng dumating ang holy week, nagdesisyon sila na bumisita sa mga magulang ni Gio.
------Samantala...
''HEY, matagal ka pa ba?'' pagrereklamo ni Summer sa mga kapatid dahil nakakaramdam na ito ng pagkainip.
''Summer puwede ba? 'Wag kang mareklamo kasi dahil sa 'yo kailangan naming isiksik iyong iba naming gamit sa maliit na bag,'' sermon in Sunny ang animo'y mas nakatatanda rito.
''Oo nga, eh halos dalhin mo na ang buong bahay sa mga dala mo,'' sarkastikong sang ayon naman ni Coffee; isa pa sa magkakapatid.
Triplets sila na may iba't-ibang ugali pero hindi sila tulad ng ibang nagkakasundo dahil minsan lang kung magkahulihan ng ugali ang tatlo.
Nang araw na iyon, naisipan nilang magbakasyon tutal ay holy week naman. At dahil grounded ang kanilang sasakyan ay magko-commute na lamang sila.
Ilang minuto lamang ay dumating sina Sam at Art na nagpahatid sina kanilang ama sa bahay nila Coffee; ang kambal na nais sumama para magbakasyon at makapag-relax din. At tulad ng triplets ay grounded din ang kanilang saksakyan kaya no choice kundi ang mag-commute.
---------''PAGPALAIN sana kayo ng may kapal Sister Eve at Brother Adam sa 'inyong paglalakbay,'' si Fr.Carlo iyon na kasalukuyang binibigyan ng basbas ang dalawang taong simbahan.
''Salamat po father,'' sabay na bigkas nila Sister Eve at Brother Adam dahil sila ang napiling kinatawan sa isang church program sa isang probinsya at dahil gamit ang van ng kanilang kumbemto sa using community service ay napagdesisyunan na lamang ng dalawa na mag-bus patungong Sittio Alfonso.
Binigyan sila ng kakaibang bibliya ni Fr. Carlo , isang bote ng agua bendita at dalawang gintong rosaryo at dahil mahaba-haba ang kanilang ibi-biyahe ay minabuti nilang dalawa na magbaon ng mineral water at biskwit kung sakaling abutan sila ng gutom sa bus.
To be continued...
BINABASA MO ANG
ROADTR.I.P[✔](Revising And Editing)
ParanormalDate Start- Oct. 29 2013 Date End- Oct. 21 2014 Isang byaheng Hindi malilimutan... isang karanasang ang Hindi aakalaing mangyayari sa totoong buhay... sino ang makakaligtas? Halika at sumama sa... ROADTRIP byahe patungo sa iyong katapusan...