DESTINATION 2: THE BEGINNING

1.4K 41 0
                                    


Destination 2: The Beginning

"HLL 699" - basa ni Eunice pagkakita sa bus na sasakyan nila...

"Sitio Alfonso here I come!" narinig n'yang sabi ng isang babae

Sittio Alfonso?

Hawak kamay silang sumakay ni Gio sa bus. Wala sa sariling napalingon siya sa labas kung saan nakita niya ang matandang babae kanina, umiling ito at nag-sign of the cross sabay alis ng mabilis.

Nang maka-upo silang mag-asawa ay iginaya siya sa balikat ng asawa.

In Jesus name...tanging naibulong niya sa sarili.

" Sunny may idea ka ba sa pupuntahan natin?" biglang tanong ni Art dahil sa totoo lang ay wala talaga s'yang ideya kung saang lupalop sila pupunta.

"Sabi ni Coffee sa Sittio Alfonso daw somewhere in North" sagot naman ni Sunny sa pinsan na ngayon 'y nakapikit ang mga mata.

Dalawang oras pa ang nakalipas nang isa-isang nagbababaan ang ibang mga pasahero. At unti-unting lumuluwag ang loob ng bus kung saan lulan sila Eunice.

May kadiliman na nang lumingon ang kunduktor sa dereksyon kung saan may mga iilang pasahero pang natitira.

"Mga Miss at Mister baka may gusto sa inyong magbanyo? May hihintuan tayo para man lang ay makapagbawas kayo" malumanay na sabi ng konduktor. Pagkaraang magsalita nito ay may isang babaeng kulay dilaw ang buhok ang nagtaas ng kamay kasabay ng dalawa pa.

"Kami po!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo

Tumango lamang ang kundoktor at tumalikod na. Napansin ni Eunice na may ibinulong ang kundoktor sa driver at nangisi.

Maya-maya ay huminto na ang bus sa isang may kadilimang lugar kung saan naroon ang public CR na kung titignan ito ay parang inabandona na dahil sa pakislot-kislot na ilaw.

"grabe ang haba ng byahe natin" umpisa ni Luisa isa sa mga A-LS

"nakaka haggard nga eh biruin mo ngayon lang naisip ng konduktor at driver na ihinto itong bus para  man lang makapag CR" sagot ng kasama ni Luisa na si Roxanne

Pagpasok nila sa loob ng public CR ay nangiwi na lamang sila sa nakita, paano ba naman kasi ay puro ito putik mga bakas na hindi mawari kung saan nanggaling, ang sink ay puro itim na putik ang lapag naman ay may kung anu-ano ang makikita.

Pumasok si Luisa sa isang cubicle ang  isa naman ay sa gawing kanan.

Eew ano ba namang CR 'to

Tanging naibulong na lamang ni Luisa sa sarili dahil nang makita niya ang inidoro ay kulang na lang ay isuka niya ang kinain habang nasa byahe sila. Hinubad niya ang pantalo sapat na para hindi mabasa ng kanyang ihi. Ipinatong na lamang niya ang paa sa inidoro para hindi dumikit sa puwitan niya ang duming mayroon ang inidoro.

Habang naghihintay si Luisa ay may napansin siya, kahit nakasara ang cubicle na ikinaupa ay nakikita niyang may anino, Malamang tapos na si Roxanne sambit niya sa isip niya. Maya-maya pa ay huminto ang anino sa tapat ng cubicle niya

"Hintayin mo ako Roxy ah" paalala ni Luisa

Nang matapos ay itinaas na ni Luisa ang pantalon saktong pagbukas ng pinto ng cubicle niya, paglingon niya ay hindi niya inaasahan ang makikita...

Samantala ay inip na inip na si Roxanne kakahintay kay Luisa na lumabas sa public CR, hindi na niya kasi maatim na manatili pa doon ng matagal dahil sa amoy at itsura nito.

"Gosh! Luisa hindi ka pa ba tapos?" sigaw nito na bahagya pang sumilip sa naglilimahid na pinto. Ngunit walang sumagot inulit pa niya ang pagtawag sa kaibigan pero wala pa ring sumasagot, kaya naisip ni Roxanne na pumasok muli sa loob.

Nakita niyang bukas ang cubicle kung saan pumasok kanina si Luisa, bigla siyang kinabahan ng hindi niya maintindihan.

"Luisa?" kahit nanginginig ay nilakasan niya ang loob.

"Luisa? h-hindi ka pa tapos?" tanong niya muli pero kagaya lamang kanina ay walang sumagot.

Unti-unti siyang lumapit sa cubicle na para bang natatakot sa makikita sa loob nun, nang makalapit siya at makita ang loob ay hindi niya mahagilap ang sa sarili kung anong klaseng takot ang mararamdaman ng makita ang itsura ni Luisa.

Nangingitim ang balat nito mula paa hanggang mukha, may mga itim na ugat din na unti-unting lumalabas sa balat nito. Ang mga mata niya ay naka tirik hindi na mkita ang itim dito ang bibig niya ay nakabuka na para bang may pilit na nagbukas niyon.

Hindi mapigilan ni Roxanne ang mapasigaw sa tindi ng nararamdaman para siyang mawawala sa sarili napa-upo siya sa sahig.

"Luisa!" umiiyak na sagot niya itinaas niya ang kamay na wari'y pilit inaabot si Luisa. Wala siyang ideya kung ano ang nangyari sa kaibigan niya kung bakit ito nagkaganoon. hindi na niya matagalan ang nakikita kaya mabilis siyang tumayo at tumakbo pabalik ng bus.

Sampung minuto ang lumipas ng maaninag ni Eunice ang isa sa dalawang babaeng nagsabing bababa para makapag-CR  nakita niyang humahangos ito paakyat ng bus.

"Herminio! si Luisa!" mangiyak-ngiyak nitong sabi

"Bakit? anong nangyari sa 'kanya?" halata na sa boses ng lalaki ang pagkabahala

"Wala na siya"

"A-ano?"

Napasinghap ang lahat dahil sa sinabi ni Roxanne, ang iba nilang kasamahan ay tumayo at lumapit dito.

Nagulat man ay hindi na ipinakita ni Eunice ang takot na namamayani sa kanyang kalooban. Nagdasal na lamang siya ng isip at hinawakan ang kamay ng asawa tumingin ito sa 'kanya at huminga ng malalim at nanalangin.

Immortal God, holy Lord,
Father and Protector of all You have created,
we raise our hearts to You today for those
who have passed out of this mortal life…”

Narinig nila ang pagdasal ni Sister Eve at Brother Adam na nakaupo sa pinakadulong bahagi ng bus.

“Manong baka… baka pwede tayo humingi ng tulong?” Naiiyak na tanong ni Roxanne

Ngunit imbes na sagutin ay walang sabi-sabing binuksan nito ang makina at umalis na sa lugar.

“Manong!”- halos isigaw ni Roxanne hindi siya makapaniwala

“ Wala na tayong magagawa” ani ng kunduktor na animo’y balewala sa ‘kanya ang nangyari.

“No signal!?” Napasigaw ang kanina pa nangingiyak na si Roxanne paano nga ba siya makakahingi ng tulong kung walang kasignal-signal at wala siyang makita ni isang bahay sa daan..

Lahat sila ay nakakaramdam na ng takot pero nanatili lamang silang kalmado. Ilang sandali pa ay tumahan na ang grupo ng A-LS.

Makaraan ang dalawa pang oras ay natatanaw na nila ang isang lumang bus stop at may nakalagay na

Maligayang pagdating sa Sittio Alfonso.

To be continue...

ROADTR.I.P[✔](Revising And Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon