DESTINATION 1: THE OLD LADY

2K 41 4
                                    


"Talaga? Ay nakakakilabot naman."

"Oo nga eh at eto pa..."

NASA sa isang bus station ang buong klase ng A-LS. Dahil sa nag-uumpisa na ang bakasyon kaya naman naisipan nilang mag-iskarsyon at dahil gusto nilang makatipid ay napagdesisyonan nilang mag-commute na lang. At sa mga oras na iyon, halata sa mga mukha ng bawat isa ang pagkasabik.

"Luisa may dala kang blush on?" si Gen.

"Oo ate Gen. Eto oh," tugon ni Luisa sabay abot sa isang brand ng blush on na dala nito.

"Grabe excited na ko!" wika naman ni Andrea na halata ang pananabik sa boses.

"Oo nga! Ako din eh," sang-ayon ng isa pa. Si Jazz.

Marami sila ngunit may isang tahimik sa grupo nila. Si Maya na palaging nakayuko at kung titignan ay laging seryoso. Naka-full bangs ito na medyo kulay tsokolate ang buhok na hanggang balikat.

Lahat sila ay naghihintay ng susunod na b'yahe. May mga naghaharutan, may nagkakantahan upang maibsan ang pagkabagot nila habang naghihintay.

"Hoy! Herminio inubos mo na polbos ko ahh," reklamo ni Laura na hawak ang ubos na botelyang plastik ng polbo

"Pasensya na. Madaming humingi eh," nakangising paliwanag ni Herminio. Napasimangot si Laura sa palusot nito sabay lipat ng upuan.

"Naku polbo lamang iyan. Bumili kayo para walang away!" lintanya ni Roel na s'yang pinakamatanda sa klase.

"Oo nga tama si kuya Roel," sang-ayon ni Edd dito.

Ngunit habang nagkakatuwaan ay may biglang mapansin si Maya sa kan'yang kanang bahagi.

Usok? bulong nito.

Sinundan n'ya at ng huminto si Maya sa isa n'yang kaklase. Nagkorteng bungo ang usok at pumasok sa tenga ng kaklase n'ya. Nanlaki ang mga mata ni Maya sa nakita bigla itong kinabahan.

"Hindi maaari!" tanging naibulong n'ya.

"Ha? Ano 'yun ate Maya?" nagtatakang tanong ni Roxanne dahil katabi lamang n'ya ito.

"H-ha? A-ah w-wala," utal na sagot ni Maya dito.

Ngumiti lamang si Roxanne.

"Alam n' yo ang LOVE CAN WAIT yan, kaya aral-aral muna"- si Christian iyon habang may pamostra pang nalalaman

"WEH!?" sabay na sabi nina Jessa, Jackie at Judy-anne.

"Eh kung totoo nga 'yan nasaan ang waiting shed n'yan?" si Marjorie.

Si Trisha, kahit hindi masyadong kumikibo ay ngumingiti na lang.

"Wooooooh! si Christian bumabanat ng C" - si Ryza

"C? ano yun?"- tanong ni Jerick dito

"C as In Corny!" - natatawang sagot ni Ryza dito.

Nagsitawanan naman sina Jerome, RC, Jomari at Babylyn

Si Hone Joy naman ay walang sawang kumukuha ng litrato gamit ang cellphone sa tabi ni Lovely

Kasalukuyang nasa wating area ang mag-asawang Gio at Eunice, nangingiti sila sa mga kabataang malapit sa pwesto nila dahil sa kung anu-anong kalokohan ang pinag-uusapan.

Ngunit nawala ang ngiti ni Eunice ng may mapansin ito sa hindi kalayuan

"Gio nakita mo yun?"- tanong nito asawa

"Ang alin?" - balik na tanong ni Gio dito at nagpalinga-linga sa paligid tanong naman n'ya at nagpalinga-linga ng walang makita ay ibinalik nito ang tingin kay Eunice

"Eunice baka guni-guni mo lang iyon"- ngiting alo n 'ya sa asawa

Ngumiti na lamang si Eunice sa sinabi ng asawa pero hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siyang kinabahan.

Oh baka naman dahil sa unang pagkakataon ay uuwi kami sa kanila? Pangungumbisi ni Eunice sa sarili at marahil ay guni-guni lang ang nakita.

"Magandang hapon"

Napalingon sila sa nagsalita. Isang Madre at may kasama ito.

"Ano po iyon?" Ani Gio sa magalang na tono

"Ako pala si Sistee Eve at ito naman si Brother Adam, pwede po ba kaming makiupo sa tabi n' yo?'' pakilala nito at sabay 'paalam nito nang makitang may bakante pang upuan sa tabi nilang dalawa ni Gio.

Isang ngiti at tango lamang ang isinagot namin ni Gio dito at umupo na sina Sister Eve at Brother Adam sa tabi ng mag-asawa. Inilinga-linga ni Eunice ang paningin ng may makita itong isang grupo na sa tingin niya ay mga teenagers may triplets na babae at may dalawang kambal na lalaki.

Maya-maya ay nagpaalam si Gio na bibili ng makakain nilang mag-asawa dahil mahirap na at baka abutan sila ng gutom habang nasa byahe. Habang naghihintay sa asawa ay may matandang babae na tumabi sa 'kanya at bumulong.

"kung gusto mo pang mabuhay ng asawa mo ay h'wag na kayong tumuloy kung saan man ang destinasyon n' yo" bulong ng matanda kay Eunice na maatim na nakatitig sa 'kanyang mga mata

"P-po? ano pong sabi n' yo?" Nagtatakang tanong ni Eunice dito

"PATAY ANG DIYOS, WALANG MAGAGAWA ANG DASAL NIYO!"

Sigaw nito dahilan para makakuha sila ng atensyon ng ibang naghihintay na pasahero, may nagbubulungan at may mga nakatingin na animo 'y iniisip na may sira ang ulo ang matanda.

"Manang h 'wag ho kayong ganyan. Kahit na anong mangyari hindi mawawalan ng bisa ang dasal lalo na at nasa puso natin 'to" biglang singit ng madreng si Sister Eve

"HINDI N' YO ALAM ANG PINAPASOK N'YO, HINDI N'YO ALAM KUNG GAANO S'YA KALAKAS NGAYONG PATAY ANG DIYOS!"

Sigaw ng matanda kaya naman nakaramdam agad siya ng kaba at panginginig ng katawan.

"HEY YOU OLD WOMAN! SHUT YOUR FVCKING MOUTH!" sigaw ng isang lalaki

Tumingin dito ang matanda at mabilis na bumaling sa 'kanya ang tingin nito, hindi rin nagtagal ay umiling ito sa 'kanya sabay alis.

"Eunice ano bang nangyari?" Naramdaman niyang may humawak sa balikat niya... ang asawa niyang si Gio na halata ang pag-alala.

"H-hindi k-ko a-alam b-basta u-umupo lang yun sa tabi ko at..." Hindi na makuha pang matapos ni Eunice ang sasabihin dahil sa takot na nararamdaman.

"H 'wag kayong mag-alala walang mangyayari sa atin..." pag-aalo ni Brother Adam sa 'kanya.

"Tama si Brother Adam" pagsang-ayon naman ni Sister Eve

"Gross!!!" reklamo ni Summer dahil nairita kasi s'ya dun sa matandang babaeng gumawa ng eksena

Samantala...

Inip na inip na si Sam dahil mag-iisang oras na silang naghihintay ng bus na sasakyan nila. Inilabas niya ang ipod at nagsuksok ng earphone sa tainga baka sakaling mawala ang kanyang pagka-inip.

"Ilang minuto pa ba bago tayo makaalis? kanina pa tayo dito eh" si Sunny habang patingin-tingin sa relo

"konting hintay nalang"- si Art

"oo nga" segunda ni Coffee

"oh ayan na!!!" sabi ng isang lalaki

Bus HLL696

To be continued...

ROADTR.I.P[✔](Revising And Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon