Prologue(Legendary Princess)

385 14 3
                                    


Legendary Princess

"Every person feels the warmness and coldness in love. Sometimes love may hurt you, have love and you are in love. Sadness, joy, love, fear, disgust and anger are one of the emotions you can feel when the sparks, butterflies and rainbows bloom to the two of you that are in love. Every word change and hurt. Your heart may see every feeling in someone's heart full of emotions. Forget and forgive are one of the many ways to decide in love. Right because you make the possibility in your life to make him/he love you too. Wrong because you did not try to make moves even she/he does not love but you are so damn in love with him/her."


"Very good Ms. Anderson. I'm impress even though you're not listening you can still answer my questions. Impressive but next time listen to me."


Haysst buti na lang nag advance lesson ako kanina. Lutang na lutang ang isip ko ngayon. Hindi ko din alam kung bakit. Meron kasing parang nag uudyok na pumunta somewhere. Hindi ko na nga din alam sa sarili ko. Basta pagkagising ko lang kanina parang tinatamad na ako na ewan. Sa mga ginagawa kong ito para tuloy akong buntis na kitikiti sa katawan at hindi mapakali.


Imbes na mag isip pa ng kung ano ano. Nakinig na lang ako sa itinuturo ng guro sa aking unahan.


"Sinasabi ng mga nakakatanda na nagkaroon daw noon ng isang prinsesa kasama ang kanyang labin dalawang tagapangalaga. Hindi lang sila basta prinsesa o tagapangalaga dahil mayroon silang mga bato. Hindi lang ito basta bato dahil ang mga ito ay mahihiwaga at sa bawat bato na ito ay may kaniya kaniya itong kapangyarihan. Kapangyarihan na ang karamihan ay ito ang ina asam asam."



"Woah. Ang galing naman po noon miss. Ngunit paano niyo pong nasabin inaasam asam ito ng karamihan? Ano po bang kapangyarihan ang sinasabi niyo?" tanong ng isa sa mga kaklase ko. Yun din ang mga tanong na nasa isip ko. Ano nga ban kapangyarihan ang meron ang mga batong iyon? Bakit kaya 12 ang tagapangalaga nito bakit hindi na lang anim o di kaya ay tatlo. Parang ang dami kasi nila masyado para maging tagapangalaga nito.



"Magandang tanong ginoong Hernandez. Ang kapangyarihan na mayroon ang mga bato ay ang kapangyarihan katulad ng apoy, tubig, hangin at marami pang iba. Madami ang nabighani sa mga mahiwagang bato dahil sa taglay nitong kapangyarihan. Kaya simula nang malaman ng mga taga nayon ang tungkol dito. Gumawa sila ng paraan upang makuha nila ang mga mahiwagang bato para sa kanilang sariling kapakanan."



"Ang sasama po pala ng mga taga nayon. Baka nila yun ginawa kung para din naman sa kapakanan nila ang mga batong iyon."



"Para hindi na kayo marami pa ng tanong. Itutuloy ko na lang ang kwento. Makinig kayong mabuti."



Sa mga oras na iyon. Parang tumigil sa pagtakbo ang oras pati na din ang mga taong nakapaligid sa akin. Anong nangyayari? Bakit lahat sila tumigil?




Madaming tanong ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Ni tumakbo o maglakad ay hindi ko magawa. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.



Sa aking pag iisip may nakakasilaw na bagay ang unti unting umilaw sa may harapan ko. Ano ito? Para siyang portal na katulad sa mga napapanood ko sa mga fantasy sa telebisyon.



Hindi ko alam ngunit unti unting akong tumayo at lumakad palapit sa portal. Parang merong kumokontrol sa katawan ko na kung sino. Unti unti akong mas lumapit dito. Isang hakbang na lang.



Sa paghakbang kong ginawang iyon ay parang hinihigop ako ng portal. Nakakahilo ngunit kailangan ko itong kayanin. Hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko.

The Legendary Princess (On hold and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon