Chapter 1(Legendary Princess)

267 14 4
                                    

Ang Pagsisimula

Napakaganda naman niya.

Saan mo siya nakita Black?

Kakilala mo ba siya?

Para siyang anghel na ibinagsak sa lupa.

Ngayon ko lang siya nakita. Ano kaya ang pangalan niya?

"Uhmm." Ang ingay. Kita nang may natutulog na tao. Sino ba ang mga yon? Ang pagkaka alam ko naman walang pwedeng makapasok sa kwarto ko ng walang permiso.

Dahil sa walang tigil pa din ang mga tinig na aking naririning. Dahan dahan ko ng minulat ang aking mata. Puting nakakasinag na ilaw agad ang bumungad sa akin at mga hindi ko masyadong maaninaw na mga tao.

"Gising na siya." Rinig kong salita ng isa sa mga kanila. Kinusot kusot ko naman ang aking mga mata upang mas makita sila ng malinaw.

Pagka adjust ko sa liwanag ay may nakita akong isang may kaedarang babae, tatlong binibini at isang matipunong lalaki. Nagulat ako sa aking nakita. Ngayon ko lang sila nakita at parang may kakaiba sa kanila na hindi ko mawari kung ano ito.

Dahan dahan naman akong umupo at pinagmasdan ang aking paligid. Nasa isa akong magandang kwarto. Ang mga pader ay may halo ng kulay na asul at pula. Napakagandang pagmasdan. Maliit lamang ito ngunit saktong saktong para sa kagaya ko.

Sa pagliliwaliw ko, ngayon ko lang napansin na wala ako sa aking kwarto. Nasaan ako?

"Nandito ka sa kaharian ng Laharna."

'LaharnaIkaw nito sa sarili. Wala siyang matandaan na pumunta siya sa lugar na Laharna o kung ano naman ang pangalan nito. At takang takang siya kung may Laharna ba talagang nag eexist.

Madaming mga katanungan ang bumabagabag sa isipan niya. Ngunit ipanag sawalang bahala niya muna ito. Kailangan niyang makaalis ngayon dahil baka hinahanap na siya ng kaniyang mga magulang.

Kahit na nahihiya ay tinapangan niya ang sarili at matiim na tiningnan ang lalaki na ngayon niya lang nakita.

"Sino ba kayo? At anong ginagawa ko dito? Kailangan ko ng umuwi sa amin ngayon. Malamang hinahanap na ako ng aking mga magulang." ani nito kahit medyo nahihiya sa gwapong lalaking nasa harapan niya ngayon.

"Isa isa lang neng." maya maya'y sagot ng matandang babae. "Ako nga pala si Estella. Tawagin mo na lang akong Nanay Tella. At tulad nga ng sabi ng anak ko kanina nandito ka sa Laharna. Natagpuan ka ng anak namin sa may kagubatan. Mabuti na lamang at nakita ka kaagad ng anak ko na ito kung hindi baka nalapa ka na ng mga mababangis na hayop sa loob ng kagubatan."

Sa sinasabi pa lamang ni Nanay Tella nangingilabot na agad ako. Salamat na lamang at iniligtas siya ng anak nito. Sa isipin pa lamang nito na may mabangis na hayop ay parang hindi na niya kakayanin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Legendary Princess (On hold and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon