Chapter Six

5 0 3
                                    


"Goodmorning Architect" bati sakin ng mga officemates ko. Nginitian ko lang sila at pumasok na sa elevator. Isang linggo na rin ang nakakalipas nung nakuha ko yung susi ng kotse ko. Simula nung araw na 'yon bawat pag pasok ko sa office may naghihintay saking white hot chocolate sa table ko tapos may note pang kasama. Palagi na rin niya akong niyaya mag dinner, minsan mabibigla nalang ako nasa may pinto na siya ng office ko.

Nakakatuwa lang kasi hindi ko na kailangan pumila sa starbucks tuwing umaga, 'to naman kasing si Hannah, 3 in 1 lang yung sineserve sakin. Pwede sana kung brown coffee ng kopiko, kaso nescafe eh.

"Ma'am, ilang araw ka ng blooming ha? Dahil ba yan kay Mr. Clark?" asar sakin ni Hannah. Inirapan ko lang siya at dumiretso na ako sa office ko, nakita ko naman na pumasok na siya sa cubicle niya.  

Kinuha ko yung cup at agad ininom ito. Ang sarap talaga! Nakaka-kalma sa pakiramdam..

Tinanggal ko sa cup yung sticky note at binasa. 


Morgan, 

Your favorite espresso to start your new day. :)

See you later.


Hindi ko alam pero lalo akong napangiti. Narinig kong may kumatok sa pinto at nakita ko naman kaagad na si Hannah sa glass door, binitawan ko yung sticky note.


"Ma'am you only have 2 meetings for today. The first is with Mr. Peter Fabian in the next 30 minutes, and Mr. Harley Esguerra togehter with his wife at 10am." 

"Okay, how about the offered designs of Anya and Jaime, any updates?" tanong ko. 

Nakatapos na ako ng 30 designs. Kulang pa ako ng sampu. Yung benteng sobra ay kinuha na ng officemates ko, sa ngayon si Anya at Jaime nalang hindi pa nag papasa sakin.

"Arch. Anya Almstream said that she's almost done, she told me that she'll email it to you tonight or maybe tomorrow, and as for Arch. Jaime Bracamonte, she already sent it to you last night." 

Napatango naman ako doon, "Okay."


Hinanda ko na yung laptop ko para sa meeting with Mr. Peter Fabian, magpapa-design kasi siya ng rest house. Nameet ko si Mr. Fabian sa isang exhibit, pinakilala sakin ni Anya, nangangailangan daw kasi ng magaling na architect para sa rest house niya sa Laguna. May itsura si Mr. Fabian, chinito. Matangos din ang ilong at may dimples. Sabi nila successful daw si Mr. Fabian, tapos wala pang girlfriend. 

Kinuha ko yung pabango ko sa bag at ini-spray sa leeg.

Successful bachelor, huh?


Nagvibrate yung phone ko kaya dinukot ko ito.

From: Unknown number

He's not coming with you tonight.


Napakunot noo ako, agad ko dinial yung number pero cannot be reached na, pinatayan ako ng phone, ugh. Sino kaya yon?

Bakit ko ba pinoproblema sarili ko? Eh hindi ko naman kilala yung nagtext, baka wrong number lang. Hindi naman siguro si Mr. Clark yung tinutukoy niya, diba? Kasi sabi naman doon sa sticky note, see you later.

Napakibit balikat nalang ako.. Lumabas na ako ng office at dumiretso na sa meeting hall. 


Enlighten meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon