It's been four days since nung meeting and four days na rin akong walang kotse! God knows how hard to commute. Tapos naka-corporate attire ako, may dalang laptop plus my bag and some papers na kailangan dalhin sa office! Buti nalang hinahatid ako ni Anya, officemate ko, sa condo.
Riding a taxi really creeps me a lot. Even though sa umaga naman, malay ko ba kung may masamang gagawin sakin yung driver! Ayoko maranasan yung mga nababalita sa tv.
"Thank you for the ride Anya." kinawayan ko siya, ngumiti naman siya pabalik. "No problem!"
Papasok na ako ng building when I heard my phone is ringing, dinampot ko sa bag yung phone ko at nakitang si Mama tumatawag.
Binati ko yung nasa front desk at dumiretso sa elevator."Hello Ma, kamusta?"
"Hi anak, ayos lang naman kami dito sa batangas. Nag eenjoy si Hatter dito sa rest house mo, pasensya ka na sa abala anak ha?"Si Hatter ay step brother ko. Annulled na yung parents ko at nagkaroon si Mama ng bagong asawa, kaso nagkaroon yata sila ng problema kaya sakin tumakbo si Mama at Hatter.
Pumasok na ako sa elevator at pinindot yung number four.
"Ano ka ba Ma, ayos lang. Kung may problema, tawag ka lang sakin nandito lang po ako."
Pasarado na yung elevator ng biglang may humarang ng kamay upang matigil ang pagsara nito.Tumalikod ako at hinarap yung glass wall ng elevator.
"Salamat anak, sige na mamaya nalang ulit. Babantayan ko pa si Hatter. I love you." sabi ni Mama.
"I love you too."
Binaba ko na yung tawag at pinagmasdan yung pag taas ng elevator."I bet you left something important.."
"Excuse me?"Humarap ako doon sa nagsalita at bigla akong pinagpawisan.
"WHERE IS MY CAR KEY?!" those green eyes..
"Chill, Ms. Morgan." he smirked at me. Tuloy tuloy ang pag tulo ng pawis ko, lalo pa akong nainis.
"I SAID WHERE THE HELL IS MY CAR KEY?!"
"It's..."
Biglang bumukas yung elevator kaya napahinto siya. May mga pumasok na ibang tao kaya sumikip sa elevator. Nag tutulukan pa yung iba kaya bigla tuloy akong napa-untog sa katawan niya.Napansin ko naman na lalo siyang lumapit at may binulong...
"It's in my condo, want to come?"
"NO F*CKING WAY! GET IT ON YOUR OWN!" narinig ko naman siya ng tumawa ng tahimik, there is no way na babalik ako doon! As in ever! Bibili na lang ako ng bagong kotse!Napansin kong nakatingin lahat sakin ng tao sa elevator, was I too loud?
Pagtunog ng elevator ay kaagad akong umalis, buti naman sakto fourth floor.
"UGHH!!" sigaw ko sa sobrang irita. Why is he making this hard for me?! Pwede naman niyang iaabot na lang sakin, diba?!
I stomp my feet while going to my room.. Bwisit na araw 'to, I was late again kanina sa meeting ko with my new client because of the bloody traffic! Na-move pa tuloy sa sabado yung meeting! Oh my goodness, imbis na off ko tuwing sabado, may meeting pa!
Tapos nag text pa sakin yung assistant ko sa, ------ si Moira, nagkaroon daw ng problema sa branch ng restaurant sa Bulacan! I don't know what to do right now! Sobrang naiinis pa ako tapos imbis na uuwi nalang ako ng maayos, makikita ko pa siya! Akala ko okay na dahil apat na araw ko na siyang hindi nakakabangga eh.
Nagkataon pa ngayon na wala ako sa mood! Ugh.
Hinanap ko yung susi ng condo ko sa bag..
Bakit ba kahit anong ayos ko sa bag ko, napaka gulo pa rin? Binaba ko yung laptop bag ko at isa pang shoulder bag. Nasaan na ba kasi yung susi ko?! Bakit ba palagi na lang nawawala susi ko!
Napatalon naman ako sa gulat ng biglang sumandal yung green eyes sa tabi ng pintuan ng condo ko,
"I can't believe that I am searching for you for four days and we're just staying in one building.." he said.sinundan pala ako ng hinayupak
"Why won't you get it in my condo? You knew that we're on the same building, or you are just.."
Napansin ko naman na lumapit sakin. Bigla naman akong lumayo pero hinapit niya lang bewang ko. Nakamdam ako ng kuryente mula sa kamay niya at lalo akong kinabahan.
Oh my god! Basang basa na yung likod ko ng pawis! Napatigil ako sa paghahanap ng susi, may kakayahan ba 'to mag hypnotize?Dammit! Where is my key?
"Afraid?" he whispered against my ears.
I looked at his eyes, those green eyes..
Alice Morgan, right?F*ck!
Nang nakapa ko na yung susi ay agad ko itong sinuksok sa pintuan at pumasok na. Agad ko itong sinarado yung pinto and locked it.
What did just happened?
Napahawak ako sa puso ko, ang bilis.
Those green eyes are seducing me! That should be illegal!
Pinunasan ko yung mukha ko ng towel..
It's been years nung huli akong pinag pawisan ng ganito, matagal ko ng kontrolado yung pag react ng pawis ko because I shut people around me.
Not until that guy came! Ugh! He's getting on my nerves!
---
The next morning inagahan ko yung pag punta ko sa office dahil ngayon ko mammeet si Mr. Clark. Siya yung nag papagawa ng resort sa palawan. Tinawagan kasi ako ni Hannah kagabi, dapat friday pa yung meeting pero pinaaga na naman.Inayos ko yung presentation ko at niready yung mga papeles. 15 minutes nalang mag sstart na yung meeting, si Chad at Byron pa lang ang nandito.. Don't tell me na hindi na naman sisipot si Mr. Clark? Namumuro na sakin yon ha! Kung hindi lang talaga malaki yung offer at malaking oppurtunity, nako!
Pinaglalaruan ko yung ballpen ko. *Click click click*
Pinanliitan ko ng mata si Hannah at bigla nalang siya nanlumo. Alam niyang pinaglalaruan ko lang yung ballpen kapag naiinip na ako or naiinis.
*Click click click click click click*
Tumingin ako sa wrist watch ko, 8:15am na. He should be here by now!
"That's it!"
Napansin ko namang napalingon sakin si Chad at Byron
Tumayo na ako, "Hannah, reschedule the..." napatigil ako sa pagsasalita nung biglang may nag bukas ng pinto. "meeting"
"Goodmorning Architect Alice Morgan Carmichael"
WHAT IS HE DOING HERE?!
"Architect Alice, this is Mr. Jake Aron Clark." pakilala sakin ni Rave na nakangisi.
I was still shocked, nakapasok na silang dalawa at nakaupo na rin. Nakatulala pa rin ako. That green eyes is my next client? The big time client? Napapunas ako ng pawis.
No, hindi pwede! Hindi ako ready! Ipapa-reschedule ko pa rin yung meeting, there's no way magrereport ako sa kanya!
Narinig ko yung tahimik na tawa ni Chad at Byron sa gilid..
*Click click click click click click click click*
"Please reschedule the meeting Hannah." Agad kong inayos yung mga gamit ko at dirediretsong tumungo sa pintuan. Bes yung pawis ko
"But Ma'am.." sinamaan ko ng tingin si Hannah at nagpatuloy sa pag alis..
"I was just late for fifteen minutes and you will already reschedule the meeting?" Napatingin ako sakanya.
"Last time you were late for almost half an hour and we didn't reschedule the meeting.." he continues.
"Please be considerate." bes pahintuin mo pawis ko please.
napahawak ako sa door knob ng mahigpit, I know he's testing me right now.. I know he's pushing my limits..
Hindi ko siya pinansin, bahala na magdusa sabado ko, 'wag lang ngayon..
but my feet betrayed me..
"Well then, shall we start?" I said.

BINABASA MO ANG
Enlighten me
RomanceAlice was a teen back then, pure innocent. She was too young for love, too fresh to be hurt. She easily trust people around her and always sees the good side of a person. Not until she found out that the goodness of the guy she love was just a pure...