Aso't Pusa

59 1 0
                                    

Sabi nila kapag nakita mo na daw yung taong mamahalin mo, titigil ang mundo. Yung tipong slow motion lahat tapos siya lang yung bukod tanging nakikita mo. Ewan ko kung anong pumasok sa kokote ng mga taong nag-imbento nito pero kahit naman sa anong anggulo mo tingnan, malabong mangyari ang mga ganyang bagay sa tunay na buhay.

Paano naman yung SPARK, yung kuryente na mararamdaman mo once na nagkaroon kayo ng physical contact? Ewan ko lang, nakadrugs ata yung mga iyon eh!

Love at first sight? Pwede ba?! Atraksyon pwede pa, pero love?

I DON'T THINK SO.

Don't get it the wrong way. Hindi ako man hater o kaya naman yung mga tipong hindi naniniwala sa pag-ibig.

Siguro lang mas REALISTIKO ang pananaw ko kaysa sa mga iba.

Hindi man ako romantiko,

Hindi man CLICHE ang istorya ko,

Hindi man puro HAPPILY EVER AFTER ang buhay ko,

Atleast masasabi ko

NAGMAHAL pa rin ako.

Iyon nga lang,

SA PARAANG ALAM KO.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

isang istorya na kinulang sa romansa.

based on a true story pero pwede ding hindi :)

dedicated sa mga taong nafriendzoned, nangfriendzoned, mafifriendzone pa lang at sa mga simpleng taong tulad ko na sadyang kinulangan lang ng romansa sa tunay na buhay.

para sa mga taong

non-existent ang love life!!!!

para sa inyo talaga to.

alam kong tulad ko, kayo din hinahanap hanap niyo yung special someone o kaya naman yung the one.

di bale someday dadating din yang si someone.

pero kung hindi,

andito pa rin ang mg romance novels/ romance writers para samahan kayo/tayo sa kalbaryo!

happy reading guys..

Aso't PusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon