Unang Yugto

64 1 1
                                    

Unang Yugto:

Sabi nila wala daw pera sa fine arts.

“Bakit hindi ka na lang nag-accounting o kaya naman nursing?”

“Anong papakain mo sa mga magiging anak mo, PINTURA?”

Sa tuwing binabanggit ko ang kurso ko, lagi silang may violent reactions.

Hindi ba pwedeng dahil iyon ang GUSTO ko at iyon ang NAGPAPASAYA sa’kin?

Bakit lagi na lang nakadugtong yung pera sa kasiyahan at future ko?

Sino ba sila para sabihing hindi ako yayaman sa kurso ko?

Alam kong lahat ng tao’y gustong yumaman.

Lahat  nangangarap ng maginhawang buhay.

Napaka hypocrite ko kung sasabihing hindi ko hinahangad iyon.

Pero yung sa’kin lang, hindi ko naman kinuha yung kurso ko dahil lang gusto kong yumaman eh.

Kinuha ko yung kurso ko dahil ito yung bukod tanging bagay na alam kong hindi ko pagsisisihang ginawa ko. Masaya ako dito.

Ang pagyaman nasa pagsisikap at kakayahan naman iyan eh.

Wala sa larangan.

Ayan ang hirap sa Pilipinas.

Hay nako.

Ako nga pala si Callista, Fine Arts student majoring in Painting. Third year college na ko. Ang sayang isiping isang taon na lang gagraduate na ko. Kung gaano ako kasaya, ganoon naman ka-kj yung nanay ko.

Kesyo wala daw naghihintay na trabaho sa’kin.

Ano lang daw ba ang gagawin ko, taga pintura ng bahay?

Taga gawa ng mga placards ng jeep?

Taga pintura ng murals sa kalye?

Grabe naman. Hindi ba pwedeng nag rerestore ng mga lumang paintings?

O kaya naman maging kilalang freelance artist na kabilaan ang exhibits?

Alam kong iniisip mong masyadong “far-fetched” yung iniisip ko.

Ako din minsan naiisip ko yun.

Lalo na madaming malulupit na pintor dito sa bansa.

Madalas din akong napanghihinaan ng loob.

Lalo na kung yung mga taong inaasahan mong susuportahan ka, iyon pa yung mga numero unong nangda-down sa’yo.

Ewan ko ba, sa pamilya ba naman ng puro accountants bakit ba kasi pagpipinta ang naging kasiyahan ko.

 Kaunti lang kaming mga painting major sa school. Hindi pa siguro lalagpas ng sampu yung total namin at hindi lang iyon,

iyon na yung head count namin sa buong college, mula 1st to 4th.

Lahat kami magkakakilala na.

at katulad ng kasabihang 'birds with the same feather flocks together' lagi din kaming magkakasama.

Dahil sino lang ba ang magtutulungan, e di kami kami rin naman diba?

Katulad ko rin sila.

Karamihan may acceptance issues yung mga magulang.

Pare-parehas butas ang bulsa dahil sa Grumbacher at Van Gogh.

Halos lahat ng damit may bakas ng pintura.

Suki ng Enriquez at Deovir.

Minahal na namin ang amoy ng turpentine.

Hinding-hindi na kami mabubuhay ng walang linseed oil.

Iyan ang buhay ng Painting majors.

Hobo

Burdado

at

Weirdo.

(according sa mga ibang kurso) HBW daw.

'Yan ang madalas istereotype sa'min.

Petiks nga lang daw kami eh.

Minsan nakakabanas din sila eh.

Madalas tingin nila sa sarili nila mas higit pa sila sa'min. Kung iwasan nila kami akala mo meron kaming galis.

Pero sa pagdaan na din ng panahon natutunan ko na din silang iignore.

Wala kaming dapat patunayan sa kanila dahil alam na namin sa sarili namin iyon.

Mahal namin ang pagpipinta, tapos!

___________________________________________________________________

1st chapter. 

pinakilala ko lang muna yung character ko.

at deeper knowledge for painting majors.

eto pala yung mga pinagsasabi ko kanina:

Grumbacher at Van gogh- mga brands ng paint na kung gaano kinalupit ng kulay ganon din kalupit ung presyo (meaning mahal)

Enriquez at Deovir- mga art supply shops

turpentine- oil na ginagamit tuwing nagooil paint na kaamoy ng gaas. hinahalo sa linseed oil

linseed oil- kapartner ng oil paint.

Aso't PusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon