LAENA'S BURIAL

4 0 1
                                    



Sa kanyang paglibing marami ang nag-share ng mga stories nila sa kanyang Necrological Service.

Father Ezekiel: Masayahing bata talaga siya pero matigas ang ulo! Sinabihang magpahinga puro pagtuturo pa rin ang sa isip niya!

Mother Vielle: Matalino si Laena.Ewan kung saan niya 'yon namana.Masipag sa bahay at sa paaralan.

Reby: Magaling siyang magluto kung kaya'y ako ngayon ay may bakeshop. Thank you,'Te. Sa lahat ng tinuro mo sa 'kin. We will miss you but you're in my heart always and forever!!!

Czar: Sa kanyang pagtuturo noon sa 'min ay naging bank manager na ako ng isang bangko sa South Korea. Nagpapasalamat ako dahil may pinsan akong nagturo sa 'kin dahil wala na ang aming mga magulang.Salamat pinsan at malaki ang utang na loob ko sa'yo.

Eryn: Noon puro laro lang ako at ang ang mga grado ko ay mga palakol.Pwede na sigurong gamitin sa Farmville pero kinumbinsi niya akong ipagpatuloy ang aking pag-aaral bilang nursing kahit may anak na ako. Maraming maraming salamat sa pagtuturo sa amin.

Noelle:Maraming maraming salamat dahil sa'yo naging Best in Reading at naging Honor Roll din ako. Ako ay naging isang librarian sa Oxford University at dahil 'yon kay Laena. Thank you, pinsan.

Rhayzza: Close kami ni Laena. Kahit ang sakit niya'y sinabi ng mga kaibigan niya sa'kin pero 'di ko lang sinabi sa kanya. Baka pagtawanan lang ako 'non. Pero 'di siya nanood ng T.V. At focus siya sa kanyang mga ginagawa. Dahil sa kanya naging teacher din ako.

Ma'am Belen: Ako ang nag-in courage sa kanya na maging guro kasi matalino at sinabi niya rin sa 'kin na gustong-gusto ang propesyong ito. Salamat Laena kasi maraming buhay ang 'yong nabago.

Kimberlaine:Noong hayskul kami ako lang ang mahina sa grupo pero tinanggap ako nila Laena. Lahat kasi sila ay nasa Honor's List maliban sa 'kin. Tinulungan ako ni Laena sa homework sa Filipino basta't magsumikap daw ako. Nagsumikap ako at ngayon ay isa na akong guro sa Filipino sa aming paaralan. Kung 'di dahil sa'yo Laena siguro 'di ako makaka-graduate ng hayskul.

Francis:Mabait si Ma'am kasi ang layo ng kanyang pinanggalinggan. Minsan, siya ang nag-provide ng mga lapis at papel naming lahat.

Mga estudyante: Maraming maraming salamat Ma'am Laena. We Love You And Miss You!!!


MARIAH HALAENA,  THE DEDICATED  TEACHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon