Espesyal si Laena kasi siya'y bibo at smart sa kanilang school sa Elizabeth Allyson Smith International Academy. Syempre, kahit naglalaro ay nag-aaral siya. Pagkatapos gawin ang mga assignments sa school ay pinapayagan siyang maglaro kasama ang kanyang mga pinsang sina Czar, Eryn at Noelle pati din ang kanyang kapatid na si Reby.
Laena: Kuya Czar, ate Eryn at Noelle laro tayo. Sige na please...
Czar,Eryn at Noelle: Sige ba?
Laena: Yayain ko din si Reby.
Czar at Noelle: Okay
Czar: Oo, para mas saya tayo!
Eryn: 'Wag na!
Laena: Bakit 'wag?
Eryn: Kasi ayaw ko sa kanya!!!
Noelle: At bakit?
Eryn: Kasi siya'y mataba at baka agawin niya 'yung mga chocolates ko!
Laena: Mamaya pa tayo kakain ah!
Eryn: At ano ang ating gagawin?
Laena: Kunwari ako ay inyong teacher tapos kayo ang aking mga students, okay ba 'yun?
Czar,Eryn at Noelle: Okay!!!
BINABASA MO ANG
MARIAH HALAENA, THE DEDICATED TEACHER
Historia CortaIto ay tungkol sa dedikasyon ng isang guro kung paano niya hinarap ang mga pagsubok sa kanyang buhay kahit na may sakit siya.