Sa pagtatapos ni Laena sa elementarya ay pinarangalan siyang Salutatorian at nangakong magsusumikap pa para maabot ang kanyang mga pangarap, pangarap bilang isang magaling na teacher.
Sa kanyang pagtungtong sa hayskul ay nagsumikap siya.
Laena: Uuwi na ako kasi may gagawin pa ako!
Kimberlaine: Alam mo friend, ang kill joy mo!
Sirah: Oo nga, alam mo na may trip, ang barkada,eh!
Laena: Gagawin ko pa 'yung mga dapat gawin.
Christine:O, siya.Uuwi na si Lola!!!
Kimberlaine at Sirah: Ha!Ha!Ha!
Umuuwi lagi ng maaga si Laena para makatulong sa mga gawaing bahay pati na rin magawa ang mga assignments, projects at kung anu-ano pa.
Laena: Ako na po ang magluluto at si Reby na ang bahalang maghugas ng pinggan mamaya. Tapos ako na lang po ang mgbabanlaw ng mga labahin ninyo!
Mother Vielle: Pero anak, marami ang mga gawaing bahay! Parang daig mo pa si Wonder Woman baka maging si Kampanerang Kuba na 'yan!
Laena: Hindi po a!Mas maganda naman ako kaysa kanya!
Nagluto si Laena ng kanilang hapunan. Ito ay ang Tinolang Manok at nag-bake din ng Banana Sundae Cream Cake.
Reby:Wow!ang sarap-sarap nito 'te!Minsan,turuan mo ko!
Laena:Oo,ba!
BINABASA MO ANG
MARIAH HALAENA, THE DEDICATED TEACHER
Короткий рассказIto ay tungkol sa dedikasyon ng isang guro kung paano niya hinarap ang mga pagsubok sa kanyang buhay kahit na may sakit siya.