Unknown Proposal

206 6 0
                                    

Nagpropose na siya sa 'kin! 

"Gising na! Allison! Nagpapantasya ka na naman e." sabi ni Cindee.

"Ay, panira naman ng panaginip diba? Alam mo yung ayan na? Ganda na e!"

Ako nga pala si Allison, 19 years old at taken na. Hahaha. Ipagpapatuloy ko na ang kwento ko.

"Sori naman te! Anong oras na ba? Di ka papasok?"

"Anong oras na ba?" tanong ko sa kanya na halatang bagong gising ang pagmumukha.

"Tanungin mo yung orasan baka sumagot. Tsk, late na late ka na." sabi niya.

"Bahala na nga, samahan mo na lang ako sa mall mamaya at may bibilhin ako."

"Para kay---"

"Ssshhhh! Joke lang, di ko nga alam e. Hahaha, basta, bahala na nga talaga!"

Ang aga aga. Late lagi at wag niyo 'ko tularan, hindi magandang ugali ang ma-late.

May bansag pala si Cindee sa 'kin,  "Ms. BN" or in other words, Miss Bahala na.

Nakakainsulto pero totoo naman e kaya tinanggap na din.

Kain kain din ng almusal! Ano ang pagkain? 

Kanin at itlog tapos may beverage na hot choco. At least, may dating! Haha. Nagawa ko pang ipagmalaki.

Nga pala, nakatira na 'ko dito kay Cindee kasi lumayas ako sa bahay namin.

Nabadtrip ako sa magulang ko. Babalik ako dun kapag ready na.

Buti nga alam nila na andito ako sa bahay ni Cindee e kundi World War III na ang kinalalabasan ng lahat.

I have my own privacy talaga and I love this life, medyo lang pala.

Habang kumakain, as usual na gawain, kwentuhan at chika minute.

Di ko maiwasang magkwento e. Halatang chismosa ba? Hahaha.

"Allison, kailan ang next date with Xander?"

"I don't know to him, masyadong busy yung tao e. Halatang walang oras para sa 'kin pero oks na oks lang yun." sabi ko.

Si Xander pala, siya ang pinakamamahal kong boyfriend.

Nangangarap na nga ako na magpropose siya sa kin e tapos pagdating ng araw, ikakasal ako sa kanya with dramatic effect! Nakakaloka, dami kong nalalaman.

"Mamaya, may ibang babae na si Xander ha." sabi ni Cindee.

"Subukan lang niya,  I will Pacquiao his face!" sabi ko with matching pakita ng muscles sa arm. 

"Adik talaga 'to. Ge na nga, kain muna tayo at kakain na naman after breakfast. Lunch na naman after 3-5 hours."

"Sa mall na tayo maglunch?" tanong ko.

"Ge, ambagan portion 'te?"

"Oh yeahhhh sure!"

.

.

.

.

Yan, busog pa din. Ilang oras na ang nakalipas. Nasa mall na nga kami.

Busog pa 'ko! maya na tayo kumain ng lunchhhhh!

"Ayos mukha ah?" sabi ni Cindee na wagas makareact.

"Yeah." Sabi ko.

Oo na lang? Haha.

Tingin sa kanan at sa kaliwa, pamilyar sa 'kin ang scent ng pabango na yun ah.

"X-Xander? . . ."

Sino yung kasama niya? Mukha pa silang magsyota. Hindi e, sila na yata.

Oo, obvious naman. sila na nga. . . . 

Mukha pang mayaman yung babae mas lalo naman si Xander.

Sige na! Ako na in between ang status pagdating sa money.

.

.

.

.

Pero, Xander. Bakit mo 'ko nagawang lokohin? Nakakaasar. sarap talagang sapakin nitong loko na 'to . . . 

-------------------

kapalit ng "Under the Sunset".

My second romance story, hope you like it! :)

Don't forget to VOTE and LIKE! And especially, SPREAD!

thanks. =)

Unknown ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon