Third Person's POV
Umiiyak na lumabas ng simbahan ang Bride. Siya si Patriarchy Amanda Xenon. Isang simply pero kalog na babae.
“B-bakit n-niya n-nagawa s-sakin t-to?” mahinang bulong niya sa kanyang sarili. Pero hindi mababakasan ng Lungkot ang boses niya. Muli siyang nagsalita. “Ang Gagung yun inunahan pa akong mang-indian. Nakapag-acting pa ako ng wala sa oras! Gosh! Sayang ng make up ko! Ang ganda ko pa naman ngayon.” bugnot na sabi pa niya.
Wala siyang paki-alam sa mga taong napapatingin sakanya at wariy nakikisimpatya. Dahil sa hitsura niya.
Patuloy lang siya sa pag-lalakad hanggang sa nakarating siya sa kabilang simbahan. Balak niya sanang pasukin upang manggulo ng bigla siyang hinarang ng isang magandang babae na sa tansya niya ay ang wedding coordinator ng ikakasal.
“Nandito na ang BRIDE!!!” agad naman siyang napalingun sa likuran niya at nag-babakasaling nandoon ang bride. Wala naman siyang makitang ibang taong nandoon.
'May nakikita ba ito na hindi ko nakikita?' sa isip ni Patriarchy.
“Bakit ba ang tagal mo girl? Lagot ka sa groom mo.” Napa 'huh' nalang si patriarchy sa sinabi noong coordinator.
'Ako pa! Eh yung gago ko ngang groom ang papatayin ko pag-nakita ko eh!' Sa isip niya.
Nagulat na lang siya ng bigla siyang itulak noong coordinator papasok sa loob muntik pa nga siyang masusob dahil sa pag-kakatulak nito buti nalang at may-umalalay sakanya.
“My Son really has a Good Taste.” nakangiting sabi nung Ina ng groom. Napangiti nalang siya ng kyeme. Complement din daw kasi yun kaya dapat Ngini-ngitian.
“You're right honey.” pag-sang-ayon ng Asawa nito.
Litong-lito man sa Patriarchy sa Nangyayari ay nakiki-go-with-the-flow nalang siya.
Napatingin siya sa groom ng i-abot ng Ama nito ang kamay niya sa lalaki. Napa-twinkle pa yung mga mata niya ng makita ang groom. Napatulala pa siya sa harap nito. Kung hindi lang pinisil ng lalaki ang kamay niya ay hindi pa siya mababalik sa katinuan.
“Name?” bulong nito sakanya.
“Huh?”
“I said your f*ucking Name. Father is waiting can you said it already.” naka-kunot na ang kaninang naka-ngiting mukha nito. Ang kaninang binubuo niyang Fairytale sa isip niya ay biglang nag-laho. Tinaasan niya ito ng kilay at akmang bubulyawan na niya sana.
“Just Please tell me already. I'll explain to you later.” nakayuko na ito at malambing na ang boses kumpara kanina. Bigla naman siyang tinablan ng awa dito kaya sinabi na niya sa Pari ang pangalan.
“Thanks.” sabi nito ng nakangiti. Muntikan pa siyang matumba ng makita niya ang killer smile ng lalake.
“You may now kiss the bride.” sabi ng pari.
Hindi man lang niya namalayan na tapos na pala ang seremonyas. Nanlaki bigla ang mata niya ng kabigin siya ng halik ng lalaki na ngayon ay Asawa na niya.
******
What can you guys say? Okay lang po ba?