one shot

10 0 1
                                    

Saan ba dapat mag simula? Kung saan tayo unang nag kausap? Saan unang nag kakilala, at kung saan tayo unang nag kita?

Una tayong nagkausap sa text, dahil yun sa best friend mo na luko na ibinagay ang Sim card nya sayo.

Ayoko sayo kasi napakasungit mo. Wala kang modo. Dinaig mo pa ako sa kasungitan mo. Medyo isip bata pa ako nun, well hanggang ngayon naman.

Hindi din naman nagtagal naging okay na yung pakikisama mo, hindi nga lang tayo madalas mag usap kasi di naman tayo close. Kaunting kamustahan lang tapos tapos na, wala ng kadugtong hanggang sa susunod na lang ulit kung kailan mo maiisipan na kausapin ako.

Nag patuloy tayo sa ganung sitwasyon ng mahabang panahon. Ilang buwan din akong nagfe-feeling close kapag gusto kitang kausapin.

September 8, 2014 around 10-11 pm mag katext tayo, may himala nga ata dahil ang bait mo at bukod dun nag uusap tayo.

Nag gm ka at siyang kinainis ko yung hash tag mo. May number tapos may nakasulat atang I love you doon. Hindi ko na masyadong matandaan yung eksaktong nakasulat doon sa tagal na ng panahon.

Nakakainis kahit hindi ko alam ang dahilan, o baka naman naiinis ako kasi kahit alam ko yung dahilan ay wala akong karapatan.

Binalewala ko yung inis ko at patuloy tayong nag usap hanggang sa nag tanong ka kung anong regalo ko sayo ngayong kamatayan mo. Nainis ako dahil kung ano anong sinasabi mo. Hanggang sa napagtanto ko kung anong ibig mong sabihin, kaarawan mo pala nung araw na yun kaya't tinanong kita kung ano ba ang gusto mong iregalo ko sayo.

Para akong sira dahil sa halong kilig at kaba na nararamdaman ko sa isinagot mo. Sabi mo kahit imaginary hug lang galing sakin okay ka na. Hindi ko alam kung trip mo lang ba ako o seryoso ka, pero dahil alam kong serious type ka malamang seryoso ka. Magulo diba? Nung nangyari yan nagulo na lang bigla lahat. Lahat ng pag asa nabuhay.

Pag asang baka may gusto ka rin sa akin katulad ng pagkagusto ko sayo kahit hindi ko pa rin sigurado lahat ng nararamdaman ko.

Pag katapos ng araw na iyon nag bago na lahat satin, nag uusap na tayo ng madalas na halos araw-araw ikaw lang yung katext ko.

Tawag mo pa nga sakin nun "panget" kaya ginaya kita, hanggang sa ayun na yung naging tawagan natin.

Naging close tayo, nalaman ko na mabait ka naman pala, sa tagal nating nag uusap doon ko lang nalaman na may tinatago ka palang bait sa katawan.

May nag tag ng post sa dummy account mo na babaeng kinaiinisan at pinagseselosan ko. Nabasa kong nag comment ka at ang nakalagay ay umamin ka na crush mo siya, halos gumuho ang mundo ko.

Tinanong kita kung totoo ba na may gusto ka sa kanya, sabi mo pinagtitripan mo lang sya dahil ang gusto mo talaga ay.. Ako.

Hindi matanggal ang ngiti sa mga labi ko. Sinigurado kong tama ba ang sinabi mo, ang sagot mo naman ay oo.

So its official? Crush natin isa't isa.

After that day mas naging mas close pa tayo, panget ang tawagan natin kaya lagi tayong nag aasaran kung sinong mas panget.

Ewan ko ba kung kelan nangyari na mahal na kita, basta na lang pag gising ko ramdam ko na na special ka sakin. Nag papalitan tayo ng ILY's.

Nakakatawang isipin na nainlove ako sayo ng ganun lang, maybe maraming hindi maniniwala na love tong nararamdaman natin dahil sa chat/text lang nag simula at hindi pa naman nagkikita ng personal, pero kahit ano pang isipin nila ang mahalaga naman ay yung nararamdaman natin para sa isa't isa. Tatagal ba naman tayo ng 2 years kung hindi pa love to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving Mr.riousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon