Chapter 2

3 0 0
                                    

JACK.

PHILIPPINES

Ang sarap sa pakiramdam. Its good to be here again. Kahit pumunta ko sa ibang bansa, iba pa din talaga kapag dito ka nagmula. Nyahahaha. Makata.

"Sir Jack, sumunod po kayo saakin."

Sinundan ko ang Butler namin. Inalalayan niya ko kung nasaan ang sasakyan. Agad akong sumakay dahil pagod ako sa byahe at gusto ko munang magpahinga.

Habang nasa byahe, tinititigan ko lahat nang detalye sa lugar na madadaanan ng kotse.

"Ang dami na palang nagbago.." sambit ko.

Pero yung nararamdaman ko para sa kanya, di parin nagbabago.

2 years ago..

Kinulit ko nang maaga si Tristan dahil gusto ko isurprise si Jam. Nililigawan ko kase siya. And im proud of it kase pinayagan niya kong manligaw.

"Ano ba Jack? Ang aga aga naman nito ehh!" Reklamo ni Tristan habang humihikab pa. Dala dala niya ang guitara para sa panghaharana ko kay Jam.

Nandito na kase kami sa school ng 5:30 pero ang time pa nang klase eh 7:00.

Balak kong haranahin si Jam bago man lang siya pumasok sa klase nila.

Sobrang kaba at excitement ang nararamdaman ko. Kaba dahil baka di niya magustuhan. Excitement dahil makikita ko siya ngayung umaga.

Pinraktis naming mabuti ni Tristan yung kakantahin ko para kay Jam. Sana magustuhan niya to.

"Alam mo Jack? Dapat di ako ang tinawag mo para dito sa kagaguhan mo. Imbes na mahaba-haba pa sana hinahagok ko ngayon, napurnada dahil sayo." Pagmamaktol niya.

"Nako Tristan. Kapag naharana ko na si Jam ngayung umaga ililibre kita nang kahit anong pagkain na gusto mo. Lalo na pag nginitian pa ko ni Jam, may bonus ka pa." Ngingiti ngiti kong sabi kay Tristan.

"Hahahaha. Sabi mo yan ah! Oh. Ayan na pala si Jam eh."

Bumilis tibok ng puso ko nung nakita ko si Jam. Di ako makakilos. Kasama niya ang mga kaibigan niyang naglalakad ngayun.

"Oy Jam. Pakopya naman ng Assignment natin sa Math"

"Ayoko nga!"

"Minsan lang naman eh."

Napatingin sa direksyon ko si Jam. Halos lumundag ang puso ko kase nakuha ko ang atensyon niya.

"Goodmorning Jack! Ang aga mo ah. Ano meron?" Tanong sakin ni Bea.

"Uyyy si Jam! Haharanahin ni Jaaack." Pang aasar pa ni Fe.

At nagtawanan sila.

"Oy Jack, ngangabells kana lang ba dyan?" Tapik sakin ni Tristan habang ako nakatulala.

Haayy. Ang ganda talaga ni Jam.

"Jack?"

Napabalik ako sa realidad nang tawagin ako ni Jam.

Shit. Nakakahiya!

"A-ahh, Jam. Pede ko bang hingin yung atensyon mo kahit saglit lang?

Agad siya tumango saakin.

Inumpisahan ni Tristan ang pag-strum.

Well, you done done me and you bet I felt it
I tried to be chill but you're so hot that I melted
I felt right through the cracks
Now I'm trying to get back

Before the cool dawn run out
I'll be giving it my bestest
And nothing's gonna stop me but divine intervention
I reckon, its again my turn
To win some or learn some.

But I won't hesitate
No more, no more.
It cannot wait, Im yours.

"Ayieeee~"

Nakita kong namula si Jam. At di siya makatingin ng diretso saakin.

"Nagustuhan mo ba Jam?" Nakangiti kong sabi sa kanya kahit di siya makatingin saakin.

"A-ahh oo maganda Jack. A-ahh uuna na kami. May pasok pa eh atska anong oras na oh. Baka ma-late tayo pare-pareho." Nagmamadali niyang sabi habang hila-hila si Bea at Fe.

Agad agad silang umalis sa harap ko. Sinundan ko na lamang ng tingin si Jam habang papasok sa room nila.

Bigla siyang napahinto at nagbalik nang tingin. Sa akin.

Saglit niya kong tinitigan, unti-unti siyang ngumiti habang namumula ang mga pisngi niya. Tska agad din siyang nagdali-daling pumasok sa loob ng klasrum nila.

"Shet Tris! Nakita mo ba yun? Nginitian ako ni Jaaaam. Whooo!"

"Huh? Saan? Di ko nakita. Sayang naman.."

"Hahaha tara na Tris! Ililibre kita nang kahit anong gusto mo. Gusto mo nang nilaga diba? Lahat ituro mo, ako lahat bahala." Nakangiti kong sabi sa kanya.

KismetWhere stories live. Discover now