JAM.
"Dito po ang sakayan ng jeep!" Sigaw nung lalaki.
Ang ingay. Grabe. Dumadami na ang tao. Busy ang lahat. Lahat may ginagawa.
4:30 palang nang umaga pero ganito na. What if kung mga 7:00 nang umaga na?
Papasok ako ngayun. Kelangan kong agahan ang alis ko dahil 6:00 ang start nang klase namin. Ang aga nga nito kung tutuusin. Pero ayos na din kase di ako makikipagsabayan sa madaming tao kapag tanghali na.
After few minutes nakita ko na kung saan ako bababa.
Agad kong pinara ang jeep para huminto ito.
Hindi ko naman inaasahang ako lang ang bababa. Kaya pagtayo ko, nagkatamaan kami nang ulo nung katapat kong tao na bababa din pala.
Dafaq.
Ang sakit ah.
"Awww. Sorry miss! Nasaktan kaba?"
Ayy. Pota. Nagtanong pa. Halata naman eh.
Hindi na lang ako nagsalita at ako na mismo ang naunang bumaba ng jeep.
MALAS!
Ang aga-aga badtrip kana? Haysows ginoo.
"Miss! Sorry.." Nakita kong sinabayan niya ko sa paglalakad.
Di ko siya pinansin. Nauna akong maglakad papasok ng school.
Aba. Aba. Nakita kong nakasunod siya sa likod ko.
"Goodmorning po!" Bati niya sa guard.
Ahh. So dito din siya nag aaral? Ha. Ha. Coincidence?
Nilagpasan ko siya at dumiretso na lang.
Saglit ko munang tinitigan ang hagdan. Damn. 4th floor pa hahakbangin ko!
Haay nako.
Bakit kase hindi nag-establish ng elevator dito diba?
Nakakapagod din kayang umakyat sa mataas tapos sa huli, lalagpak ka lang din naman.
4th floor
Humahangos akong napaupo sa bench na malapit sa hagdan dahil sa tindi nang pinagdaanan ko sa paghakbang.
Grave. Kalbaryo be like.
Okey.. Ako palang ang tao dito? Nice one.
Pinuntahan ko yung isang room na bukas na yung ilaw, which is, room ko.
Oh? May tao nasa loob pero di ko matanaw.
Binuksan ko yung pinto. Nakita ko yung lalaking nakabungguan ko nang ulo kanina. Nakaupo siya sa sulok habang nagkukutingting nang cellphone niya.
Di niya ko pinansin. Umupo din ako sa upuan ko.
"JAM!"
Nakita ko si Bea na papalapit sa inuupuan ko. "Bakit di mo manlang ako inintay? Haay nako. Lagi mo nalang akong iniiwan." Lintanya niya
Huh?
"Hoy ikaw na bruha ka. Bumalik na raw si Jack. Di mo man lang sinasabi saken? At kelan mo pa balak sabihin? Aber." Pagtataray niya habang inaayos ang buhok niya.
Oh my.
Bumalik na si JACK!?
Ohmygosh. Disaster.
"Teka Bea? Ano yung mga pinagsasasabi mong iniwan kita, eh halos tinadtad kita nang text paggising ko para ipaalala sayo na sabay tayo papasok tapos ikaw pa may ganang magalit ngayon?"
"Huh? Nagtetext kana pala ngayun? Bat di ko man lang nalaman? Hahaha."
"Gaga!"
As far as I know, wala na talaga akong balita kay Jack simula nung pinakawalan ko siya. Simula nung ni-let go ko siya. At di ko na rin binalak na alamin pa kung saan siya nagpunta noon at di ko din alam kung bakit pa siya bumalik ngayon. Masasaktan lang kase ako kapag nalaman kong naipagpalit niya na ko. Pero umaasa pa din naman ako hanggang ngayun.
Hayss. Buhay nga naman.
Ang hirap magpretend na wala lang siya. Ang hirap itago nung nararamdaman mo. Gusto kong ibalik yung dating kami. Mahal ko pa din siya eh. Gusto kong baguhin yung kinabukasan. Baka sakaling mahalin niya pa uli ako.
YOU ARE READING
Kismet
عاطفيةKismet - a power that is believed to control what happens in the future