Chapter 3

1 0 0
                                    

JAM.

Tapos na ang klase ko ngayung araw. Balak ko nang umuwi. Nakakapagod ang pag-aaral. Grabe.

"Bea, sabay na tayo uwi?"

"Tara!"

"Aba. Himala. Wala kabang lakad ngayun? Di mo ko tinanggihan ah. Madalas, lagi mo kong iniisnob eh."

"Hoy Jam. Grabe ka saakin. Na-hurt feelings ko. Di naman kita ginanoon kahit minsan" pagdadrama niya.

"BEA!" sigaw ni Fe.

"Oh Fe? Buhay ka pa pala! Hahaha!"

Gaga talaga tong si Bea eh. Sabihan ba naman nang buhay ka pa pala eh, malamang naman talagang buhay pa yan eh oh!

"Oo naman Bea. Beh, di mo ba ko na-miss. Nagleave lang ako ng ilang araw eh, ganyan kana." Sabi ni Fe sabay hampas kay Bea.

Gaga din tong si Fe eh. Nagleave daw, eh isang linggo palang simula nung pasukan, nagleave na agad? Ayy jusmiyo. Mabuting bata.

"Oh ano Bea, Bar tayo! Tagal nating nawalan ng bonding eh. Si Jam, di naman sasama yan kahit ayain natin. Killjoy kase!" Sabay belat sakin ni Fe.

"HAHAHA. Sige Fe. Tara na. Oh pano Jam? Una na kami. Di na pala ko sayo sasabay pauwi kase di pa talaga ko uuwi!" Sabay hagalpak nila ng tawa.

"Yan yung tinatawag na pang-i-snob!" Sigaw ko sa kanila. Kasasabi lang niya na di niya raw ako ini-snob, samantalang ayan ginawa niya na. Haays.

Nagwalk-out ako sa harap nila at iniwan sila dun nang tawa nang tawa. Uuwi na lang ako.

---

JACK.

"JACK! BUHAY KA PA PALA! HAHAHA!" bati sakin ni Tristan.

Kadarating ko lang sa Resthouse naming magbabarkada. Di ko ine-expect na ganyan parin sila.

Ang gulo. Ang kalat. Grabe lang. Resthouse paba to? Parang di ako makakapag-rest sa mga nakikita ko!

"Jack! Long time no see!" sabi naman ni Zach sabay tapik sa balikat ko.

Umupo ako sa sopa habang tinititigan yung mga bagay-bagay sa loob ng bahay.

"Kung bubusisiin mo o kahit isa isahin mo pa yan Jack, walang nagbago. Walang nagbago dito. Ikaw lang naman yung palaging nawawala." Sabi ni Blue.

Sabagay. Tama naman siya.

"So? How are you now bigboy!" sakmal sakin ni Jeth.

"A-aray! Tangina. Bumitaw ka nga. Okey lang ako. Hayup~" sigaw ko sa kanya.

"Ayos pre. Ganyan ka padin. Hahaha. Walang pagbabago!" Sabi niya sabay bato sakin ng throw pillow. Na sinundan pa nila Tristan, Zach at Blue.

"WELCOME BACK BRO!" sigaw nila.

Hahaha.

---

JAM.

Pag uwi ko, nakita ko si Mama. Binati niya ko atska nginitian. Sinabihan niya na magpalit agad ako kase may pupuntahan kami.

Agad akong umakyat sa taas ng kwarto para makapagpalit ng damit.

Heart-shaped necklace.

Nakita ko na naman yung box nang necklace na ibinigay saakin ni Jack noon. Bigla ko na naman siyang naalala. Bumabalik-balik padin yung mga pangyayari sa ala-ala ko. Kung pano ko siya hinayaan na makawala at kung paano ko siya pinakawalan.

Sobrang nagsisisi ako dahil doon. Ang dami kong regrets. Gusto ko siyang balikan. Gusto kong ibalik yung dati. Kung pano niya ko minahal. Kung pano niya ko inalagaan at pinahalagahan.

As for now, gusto ko munang hanapin yung mga kasagutan sa mga katanungan niya noon.

KismetWhere stories live. Discover now