Andito ako ngayon sa isang bench sa school. Ewan ko feeling ko kasi, sobrang nakaka-relax ako dito sa place kung nasaan talaga ako.
And speaking of nakaka-relax.
Naalala ko nanaman yung Lesson naming kanina about sa mga Greek Gods and Goddesses. Tapos bigla ko na lang naisip kung anong ipapangalan ko sa baby ko in the future. Hehehe advance mag-isip. Wala lang, parang ang sarap lang kasing mag-isip ng pangalan. But I'm not planning to have a child ha! I'm still in school. Graduating na.
Pero instead na sa papel ko isulat yung name, sa CHALK ko nilagay yung pangalan. Hobby ko na din kasi ang pagsusulat sa chalk eh. Sabi nga ng mga friends ko para daw akong shunga eh andami namang klaseng papel sa mundo bat sa chalk pa. Kung ano pa ang pinangsusulat, yun pa ang pinag-susulatan ko. Medyo weird but I like it that way.
B-L-A-K-E
Yan ang naisip kong pangalan niya. Parang kasi unisex yung name. Puwede sa girl or sa boy. Ang Cute lang.. I love it.
Tinitigan ko ng matagal yung name na ginawa ko. Talagang gustong gusto ko yung name. kaloka
*****KRIIIIIIIIING*****
OH EM !! kailangan ko na palang umalis sa kinauupuan ko, may quiz pa man din kami ngayon sa English naming. Shocks di pa ako naka-review!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Third person's POV
Hindi namalayan nung babae na naiwan niya pala yung chalk sa bench.
Blake's POV
Ang hirap talaga ng mahal na mahal mo yung kaisa-isa mong kapatid nab babae. Kung ano gusto yun ang masusunod. Hay ! so nandito ako ngayon sa school niya kasi ewan gusto niya na ako mag-sundo sa kanya dahil daw marami siyang gusto at madami daw akong dapat ikwento sa kanya about sa trip ko in the US.
Fresh Graduate kasi ako ng Architecture though we have business all about construction so, parang someday taga manage ako ng family business namin.
As I go around para maghanap ng place kung saan ako puwedeng tumambay, tinext ko muna si Tiffany(yung kapatid ko)
Andito na ako sa school mo I think I'll sit on a bench under a tree maybe few meters away from a building. I'll wait yah princess
-KuyaPrinceBlake
Nung na-send ko na yung message sa kapatid ko, agad naman akong umupo sa pinakamalapit na bench or should I say pinaka unang upuan.
As I sit, nakakita ako ng chalk.
I wonder kung bakit andito ang chalk na to eh dapat sa mga room lang naka-lagay or somewhere but not on the bench. I remember kung gaano ako pianhirapan ng chalk na ito. Sa mga lesson na napaka-hirap, mga recitations, jusko may phobia na ata ako sa mga chalk eh. Pero thank God naka-tapos din ako ng pag-aaral.
Pero, narealize ko na hindi siya ordinary chalk kasi,
It has my Name on it.
I don't know but ummmm is someone having a crush on me in this school?
No, no, no! That's Impossible! Hindi naman ako grumaduate dito sa school na to.
**************KRIIIIIIIIIIIIIIIIING************
Sa kalagitnaan na pag-iisip ko, bigla na-ring yung bell. Hudyat na uwian na ng mga estudyante.
I was waiting for the familiar face that I've been waiting for 3 months.
And then I saw her, I saw her walking towards me....
"KUYAAAAAAAAAAAAA" sa sobrang di na niya mapigilan eh tumakbo na siya papalapit sa akin.