june 13, 2010
Pumasok ako sa school medyo maaga para makaupo kaagad sa pwesto na gusto ko sa second row sa gitna as in talagang gitna ang reason kung bakit umupo ako sa gitna ay dahil doon nakaupo ang mga matatalino at mababait sa ibang school alam ko na ang matatalino ay nakaupo sa 1st row kadalasan pero sa amin sa gitna ewan ko ba basta diskarte ko na lang yun tsaka di ka papalipatin pa mga ilang oras lang dumating na ang ibang kong kaklase yung iba lumipat at yung iba naman ay nandoon pa rin sa kanilang upuan kahapon hanggang sa dumating ang aming adviser ang lupit ng bungad sinabi niya na ganito "OKAY CLASS IARRANGE NA NATIN ANG PROPER SEAT NINYO!! talagang malakas ang pagkakasibi hindi ba naman nahiya sa katabing room.
Gaya nga ng hula ko pinalipat ang matatalino sa 1st at 2nd row Yess!!! ang mas maganda pa dun ay.... merong mga babae na pinalipat sa 2nd row ayos yess!!! pero di ako pervert at ang astig doon ay di ako pinalipat. Pero sandali may bakanteng upuan sa tabi ko di ko alam kung bakit pero walang pinapalipat dun. hanggang sa..... dumating ang isang transferee. Ang gandaaaaaaaaaaaaaaa talaga niyaaaaa :D
Hanggang sa nagsalita si Mam V.
Mam V. - Okay class silence ito nga pala ang ating bagong transferee student
Mam V. - Si Marie tama ba?
Marie - Opo mam
Mam V. - ano ang full name?
Marie - Marie annabelle clara ciñeroz
Mam V. - okay Marie you can seat now sa tabi ni Jean
umupo na si marie sa tabi ni jean
Ang swerte ko naman :D thank you mam kahit napaka sungit ninyo may mabuti na rin po kayong nagawa sa akin.
Medyo tahimik si marie siguro dahil bago pa lang siya meron na kaagad sa knayang lumapit na mga babae na gustong makipagkaibigan. at napapansin ko sa paligid na may mga lalake na rin na pinaguusapan siya siguro sa tingin ko crush ko na siya.
Anyway pinagawan kami ng first quiz namin sa history medyo umalis ako sa upuan ko bago mag quiz doon ako sa pinaka unahan kasi nandoon yung pinakamatalino naniniwala ako sa teorya ko na ang matatalino ay palanging nakaupo sa pinakaunahan na upuan 1st row kumbaga kung di kayo naniniwala sa akin puntahan niyo school ko maniniwala kayo sa akin.
At yun i got aced sa quiz medyo mataas ang nakuha ko dahil sa tulong ng matalino kong kaklase na si christian roy arelyano oo nga pala may isa pa akong teorya ang lahat ng may apelyidong nagsisimula sa letter a,b,c ay matatalino pero teorya lang yun pero sa akin totoo kayo na bahala kung maniniwala kayo sa akin.
BINABASA MO ANG
The Teenager Diaries
RomanceSundan ang makapanindig balahibong kwento ni jean bago siya maging isang dakila. Hindi ito diary okay isa itong history book ng buhay ko okay!!!! -Jean Minsan gust...