Pity for the Nerd Kid

31.9K 486 62
                                    

Hello guys Chapter Two of May Itsura is here naiwan natin si Alex na ang tanging tumatakbo sa isip ay ang mga katagang "May Itsura ka naman eh." mula kay Ruke

Picture of Slater De la Cruz on the right=====>>>>>

Song is Feeling Sorry by Paramore

==================================================================================

CHAPTER TWO

Slater's Point of View

Kanina ko pa napapansin ang isang binata na nakacheckered na long sleeve few table away from us, seems like he's waiting for someone.

Finally a cute Chinito guy came and from the looks of the guy he seems disappointed sa nakitang itsura nang kasama nito.

Hindi ko alam kung bakit parang nacurious ako sa dalawa lalong lalo na sa lalaking nakacheckered, weary a really big eyeglasses.

Somehow that kid looks familiar, pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita, naputol at pag-iisip ko nang makitang tumayo na ang chinito guy at mukhang iiwanan na ang binata.

Sa hindi ko malaman kadahilanan ay nakaramdam ako ng awa sa naiwang binata, and saw the other guy making his way to our spot.

Nakita ko kung paano ito tumingin sa akin all smile on his face, lumapit ito sa kasama naming na si Luigi, seems those two know each other.

Kaya lang naman ako nasama sa grupo ng mga ito ay nagpasama ang kaibigan kong si Rain dahil kasali ito sa naturang clan.

"Rain I'm bored puwede na ba akong umalis?" bulong ko sa kaibigan ko na busy sa pakikipag harutan sa isa sa mga member.

"Ano ba naman Slater huwag ka ngang kill joy enjoy ka lang ang daming kanina pa nagpapa cute sayo bakit hindi ka makipag kilala." he said.

Well kanina ko pa naman napapansin na halos lahat ng member ng clan na ito ay nagpapapansin sa akin ngunit wala naman akong paki.

Hindi naman sa pagmamayabang kasi naman lahat ng nakakakita at nakakakilala sa akin ay sinasabing sobrang guwapo ko, at magaling akong pumorma.

Sa height na five nine at sa itsura kong pang boy next door ay nagiging headturner ako ay kahit saan ako pumunta ay never nag fail na maging center of attention ako, pero kahit ganoon ay hindi naman ako ang tipong playboy.

I'm what you call bisexual kasi na aattract ako sa parehong sexes and I'm cool with it since hindi ko naman kasalanan kung maattract ako sa same sex.

"Hi puwedeng tumabi?" nagulat na lang ako nang biglang magtanong ang chinito guy na kasama ng nerd guy kani kanila lang.

"Ah sure." I said giving him my sweet smile and I literarily saw heart shaped in his eyes.

Sandali din kaming nagkakuwentuhan and my verdict is hindi ko gusto ang ganitong tao he is so full of himself, parang may bagyong dumadating kapag bumabanat na ito.

"Alam mo ba madaming nagkakagusto sa akin pero parang wala akong nagugustuhan until now ata." he said clearly flirting with me but I'm not buying.

"Siguro suwerte ako ngayong...." he said but I cut him short since hindi ko na kaya ang hangin sa loob ng mall.

"By the way sino iyong kasama mo kanina?" bigla kong tanong dito, na nagpatigil s pagbubuhat nito nang sariling bangko.

"Sinong kasama... ah si Alex iyon kaclan ko sa GGWC we decided to meet pero hindi ko siya gusto kaya ayun." ang natatawa nitong sabi.

Nakaramdam naman ako nang pagka awa para sa lalaking iyon, dahil kanina ko pa siya napapansin at nakita kong excited na excited siya kanina pa.

"Iyon na nga sinabi ko na sa kanya iyong totoo na hindi ko siya gusto, kaya ayun nalungkot pero alangan naman na paasahin ko siya diba...." he said and I had enough.

"San ka pupunta?" nagtatakang tanong nito sa akin, kita ko ang pagtataka sa mukha nito.

"Ah sorry kailangan ko kasing bumili ng jacket." ang nasabi ko na lang.

"Jacket? bakit may sakit ka ba gusto mo samahan na kita." pagpipilit nito clearly not getting what I mean.

"No it's ok kaya ko na tong mag isa." I said ngunit naging mapilit pa din ang hari ng bagyo nang akma na akong aalis.

"Hindi mo man lang ba kukuhanin ang cellphone number ko?" he said, still being persistent.

"You know what Ruke, your conceited, your full of yourself and you think your heavens gift to all gays and bisexual in the world but your nothing but a self centered asshole." galit kong sinabi dito, because one thing that I hated most is people who looked down on others.

"Sige Rain una na ako baka lagnatin pa ako sa lakas ng hangin dito." I said, naiwan kong tulala ang naturang binata.

Serve him right thinking na maiimpress ako sa mga pinagsasabi niya, inis ko pa ding sinabi sa sarili ko.

Habang papalayo ay naririnig ko pa ang pambubuska ng mga clanmate nito and I don't care kung magalit pa sa akin si Rain sa pinakita ko sa clan mate nila.

Lumabas na ako ng mall dahil sa sobrang inis ko, iniisip ko kung uuwi na ba ako o hindi since medyo maaga pa naman.

Nagdecide na lang ako na dumiretso sa Megamall para doon na lang gumala, sa paglalakad ko ay nahagip ng mata ko ang isang binata na nakasuot ng checkered na long sleeve na pasakay ng bus papuntang Monumento.

Sa tapat ito nang bintana sumakay kaya nakita ko pa kung paano nito punasan ang tumulong luha sa mga mata nito.

Bigla na naman akong nakaramdaman kurot sa puso pagkakita ko sa nangyari dito.

Lalo tuloy akong na naasar kay Ruke at naawa kay Alex sa nangyari.

Hanggang sa Megamall ay hindi pa din maalis alis sa isipan ko ang binatang si Alex, and it confuses me kung bakit parang gusto kong tulungan ang binata, pero alam kong mlabo na iyon dahil unang una hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung paano ko siya makikilala.

Habang naglalaro ako sa Timezone ay napansin ko na naman ang grupo ng mga lalaki na kanina pa nakatingin sa akin.

"Here we go again." ang sabi ko sa sarili habang umiikot ang mata ko sa langit.

"Hi do you want to join us?" tanong nang isa sa mga ito at dahil wala naman akong plano talaga ay pumayag na akong sumama sa mga ito.

Nag aya ang grupo na pumunta sa isang bar bandang Malate at kahit paano ay naenjoy ko naman ang company nila at isa sa mga dito na mukhang may lahing amerikano ang nagpakita ng interest sa akin at since mukha naming mabait ito ay hinayaan ko lang itong makipaglapit sa akin.

Habang nakatingin ako dito ay hindi ko maiwasan maalala si Alex with his teary eyed look.

"Do you want to dance?" aya ko kay Alex, sakto pang kapangalan nito ang binata kanina.

Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa binata ngunit hindi pa din mawala wala sa isip ko ang Nerd na si Alex.

Hanggang makauwi ako ay siya pa din ang nasa isip ko at hindi ko maiwasang isipin na nakita ko na siya sa kung saan.

Bago kami umuwi ay inaya pa ako ni Alex na kasama ko kung gusto ko ba daw pumunta sa mas pribadong lugar but that's not how I roll kaya I declined his invitation at ngayon nga ay nasa bahay na ako ng mga ala una nang madaling araw.

"Mabuti naman at nakauwi ka na." salubong sa akin ng pinakamamahal kong ina.

"Sorry na Ma alam mo naman nag eenjoy lang ako bago magpasukan ulit at alam niyo naman na responsible itong anak niyo." biro ko dito at nakita ko na din na nangiti ito.

Totoo naman kasi dahil alam ko kung ano ang dapat sa hindi at sa school nga ay Dean Lister ako kaya walang binabayaran sila Mommy sa school kaya ang pang tuition fee ko dapat ay nagiging allowance ko maliban pa sa monthly allowance na binibigay ng mga magulang ko.

Kaming dalawa lang ni Mommy ang magkasama sa bahay dahil ang Daddy ko ay nasa ibang bansa, Engineer siya sa Dubai at minsanan lang sa dalawang taong kung umuwi siya ngunit naiintindihan ko naman dahil para na din sa pamilya namin ito.

"Oh siya matulog ka na nga, maligo ka muna bago ka matulog ah." sigaw na pahabol nito sa akin.

Dumiretso na ako sa kuwarto ang plano kong paliligo ay nalimutan na dahil sa sobrang pagod at antok ko.

May Itsura (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon