Is There Something Wrong With Me?

24.7K 422 33
                                    

Hi guys just got home from SM Megamall pinanood ko Thor and masasabi ko ok lang heheh at since rd ko pa bukas update na ako sa story na to hehe

Picture of Alexander Villanueva on the right======>>>>

Song is Look In The Mirror by Whiz Khalifa

==================================================================================

CHAPTER FOUR

Alex's Point of View

"Ano bang mali sa akin?" ang kanina ko pa tinatanong kay Slater ngunit ang lagi lang naman nitong sagot ay later.

Naglakad lang kami papuntang Jollibee since malapit lang naman ito sa school namin.

"Now what? Tell me is there something wrong with me?" tanong ko ulit dito, nakita ko pang huminga muna ito nang malamin bago magsimulang magsalita.

"I don't know where to start and how to begin with." seryoso nitong sinabi halata sa kinikilos nito na nag aalangan ito.

Hindi ko tuloy mapigilan mapatingin sa salamin sa bandang lababo ng store and quite frankly wala naman akong nakikitang mali sa sarili.

"Why don't you start by answering my question, may mali ba sa akin?" piling ko ilang daan beses ko nang natanong iyon ngunit hindi pa din nito masagot, eh oo o hindi lang naman eh.

"Ok to answer your question, oo meron at madami." he said at nagtaka pa ako dahil nga wala akong nakikitang masama sa sarili ko.

"Anong problema sa akin?" maang kong tanong dito.

Humugot muna ito nang malalim na hininga bago nagpatuloy magsalita.

"Ok let's start." he said at inisa isa na nga nito ang lahat ng tingin niya ay mali sa akin.

1. Huling kita ko sayo suot mo yung long sleeve sa lolo mo ba yan kasi naman masyadong outdated ang design.

2. Hindi na nga maganda ang design ng long sleeve mo nagawa mo pang isarado hanggang sa pinakadulong butones, I mean hindi ka ba nasasakal? Pati school uniform sarado hanggang dulo.

3. Iyang pantalon mo masyadong fit hindi bagay sa size nang binti mo dapat siguro sayo ay semi fit lang.

4. Yang salamin mo sobrang nerd naman ng itsura masyadong malaki eh ang liit nang mukha, nagmumukha ka tuloy bumblebee.

5. Yang gel mo sa ulo mukhang pamada pa din ng lolo mo ang ginamit mo hindi ka pa nakuntento plansadong plansado masyado ang buhok mo konting design din naman dyan.

Dirediretso nitong sinabi at bahagya pa itong humihingal dahil sa sunod sunod na sinabi nito.

Nakatingin lang ako dito at napamaang sa mga sinabi nito dahil for me it doesn't make sense.

"Galit ka?" parang nakakalokong tanong nito at parang gusto kong batukan ito sa huling sinabi nito.

"Well siguro hindi ko alam eh pero ako naman ang sasagot." I said at ginaya ko ang ginawa nitong paghugot ng hiningi bago ako sumagot.

"Excuse me ang mga damit ko lahat ay bago hindi hand me down ni Lolo, second conservative ang parents ko kaya ayaw nilang may nakikita kahit kaunting balat, pangatlo itong pantalon ko kahit ganito ito ay kumportable naman, pang apat malabo kasi ang mata ko kaya kailangan kong magsalamin, at pang lima hindi kaya pamada yan gel yan." dire diretso kong sinabi din dito and juding from his reaction ay na amuse lang sa akin ang loko.

"Wow hanga din ako sa confidence mo tsong, about sa long sleeve mo siguro puwede naman kaso masyadong loose tapos saradong sarado, kung gusto mong maka attract you need to show a little bit skin, I;m not saying na kailangan nakaunbotton lahat ng butones iyong unang butones lang puwede na, sa pantalon mo naman semit fit puwede na I guarantee you na mas kumportable iyon kesa sa mga sinusuot mo, yang salamin mo hindi mo naman kailangan magsuot ng ganyang kalaking salamit puwede namang mas maliit na bagay sa frame ng mukha mo or better yet gumamit ka na lang ng contact lense at panghuli, gel seriously? what are you high school, hello college na po tayo ang dapat na ginagamit mo na ay wax at bagay lang sa bata ang parang dinilian ng kalabaw sa tigas mas bagay na sa atin ang konting wavy look." tuloy tuloy nitong sinabi.

"No ayokong magbago dahil wala naman akong makitang mali sa sarili ko." inis kong sinabi dito.

"Look kung walang mali sayo bakit hindi ka nagustuhan ni Ruke?" tanong nito sa akin at para naman akong nasapul sa tanong nito.

"Maybe iba lang talaga ang gusto niya." I said still not accepting his explanation.

"Ano bang look at tingin mong meron ka?" tanong nito habang sabunot ang buhok.

"I'm on a hot nerd type of guy." I said, confidence in my voice ngunit nakita ko ang pag-iling nito.

"Alex nakikita mo ba ang lalaking iyon." he said sabay turo sa kabilang table sa right side namin.

Nakita ko ang isang guwapong lalaki na may kasamang babae na marahil ay girlfriend niya.

The guy also wear an eyeglass ngunit kumpara sa akin ay mas maliit ito kaya bumabagay sa pangahan nitong mukha.

"Oo nakikita ko." mahina kong sinabi dito.

"See that guys is a hot nerd type of guy but you on the other hand is just a nerd period." he said. diniin talaga nito ang salitang just a nerd may period pa.

At dahil stubborn ako ay hindi ako pumayag sa gusto nito kahit patuloy ito sa pangungulit sa akin at dahil para sa akin walang mali sa itsura ko.

Sabay na kaming bumalik sa school matapos ang one hour lunch break namin at dahil kaklase ko pa siya hanggang sa dalawang klase ay patuloy pa din ito sa pangungulit sa akin.

"Sige na pumayag ka na, kailangan mo nang tulong ko accept the fact na nerd ka at kailangan mo nang makeover and promise walang bayad." mahinang bulong sa akin ni Slater.

"For the last time Slater sinabi ko nang ayoko!" I said hindi ko napansin na napalakas pala ang boses ko habang sinasabi ang bagay na iyon.

"Yes Mr. Villanueva is there anything wrong?" tanong sa amin ng Professor namin na hindi ko pala namalayan na nakalapit na sa akin.

"Wala po Ma'am." I said at pilit tinatakpan ang namumula kong mukha habang nakikita kong pigil na pigil ni Slater ang pagtawa nito sa nangyari sa akin.

Matapos ang insidenteng iyon ay pinilit kong hindi pansinin ang binata na kahit anong sabihin ay hindi ko pinapansin.

"Huwag kang sasagot Alex mapapagod din yan." bulong ko sa sarili at iyon nga ang ginawa ko hanggang sa sumunod namin na subject kung saan magkaklase kami.

Finally dumating na ang last subject namin for today at sa huling subject na ito ay hindi ko kaklase ang makulit na si Slater De la Cruz kaya bahagya akong nakahingan ng maluwang.

Finally tumunog ang bell at uwian na, dali dali kong sinimsim ang mga gamit ko sa bag at dumiretso na palabas ng classroom.

Habang papalakad papuntang exit ng campus ay hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa nakangising si Slater.

"Oh ano papayag ka na ba?" muling tanong nito at kinailangan kong magbilang nang hanggang sampu upang hindi ko ito masigawan.

"Sinabi ko nang ayoko. A.Y.O.K.O." I said inispell ko pa ang salitang ayoko.

"Sige na it's for your own good para makuha mo na din ang man of your dreams." pagpipilit pa din nito sa akin.

"How long are you planning on keeping this up?" tanong ko dito, nararamdamam kong malapit nang maubos ang pasensya ko dito, hindi lang pala saksakan ng guwapo ang taong ito kung hindi saksakan din ng kulit.

"Hanggang mapapayag kita, maybe we can settle it with a bet." he said and it got my attention, anything para matigil na ito.

"Ok shoot." I said willing to listen sa sasabihin nito.

"Kapag may napasagot kang isang tao kahit babae o lalaki at magustuhan ka nila kahit ganyan ang itsura mo ay pinapangako kong titigil na ako ngunit kapag wala ka naman napa oo sa loob ng isang linggo ay papayag ka na sa gusto." he said and I can hear a challenge in his voice.

Since wala na akong magagawa ay pumayag na ako sa gusto nito.

"Ihanda mo na ang sarili mong matalo Slater." banta ko dito ngunit hindi napapalis ang ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa akin.

"That would be the day." ang sinabi nito and we closed our deal with a handshake.

"Ganito ba kahirap makapagpasagot ng isang tao......... right?"

May Itsura (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon