Pustahan sa Isang Linggo

25.7K 393 68
                                    

Hi guys I know matagal bago ako nakapag update pagpasensiyahan niyo na po sumabay ang kailangan ayusin sa work.

Here is the Chapter 5 of May Itsura simulan na ang pustahan sa loob ng isang linggo hehee

Picture of Alexander Villanueva on the right=====>>>>>

Song is Pustahan by Michael V

==================================================================================

CHAPTER FIVE

Alexander's Point of View

"Anong akala nang Slater na iyon hindi ako makakahanap nang taong magkakagusto sa akin, nagkakamali siya, walang problema sa akin at wala akong babaguhin sa sarili ko." I said habang naglalakad pauwi sa amin finally natapos na din ang klase namin at finally pumayag ako sa pustahan na hinamon sa akin ng binata at dahil pumayag ako ay pumayag din ito sa kundisyon na hinihingi ko na hinding hindi niya ako guguluhin sa loob ng isang linggo.

At sa loob nga ng Linggo na iyon at hindi niya ako ginulo hanggang mag Friday at walang pasok bukas hanggang Linggo.

Saktong dumaan ako sa isang tindahan at napatigil ako at napatingin sa isang malaking salamin na nasa tindahan.

"May mali ba talaga ang itsura ko?" bigla kong tanong sa sarili ko hindi ko namalayan na medyo napalakas ang salita ko.

"Oo may mali kasi nakaharang ka sa tindahan namin." inis na sabi ng isang babae na marahil ay disi sais anyos ang edad at halatang galing probinsya dahil sa punto nito.

"Ay sorry." hingi ko nang pa umanhin at dali dali akong umalis sa naturang lugar.

Dahil malapit lang naman ang sa amin ay naglakad na lang ako pauwi, patuloy na nasa isip ang mga sinabing bagay ni Slater kanina sa Jollibee.

"Hi anak!" bati sa akin ng aking pinakamamahal na Mom, alam nito ang tungkol sa preference ko at suportado naman ako nito ngunit conservative pa din ito.

"Hi Mommy." ang sabi ko sabay halik sa pisngi nito, dalawa na lang kaming magkasama sa buhay dahil maaga kaming iniwan ni Daddy.

"Hintay ka na lang malapit nang maluto tong ulam natin, how was school?" tanong nito na patuloy sa paghalo sa nilulutong adobong baboy.

"Ok naman, kaya lang...." I said ngunit hindi ko alam kung paano itatanong sa Mom ko kung anong tingin ba nito sa akin.

Marahil ay naramdaman nito na may pinagdadaanan ako kaya sandali itong tumigil sa niluluto at tinignan ako.

"May problema ba ang pinakamamahal kong anak?" tanong nito sa akin at parang nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi.

"Wala naman po...." I said ngunit minabuti ko nang tanungin ito, since sabi nila mothers' knows best.

"Well actually, ano pong tingin niyo sa akin?" nag aalangan kong tanong dito at nakita kong bigla itong ngumiti.

"Tinatanong pa ba yan Alex, ikaw kaya ang pinakamabait na anak sa buong mundo at ,maliban pa doon ay pinakaguwapong anak din." she said ngunit bakit ganoon, parang mas nagduda ako kesa napanatag ang loob ko.

Looking at my mom ay makikita kung saan ako nagmana ng fashion, naisip ko tuloy ang sinabi ng iba na ang lahat ng magulang ay maganda at guwapo ang tingin sa mga anak, maaring ganoon din ba ang sitwasyon ko.

Agad kong binura ang nasa isip ko dahil hindi naman ito makakatulong sa akin at dahil gagawin ko ang lahat para mapakain ko sa Slater na iyon ang lahat ng sinabi nito.

May Itsura (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon